LATE na ng halos tatlumpong minuto ang photoshoot ng Girlfriends sa araw na iyon. Ang sabi ni Madam Chay ay may hihintayin daw muna sila. Na-traffic lang daw ang kasama nila sa shoot ngayong araw. Maybe it’s a guest model from Rising Star. Karamihan naman sa mga modelong under training ay isinasabak sa mga ganitong photoshoot kasama ang experienced models para makita kung malaki ba ang potensyal ng mga ito. Kahit naman sila noon ay isinasama rin sa mga batikan na modelo bilang parte ng training.
“Kumusta naman ang taken naming friend?” tanong ni Siena habang nakaupo sila sa couch at hinihintay na lang ang pagdating nang kung sinuman ang hinihintay.
“Naninibago ako kapag nakikinig ako ng Hotline Love Bling. Alam mo ‘yon, kahit alam ko naman kung ano ang totoo, kinikilig pa rin talaga ako. Kahit dati naman. Pero ngayon, hindi ko talaga naiisip na front act lang iyon,” nakangising sabi ni Cloelia. Mabilis na inilagay ni Margarette ang hintuturo sa kanyang mga labi upang pahinaan ang boses ni Cloe dahil baka may makarinig. Tumango naman si Cloe at nag-peace sign.
“I agree. Nandoon pa rin naman iyong signature na pagtatalo niyong dalawa ni Rocco sa pag-a-advice pero kapag naiinis ka na, kung ano ang salita mo, iyon na rin ang kanya. Seriously, Marge! Hindi ko talaga naiisip na pagpapanggap niyo lang iyon,” segunda ni Brianne na ibinulong ang huling sinabi.
“Yes. At mas lalong kayong nakikilala dahil doon. Iyon bang lovestory na sa libro at pelikula lang makikita. From hate to love…” ani Muse. “Nabasa mo ba ang madalas na comments ng mga tao sa fanpage ng Happy FM at ng segment niyo? Listeners would love to see the both of you in a movie, Marge. Napakalaking break no’n kung magkataon!”
“Maganda nga sanang pakinggan iyon kung hindi lang puro ito kasinungalingan,” sagot ni Margarette habang pinaglalaruan ang dulo ng kinulot na buhok.
Halos dalawang linggo na mula nang pinanindigan nila ni Rocco ang sinimulan niyang kalokohan kay Alfred. At tama ang mga kaibigan ni Margarette, parang napakanatural lang ng arte nilang dalawa. If she’d be placing herself in the place of a listener, she wouldn’t think that they’re just doing a front act. Kung hindi lang isinisiksik ni Margarette sa utak na purong pagpapanggap lang iyon at kung siya ang tipong madaling mahulog ng mga salita ay baka nadala na siya. But of course, they aren’t in that situation.
Well, before, madali siyang madala sa mga salita. Madali siyang mabola. Basta magpakita ng intensyon, para kay Margarette ay pwede na. Masyado siyang nagpaniwala sa sumpa kaya’t bawat lalaking magpapakita ng interes, ang akala ni Margarette ay iyon na ang lalaking para sa kanya. Pero matapos nang kay Alfred ay tinigilan na ni Margarette ang paghahanap sa lalaking para sa kanya. Nakakapagod naman pala talagang i-disappoint ang kanyang sarili nang paulit-ulit. She began to accept what her fate would turn out to be. Kung ano ang dumating ay tatanggapin niya. But that was the least of her concerns now. Ang gusto lang ni Margarette ay maayos ang problemang pinasok niya.
“Bakit parang nakarinig ako nang paghihinayang sa boses mo?” makahulugang wika ni Champagne na nanliliit ang mga matang nakamasid sa kanya.
“Of course, Champ. Magandang break naman talaga iyon kung nasa tamang sitwasyon ang lahat,” sagot niya. Napaiwas ng tingin si Margarette kay Champagne dahil tila may hinuhuling reaksyon ang huli sa kanyang mga mata.
“Tamang sitwasyon? You mean… kung kayo talaga ni DJ Rocco?” tanong muli ni Champagne. Inakbayan ito nang natatawang si Muse. Kahit kailan talaga ay napaka-observant ng kaibigan niyang si Champagne!
“Hindi, syempre. Kahit sa normal na sitwasyon, malabong magkaroon kami ng relasyon ni Rocco.”
“Malabo? Bakit naman?” nagtatakang tanong ni Estrella. Napapapikit na napabuntong-hininga si Margarette. Kailangan ba talaga niyang ikuwento sa mga kaibigan ang tungkol sa babaeng hinihintay ni Rocco?
BINABASA MO ANG
Girlfriends 4: The On-Air Affair (To Be Published Under PHR)
RomanceThe 25th Curse. Iyon ang pinaniwalaang dahilan ni Margarette kung bakit puro palpak ang mga relasyong napasukan niya. After her recent fail, she began to accept that maybe, the love she wanted isn't really meant for her. Baka kung hindi nauubusan ay...