Chapter Eighteen

845 37 0
                                    

“MARGE, may naghahanap sa’yo sa reception.”

Natigil sila Margarette sa pagkukuwentuhan nang sabihin iyon ng isang staff nila. Well, hindi naman talaga siya kasali sa pagkukuwentuhan ng mga kaibigan dahil lumilipad ang utak niya sa ibang bagay.

“Baka si Rocco?” hula ni Cloe. Hindi naman magugulat si Margarette kung si Rocco nga ang naghahanap sa kanya dahil ilang araw na rin niyang iniiwasan ito. Ilang beses sumubok si Rocco na makipag-usap sa kanya pero tuwina ay hindi niya ito pinagbibigyan. Kahit tuwing nasa Happy FM sila ay hindi niya ito kinikibo kung hindi naman kailangan.

“Hindi mo pa rin ba kinakausap, Marge?” tila hindi makapaniwalang tanong ni Champagne. Nang umiling siya ay pumalatak ito. “Bakit?”

“Bumalik na si Viana,” tipid niyang sagot na tila ba iyon lang ang pinakamadaling eksplanasyon kung bakit iniiwas na ni Margarette ang sarili. Hindi niya alam kung ano ang pinag-usapan nila Rocco at Viana noong nakaraang linggo at wala rin siyang ideya kung nagkikita na ba ang mga ito pero ayaw na ni Margarette na makialam pa doon. Tapos na ang lahat sa pagitan nila ni Rocco. At bukas nga ay aaminin na ni Margarette ang lahat tungkol sa kasinungalingan niya. She secretly scheduled an interview for a famous talk show tomorrow.

True to her friends’ words, sa mahigit isang buwan nang naging pagpapanggap nila ni Rocco ay parang hangin lang na lumipas iyon. Parang napakabilis. Nakalimutan na niyang tumagal na nang ganito dahil masyado na siyang nadala nang hindi man lamang namamalayan. Kung hindi pa naamin ni Margarette sa sarili na mahal niya si Rocco at kung hindi pa bumalik si Viana ay baka tuluyan na niyang mapanindigan ang ginagawa nila. Indeed, things got more complicated. Dahil ngayon, kasama na ang puso niya sa mga kailangan niyang ayusin. Kapag puso talaga ang nakialam, napakahirap nang paamuin.

“So?” nakataas ang kilay na tanong ni Muse. “Ano naman kung bumalik na? May babalikan pa ba ang Viana na iyon?”

“Matagal na hinintay ni Rocco si Viana. And now that she’s back, it’s time to reconcile. Sabi ko nga sa inyo, baka naguluhan lang si Rocco sa nararamdaman niya sa akin dahil ako ang nasa tabi niya. Baka ngayong bumalik na ang first love niya, malinawan na siya. Ginagawa ko lang kung ano ang tama,” giit niya.

“Tama?” Natawa si Siena. “Tama sa’yo iyon? Tama sa’yo na talikuran na lang si Rocco pagkatapos niyang sabihin na mahal ka niya? Tama sa’yo na hindi mo na siya binigyan ng pagkakataon na makausap ka?”

“I don’t want to make this hard for the both of us. Kung maiisip ni Rocco na kay Viana pa rin siya babalik, hindi niya na ako kailangang sabihan pa tungkol doon. Pinapakawalan ko na naman siya,” depensa niya sa sarili.

“Ah! That’s it? Kaya mo siya ayaw kausapin dahil iniisip mo na farewell talk ang mangyayari sa inyo?” sarkastikong tanong ni Yhen. “Iyong gabi-gabi niyang paghihintay sa labas ng bahay na kung hindi ko pa sasabihin na nagpapahinga ka na para lang umalis siya, para lang iyon sa farewell talk? Really, Marge? Akala ko ba love expert ka?”

Bumuntong-hininga si Margarette. Marahil sa iba, hindi komplikado ang sitwasyon ng puso niya. Isang bagay lang iyon na napakadaling solusyonan. Pipiliin lang niya si Rocco, tatanggapin ang pagmamahal nito, at bahala na ang iba. Sa ngayon, madali nga namang sabihin ang bagay na iyon dahil siya ang mahal ni Rocco. Pero hanggang kailan?

Maaaring dahil bumalik na si Viana ay magbabago ang isip ni Rocco. At wala siyang magagawa dahil iyon naman talaga ang inasahan niyang mangyari. Iyon naman talaga ang simula’t-sapul ay hinihintay ni Rocco. At bago pa magkandaletse-letse ang lahat, ginusto niyang magkaroon nang katuparan ang naudlot na love story ng mga ito. Kung hindi lang talaga siya napadaan at ginulo ang sitwasyon. Tuloy, pakiramdam ni Margarette ay siya ang kontrabida sa pagbabalikan ng dalawa. Nahihiya siya kay Rocco, kay Viana, at higit sa lahat ay sa sarili. Margarette is ashamed of herself because she fell in love with Rocco after saying that she won’t.

Girlfriends 4: The On-Air Affair (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon