Chapter Six

861 38 0
                                    

PAKIRAMDAM ni Margarette ay tumabingi ang ngiti niya nang pumalakpak si Sir Placido-- ang boss nila sa Happy FM-- nang ipatawag sila ni Rocco sa opisina nito isang oras bago magsimula ang Hotline Love Bling. Hindi na nagulat si Margarette na sa oras na iyon ay naroon pa rin ang boss niya dahil minsan pa nga ay dito na ito sa opisina nagpapalipas ng gabi.

"For three consecutive days, Happy FM has the highest ratings for programs, Margarette and Rocco! Lalo na ang Hotline Love Bling. Napakalayo ng lamang natin sa competitors! Mas lalong tinangkilik ng mga tao ang segment dahil sa nangyari sa inyong dalawa. Congratulations! I already felt this undeniable chemistry between the both of you before. Sinasabi ko na nga ba at dito rin ang tuloy nito," maligayang sambit ni Sir Placido bago ipinakita sa kanila ang papel kung saan nakadetalye ang breakdown ng ratings sa buong isang linggo. Totoo ngang napakalayo ng agwat ng Happy FM sa mga kalabang istasyon. At sa mga programa ng istasyon nila ay ang sa kanila ni Rocco ang nakakuha nang pinakamataas.

"Wow," tanging nasabi ni Margarette. Nagkatinginan sila ni Rocco na nasa katapat na upuan. Halatang pinapanood nito ang reaksyon niya. Hilaw ang ngisi na ibinigay ni Margarette dito.

Paanong maaayos ni Margarette nang madalian ang sitwasyon kung ganito ang idinudulot ng kalokohan niya? Kung ganito kasaya ang boss nila at mga tagapakinig? God! Ngayon lalo naiisip ni Margarette ang mga konsikuwensya nang kahibangan niya!

"I wonder... how did this happen? I mean, I never thought of this as impossible. Pero alam kong hindi talaga kayo magkasundong dalawa. Especially Margarette..." Nagulat siya sa pagbanggit ni Sir Placido sa pangalan niya lalo nang tumawa ito. "I remembered when I asked her if there's a chance of her falling in love with you. Naalala mo pa ba ang sagot mo doon, Margarette?"

"Po?" Napakurap-kurap siya.

"Sabi mo, magre-resign ka na lang sa trabaho mo kung ma-i-inlove ka kay Rocco," ani Sir Placido at humalakhak.

Talaga? Sinabi ko iyon? Oh, right. Maybe it's one of her spur of the moment words again.

"Really? You'll do that?" nang-aasar na tanong ni Rocco. Nakangisi ito sa kanya na may paghahamon. Oo nga naman, sa ginawa nilang sitwasyon ngayon, "inlove" na siya kay Rocco.

"Uh... that was..." Ni hindi madugtungan ni Margarette ang sinasabi.

"That was before, Rocco. It's a natural reaction towards someone you hate. 'Wag mong sabihin na pag-aawayan niyo pa iyon?" namamanghang sabi ni Sir Placido.

Umiling si Rocco. "Of course not, Sir! Hindi ako papayag na umalis si Margarette dito dahil lang na-inlove siya sa akin. I'm inlove with her too so I'll make her stay. Magiging walang kabuluhan sa akin ang lahat kung iiwan niya akong mag-isa dito. I'd rather follow her where she goes," Tumingin si Rocco sa kanya. Kitang-kita ni Margarette ang pagsuyo sa mga mata nito na tila ba siya lamang ang nag-iisang babae sa mundo na nakikita ni Rocco. For a moment, she got lost in his stare. Alam naman niyang ginagawa iyon ni Rocco para ma-please ang boss nila. For all she knows, maybe he imagines that he's looking at Viana.

'Wag kang magpapadala, Margarette. Magulo na ang pinasok mo, huwag mo nang dagdagan. Bilin ng isang bahagi ng kanyang isip.

I tend to do reckless things but I'm not a masochist. Alam ko kung sino ang dapat at hindi dapat gustuhin. Aniya sa sarili.

"Wow, that's good to hear, Rocco," tumatangong sabi ni Sir Placido. "I really couldn't question the decisions of someone for love. I'm really happy that you two are together now. I hope it will lead to wedding bells soon."

Halos masamid si Margarette sa sinabi ng boss nila. Mas lalo lang siyang nakonsensya. Alam niyang hindi makitid ang utak ni Sir Placido pero batid ni Margarette na maaaring mawala ang kredibilidad niya kapag nalaman nito ang totoo. Buti sana kung iyon lang. She could bear it. Pero siguradong madadamay din si Rocco. Kahit pa bukal sa loob ni Rocco na tulungan muna siya, kasalanan pa rin niya kung pati ito ay masisira. Because in the industry they were in, trust, honesty, and loyalty are the most important things.

Girlfriends 4: The On-Air Affair (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon