Epilogue

1.3K 64 9
                                    

TINAMAAN KA NG MAGALING, ROCCO GABRIEL!

Nanliliit na ang mga mata ni Margarette sa screen habang naghihintay ng tawag o text ng nobyong si Rocco na kanina pa niya hindi makontak. Magsisimula na lang ang Hotline Love Bling ay wala pa rin ito at hindi sumasagot sa mga tawag at text niya. Kahit gustong mainis ni Margarette kay Rocco ay hindi niya maialis ang pag-aalala dahil mula nang maging magkasintahan sila—for real—ay hindi pa nangyaring hindi binobomba ng text at tawag ni Rocco ang inbox at call logs niya.

“On-air, Margarette, one minute!” sabi sa kanya ng isang staff habang umeere ang isang advertisement. Wala sa loob siyang tumango. Pakiramdam ni Margarette ay hindi niya magagawang maituon ang buong atensyon sa programa kung ganoong missing in action ang boyfriend niya.

Boyfriend. It’s really good to say it. Sa loob ng halos limang buwan mula nang naging magkasintahan sila ay walang maireklamo si Margarette sa klase nang pagmamahal at pag-aalaga sa kanya ni Rocco. Kahit nga pagpapakilig sa kanya ay hindi ito pumapalya. Kung ipinagkait niya siguro sa sarili na tanggapin si Rocco sa kanyang buhay ay hindi mararamdaman ni Margarette ang kasiyahang binibigay sa kanya ngayon ng nobyo. She’s all contented and she can’t ask for anything more. Sa bawat pagkakataon na magkasama sila ni Rocco ay lagi nitong ipinaparamdam kung gaano siya ka-espesyal. And that makes her fall in love with him more and more each day.

And too corny, too. Singit ng isang bahagi ng kanyang utak. Totoo naman. Nahahawa na rin siya sa sobrang pagka-corny ni Rocco tuwing naglalambing ito.

“Good evening, people! This is DJ Margaux at kayo’y nakikinig sa programang takbuhan ng mga puso, Hotline Love Bling!” Pinilit ni Margarette na pasiglahin ang boses kahit si Rocco lang ang naiisip niya ng mga oras na iyon. “Unfortunately, wala ang partner ko ngayon kaya ako muna ang makakasama niyo sa gabing ito.”

“Happy birthday to you! Happy birthday to you!” Nagulat si Margarette nang kumakantang pumasok ang mga staff na may dala-dalang cake at ilang piraso ng lobo sa loob ng station. Natawa siya at napailing.

“Thank you, thank you!” aniya at tinanggap ang inabot na cake at mga lobo. Natatawang sumaludo ang mga kasamahan sa kanya bago lumabas. “Thank you rin po sa lahat ng bumati sa akin through social media. I appreciate all the best wishes!” masayang wika ni Margarette.

Yes, it’s her 25th birthday. Ang araw na pinaniwalaan niyang tuluyan na siyang maisusumpa na hindi na makakahanap ng tunay na pag-ibig. Pero dumating si Rocco at ipinaramdam sa kanya ang pagmamahal na halos sukuan na niya noon. Rocco’s love broke the curse for her, or if there really ever was.

Okay na sana talaga ang lahat kung hindi lang dahil kay Rocco na siya namang wala sa araw na iyon. Kahit isang pagbati ay wala pa siyang natatanggap mula rito.

Baka may sumpa pa rin. At ngayon ang araw na hihiwalayan ka ni Rocco. Singit ng kontrabidang bahagi ng utak niya.

Shut up! Aniya sa sarili. Simula noong tanggapin ni Margarette si Rocco ay hindi niya pinagdudahan ang nararamdaman nito. Malaki ang tiwala niya kay Rocco. Ayaw niyang magkaroon siya nang pagdududa sa pag-ibig nito dahil lang sa sariling hinala. Nangyari na iyon dati at pinagsisihan niyang masyado siyang nagpadala sa mga sariling paniniwala.

Ipinilig ni Margarette ang ulo at itinuon ang atensyon sa trabaho. Marahil ay may maayos na dahilan si Rocco kaya wala ito ngayon. Ayaw niyang pag-isipan ito ng kung ano. Lalo nang ayaw ni Margarette na sirain ang mood niya sa araw pa na iyon.

“Okay! Meron na tayong first caller sa gabing ito. Hello there!”

“Hi, DJ Margaux,” Kumunot ang noo ni Margarette nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaki. Tumingin si Margarette sa mga staff at sa kung anong kadahilanan ay napansin niyang sinusupil ng mga ito ang pagngiti.

Girlfriends 4: The On-Air Affair (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon