Chapter Nine

845 43 5
                                    

"CLOSER! Ano ba naman 'tong dalawa na ito! Ngayon pa nagkahiyaan!"

Pakiramdam ni Margarette ay mukha nang constipated ang ngiti niya sa bawat anggulong kinukuhanan sa kanilang dalawa ni Rocco habang panay ang turo sa kanila ni Madam Chay at ng photographer.

They should act like a lovely couple, look at each other with so much love that other things don't matter, and smile like the happiness of their love can't be contained. Like... seriously? Paano naman niya gagawing makatotohanan iyon? Sa lovely couple pa lang ay waley na kaagad! Si Rocco na nga lang halos ang nagdadala sa kanya dahil magaling itong mag-project ng emosyon.

She's starting to feel frustrated. Masyadong nakakailang. Ni hindi maramdaman ni Margarette ngayon ang contentment tuwing nasa harap ng camera kapag mabilis siyang natatapos dahil napi-perfect niya ang bawat sinasabing anggulo. Idagdag pa na nakatuon sa kanila ni Rocco ang atensyon ng lahat.

"Bagay na bagay kayong tingnan. Pero parang may kulang talaga?" puna ni Kuya Monch-- ang photographer nila-- habang tinitingnan ang mga kuha nito sa camera. Nakisilip din doon si Madam Chay.

"Am I making you uncomfortable, Margarette?" Halos mapapitlag si Margarette nang bumulong si Rocco mula sa kanyang likuran. His hot breath fanning her nape is ticklish.
Rocco is really hot-looking that time, she would admit. Nilagyan lang naman ng porma at wax ang buhok ni Rocco at nakasuot lamang ito ng simpleng polo shirt at board shorts pero mas ma-appeal pa ito sa mga lalaking modelo nila. And the monkey knows how to project, too. He has a great potential to be a model. Pero nuncang aaminin niya iyon dito! Baka bigyan na naman nito ng malisya ang papuri niya.

"Obviously, hindi ako magaling sa ganitong pag-arte," ganting-bulong niya habang nag-uusap si Kuya Monch at Madam Chay.

"Why don't you just imagine?" suhestiyon ni Rocco.

"Imagine what?"

"Na kunwari ako iyong taong mahal na mahal mo. Kailangan mo lang isipin na ibang mukha ang kaharap mo."

Lihim na napasimangot si Margarette. Parang sinasabi na rin talaga ni Rocco na iba ang mukhang nakikita nito sa kanya. Gayunman, mabilis na kinastigo ni Margarette ang sarili. Bakit naman niya ikaiinis iyon? Of course, it's just normal. Paano nga naman magagawa ni Rocco na tingnan si Margarette na parang mahal talaga siya nito? Malamang ay si Viana nga ang iisipin ni Rocco!

"You're one of the best models, Margarette. You can project anything. Hindi mo kailangang mailang sa akin. Kahit tsansingan mo pa ako, okay lang," muling sinabi ni Rocco bago mahinang tumawa.

"Just more of the emotions and it's good," ani Madam Chay. Tumango si Margarette sa manager. Sa ganoong sitwasyon napiling magsilabasan ng mga kaibigan niya matapos magpalit ng damit ng mga ito para sa susunod na set. Lahat ay napakamalisyosa ng tingin sa kanya.

"Let's do a hug from behind, Rocco," utos ni Kuya Monch. "Rest your chin on Margarette's shoulder."

Nakarinig si Margarette ng tila pigil na pigil na pagtili mula sa mga kaibigan.

"Then, hold his hands, Margarette. Lean on him," sabi naman sa kanya ni Kuya Monch.

Be professional, Margarette. Aniya sa sarili bago tumango kay Kuya Monch.

Nang maramdaman ni Margarette ang mga braso ni Rocco sa kanyang baywang ay pigil na pigil niya ang mapasinghap. Her knees are insanely trembling. Damn it, Margarette! Stop being tensed! Si Rocco lang 'yan! Hindi naman iyon ang unang beses na may dumidikit at yumayakap sa kanya nang ganoon kaya hindi niya maintindihan kung bakit para siyang maiihi ngayon. Mahinang tumawa si Rocco.

"Relax..." bulong nito at hinigpitan ang yakap sa kanya. Pinilit na alisin ni Margarette ang lahat ng pag-aalangan sa sarili dahil siguradong masasabon siya ni Madam Chay kung hindi sila kaagad matatapos.

Girlfriends 4: The On-Air Affair (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon