Chapter Seven

816 37 3
                                    

PINIPIGILAN ni Margarette ang sumimangot habang naglalakad patungo sa paborito niyang restaurant sa Del Mancion. Gusto niyang mag-“ice cream therapy” dahil sa frustration na nararamdaman. Naubusan kasi siya ng ticket para sa concert ng Above Up—ang iniidolo niyang international band. Kahit general admission lang sana ay okay na siya tutal pareho pa rin sila ng hanging nilalanghap kaya lang kahit ang pwestong iyon ay sold-out na rin. Kahapon lang nagsimula ang ticket selling at wala na kaagad siyang naabutan!

Kung tutuusin, pwede naman siyang makisuyo sa mga kakilala upang magpabili ng ticket kaya lang ay ayaw ni Margarette ng special treatment. Gusto niyang maramdaman ang pagpapaka-fangirl. Iyong talagang siya mismo ang mag-e-effort para makakuha ng ticket. Isa pa, hindi rin naman niya inasahan na ganoon lang kabilis na mauubos ang mga concert pass. Kolehiyo siya nang makilala ang Above Up at kahit hanggang ngayon ay sikat na sikat pa rin ang boy band na iyon. Sayang at napalampas na naman niya ang pagkakataon.

“Si Margarette iyon, 'di ba?” Narinig ni Margarette na bulong ng isang babae sa grupong nadaanan niya.

“Si DJ Margaux?” tanong ng isa. “Oo nga, siya nga!”

Nagulat na lamang si Margarette nang biglang magtilian ang mga ito bago tumakbo palapit sa kanya.

Hindi naman niya masasabing sikat talaga siya bilang stand-alone celebrity. Hindi siya katulad ng ibang artista na nakikita sa mga telebisyon at pelikula. Kilala siya dahil sikat ang pangalang “Girlfriends” sa madla at idagdag pang matunog din ang Hotline Love Bling lalo na ngayon. Hindi iyon ang unang pagkakataon na dinumog siya ng tao o kahit ang iba niyang kaibigan kapag napupunta sa isang public place. Kaya nga sinabihan sila noon ni Madam Chay na kumuha na ng assistant o ‘di kaya ay personal bodyguard para kapag pumupunta sila sa pampublikong lugar ay may kokontrol kapag nakilala kaagad sila ng mga tao.

Noong una silang inilunsad bilang bagong batch ng Girlfriends, hindi pa sila gaanong kilala ng mga tao. Lalo na at dahil nasanay ang madla sa dating miyembro ng Girlfriends na ngayon ay may kanya-kanya ng pamilya. Pero nang tumagal ay hindi na sila nakakapunta ng mga mall na walang nakakakilala sa kanila. But it’s not something to get scared of. In fact, it’s flattering. At isa pa, kaya naman ni Margarette ang sarili kaya hindi niya naisip na kumuha pa ng personal assistant o bodyguard.

That was at that time. Pero simula nang pumutok ang balita sa kanila ni Rocco ay hindi na siya gaanong nakakapaglakad ng mag-isa dahil sa dami nang lumalapit upang magpa-picture, magpa-autograph, at kung ano pa. Madalas ay may kasama siyang mga staff ng Rising Star. Ngayon ay wala dahil wala naman siyang pasok sa agency at ayaw niyang mang-abala.

“Fan niyo po ako ni DJ Rocco! Grabe, Miss Margarette! Nakakakilig talaga ang story niyong dalawa!” tili ng isang dalagita.

“OMG! Ang ganda mo po lalo sa personal!”

“Bakit hindi mo po kasama si DJ Rocco?”

“Pa-picture naman po, Miss Margarette!”

Hindi na mawari ni Margarette kung sino ang nagsasalita dahil marami na ang nakapalibot sa kanya ngayon. Wala siyang ibang masagot kundi ang pagngiti at gumanti ng bati sa mga ito. Ni hindi na rin alam ni Margarette kung ilan ang lumapit sa kanya para makakuha ng litrato o kanino galing ang pentel pen na ginagamit niya sa pagpirma sa mga nagpapa-autograph. Dahil nakakuha na sila ng atensyon doon ay nahirapan na si Margarette na makaalis sa gitna ng mga tao.

“Excuse me, excuse me lang po… please, baka nasasaktan ang girlfriend ko…  Hindi ko nga pinapakagat ‘yan kahit sa lamok,” Napalingon si Margarette sa pamilyar at baritonong boses na iyon na pinipilit makasingit sa gitna ng mga tao. Nakita niya si Rocco na kasunod ang ilang mga security guard na humahawi sa mga taong umiipit na sa kanila. Nang makalapit si Rocco kay Margarette ay agad nitong hinawakan ang baywang niya at hinapit siya palapit sa katawan nito. His strong arm enveloped her like he’s protecting her from any harm.

Girlfriends 4: The On-Air Affair (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon