Chapter Twenty-One

1.1K 42 4
                                    

HINAYAAN lamang ni Margarette na tangayin ng malakas na hangin ang buhok niya habang nakatanaw siya sa Pandin Lake. Doon siya madalas tumatambay dahil nakaka-relax ang katahimikan doon. Tuwing summer ay marami ang dumadayo roon upang magbalsa pero ngayon ay siya lamang ang dayong naroon. Ang iba pa ay iyong mga nakatira na sa gilid ng ilog at mga nagpapaarkila ng balsa at salbabida.

Huminga siya ng malalim. Magtu-two weeks pa lamang siyang nagpapahinga ngunit nagri-request na ang boss niya sa radio station na agahan ang pagbalik dahil hinahanap na ng listeners si DJ Margaux. Rocco can handle himself alone. Pero iba pa rin daw kung naroon siya. Ayon sa mga kaibigan ni Margarette, hindi katulad nang malalang inaasahan niya, hindi naman ganoong namuhi ang fans at ang iba pang nakakakilala sa kanya. May mga na-disappoint pero matapos mailabas ang special anniversary issue ng Girlfriends ay muli na namang nabuhay ang “MarCo” tandem. Fans are getting anticipated on how their story will go. Kahit ang management ng Rising Star ay binubulabog na ng fans tungkol doon. Ayaw daw kasing magbigay ng pahayag ni Rocco kung hindi siya kasama.

Pero hindi alam ni Margarette kung dapat na bang bumalik. Oo at gusto niya nang gawin muli ang mga trabaho pero hindi niya masabi kung siya ba sa sarili ay handa na… handa nang makaharap ulit si Rocco. She’s good at pretending in front of people, proven and tested. Pero sa sarili ay hindi niya yata kayang magpanggap. Kung sana ay kaya ang dalawang linggo para makapag-move on…

“Margarette, magbabalsa ka ba? Gusto mong kalasin ko na ang tali?” May nagsalita mula sa kanyang likuran. Nakaupo kasi siya sa balsa na nasa pampang. Nalingunan ni Margarette si Mang Rudy na siyang inaarkilahan niya ng balsa mula pa noon.

Ngumiti siya. “Hindi na po. Hindi rin naman po ako magtatagal. Salamat po,” sagot niya. Tumango si Mang Rudy at nakangiting nagpaalam sa kanya.

Ilang saglit pang nakaupo roon si Margarette nang maramdaman niya ang tila paggalaw ng balsa. Hindi na sana iyon papansinin ni Margarette kung hindi lang talagang gumalaw ang balsa na nagsisimulang lumayo sa pampang.

“Hala, Mang Rudy, hindi—“

Tila nalunok ni Margarette ang lahat ng salita nang sa kanyang paglingon ay bumungad sa kanya ang lalaking hindi nilubayan ang utak niya sa loob ng mga araw na lumipas.

Nakatayo si Rocco sa dulo ng balsa at seryoso ang pagkakatitig sa kanya. Natanawan ni Margarette si Mang Rudy na kinakalas ang lubid na nakatali sa malaking kahoy na naroon. Hindi naman inalis ang buong lubid ngunit sapat na para mailayo ang balsa sa pampang. Lumingon si Rocco kay Mang Rudy at itinaas ang kamay nito na tila nagpapasalamat. Sumaludo naman ang matanda at umalis.

Natensyon kaagad si Margarette nang mapagtantong silang dalawa lang talaga ni Rocco ang naroon. She felt the urge to jump on the water but it will be stupid. Hindi rin naman siya marunong lumangoy lalo na at malalim na sa bahaging iyon. Ngunit higit sa anuman, ang lubos na ikinagulat ni Margarette ay ang pagsulpot ni Rocco. With his simple navy blue shirt and black pants, he’s still the most handsome man for her. Malalalim ang mga mata ni Rocco na tila kulang pa ito sa tulog ngunit hindi iyon nakabawas sa kakisigan nito.

Pinilit ni Margarette na huwag pansinin ang tila pagsisirko ng kanyang puso sa antisipasyon sa muling pagkakakita kay Rocco. Her whole system is screaming of how much she missed him but she stayed still. Mas interesado siyang malaman kung ano ang ginagawa ni Rocco dito kaysa pagbigyan niya kaagad ang sariling emosyon. Wala naman kasing naaalala si Margarette na nabanggit niya kay Rocco kung saan ang probinsya nila.

“Ikaw… a-ano’ng ginagawa mo rito?” Halos pabulong iyon na lumabas sa kanyang bibig. Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ni Margarette, pakiramdam niya ay nangangatok iyon para makalabas.

“Sinusundo kita,” walang pag-aalinlangang sagot ni Rocco. Humakbang ito papalapit sa kanya ngunit tumigil din nang may tatlong hakbang pa ang distansya nila. Nawala ang kaseryosohan sa mga mata ni Rocco at napalitan iyon ng tila pinaghalong pananabik at pangungulila.

Girlfriends 4: The On-Air Affair (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon