Chapter Eleven

914 37 3
                                    

"REALLY, MARGARETTE? Nagtatampo ka kay Rocco dahil doon sa t-shirt na hindi mo nakuha? Hanggang sa program niyo mamaya, hindi mo siya kikibuin dahil doon?"

Nairapan ni Margarette ang kaibigang si Yhen nang tawanan lang nito ang sentimyento niya. Mula pa kasi kahapon ay pumupunta si Rocco sa bahay nila pero hindi niya ito hinaharap. Ipinagtaka iyon ni Yhen kaya't sinabi niya rito ang dahilan. Kahit mga text at tawag nito ay hindi niya sinasagot. Naiinis talaga siya kay Rocco! Hindi pa rin matanggap ni Margarette na abot-kamay na niya ang isang "personal belonging" ni Zac pero dahil kay Rocco ay naging bato pa iyon.

"Alam mo naman kung gaano ako ka-fan ng Above Up, Yhen. Iba iyong may remembrance ako galing sa kanila," sagot ni Margarette habang kumakain. Nasa tapat naman si Yhen ng bintana habang sumisilip sa labas kung saan naghihintay si Rocco.

"Come on, Margarette! Hindi ka naman pinagtripan ni Rocco kaya niya iyon ginawa. Maayos naman ang rason niya. Ayaw lang niyang masaktan ka. Hindi ka ba na-touch? Nakakakilig kaya ang concern niya!" sagot nito na pinanggigilan pa ang kurtina habang kinikilig.

"Of course, it's a concert. Hindi maiiwasan ang masaktan doon."

"Well, yes, in-expect mo na nga. Pero si Rocco, ayaw nang ganoon. Kaya kung ako sa'yo, labasin mo na si Rocco doon. Remembrance, kamo? Hindi pa ba sapat na remembrance na nakapanood ka ng concert? Siya kaya ang dahilan kung bakit ka nakapanood ng concert! At isipin mo na lang din ang ginagawa niya para sa'yo. His name is at stake because of you, Margarette, no offense. Tapos aawayin mo siya dahil sa t-shirt?" napapataklang wika ni Yhen bago ito muling tumawa. Lumapit ito sa kanya at tinapik ang balikat niya bago siya nito tinalikuran at umakyat ng kwarto.

Napabuntong-hininga si Margarette at ibinaba niya ang kinakaing salad. Bigla siyang nahiya sa sarili dahil sa tinuran ni Yhen. Hindi niya na maintindihan kung naiinis ba talaga siya dahil sa ginawa ni Rocco o dahil sa nagiging reaksyon niya sa mga ikinikilos nito. She hates being so unreasonable right now!

Tumayo siya mula sa sofa at lumapit sa bintana. Hinawi niya ng kaunti ang kurtina para masilip kung talagang hindi pa umaalis si Rocco. Naroon pa nga ito at nakasandal lang sa harap ng kotse nito habang nakahalukipkip. Siguro nga ay tama talaga si Yhen. Mababaw na ang ipinagtatampo niya kung ikukumpara sa pabor na ginagawa ni Rocco sa kanya ngayon. She really should stop acting childish.

She walked towards the door and opened it. She crossed her arms on her chest. Hindi namalayan ni Rocco ang pagbukas niya dahil hawak nito ang cellphone. Tumunog ang cellphone ni Margarette na nakapatong sa center table. Sinitsitan niya si Rocco na agad namang ikinalingon nito. Muntik na itong masubsob sa pagiging aligaga na lumapit sa kanya. Remorse is evidently drawn on his face. Hindi alam ni Margarette kung bakit tila may warning bells siyang naririnig sa isip habang nakatingin dito.

"Uy... galit ka pa ba sa akin? I'm really sorry," nakangusong sabi ni Rocco nang makalapit na ito sa kanya. Tila nahihiya pa itong napakamot sa batok.

"Stop pouting. Hindi bagay sa'yo," aniya bago niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. Ngumiti siya dito.

"Ito pala ang pakiramdam na manuyo ng babaeng nagtatampo. It's scary," tila natetensyon pa ring sabi ni Rocco sa kanya.

"Scary? Bakit?" naguguluhang tanong niya. Hindi naman siguro siya mukhang manlalapa ng mga oras na iyon.

"Of course, Margarette. Isipin ko pa lang na baka hindi mo na ako mapatawad. Paano pa iyong baka hindi mo na ulit ako kausapin?"

Natawa siya. "Really? Ganito naman ako sa'yo dati, ah."

"Dati 'yon. Iba na ang sitwasyon natin ngayon," giit ni Rocco. "I don't want to lose you now. We're... we're friends, right?"

Friends. They are friends. Iyon nga. Iyon lang dapat. Kaya hindi dapat nagugulo ang pakiramdam niya. Hindi ganoon ang nararamdaman sa isang kaibigan. That's just crazy.

"Yes. Pasensya na. Naging isip-bata na naman ako," sinserong wika niya.

"I'm really sorry, Margarette. Pero seryoso ako sa sinabi ko. Kaya ko pa ring kantahin ang paborito mong kanta sa bandang 'yon habang naghuhubad ako ng t-shirt sa harap mo."

Girlfriends 4: The On-Air Affair (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon