NAPAPAHIKAB na si Margarette habang nakasalampak sa couch. Naroon siya sa thanksgiving party ng isang clothing brand na iniendorso ng Girlfriends. Garden and pool party ang theme kaya kung hindi nagsasayawan ay naliligo sa swimming pool ang mga nakikita niya. Tila nagtatagisan ng kung sino ang may pinakakinulang sa tela ng bikini ang ibang babae na naliligo. But she doesn’t mind, though. Sa mundo na ginagalawan ni Margarette ay sanay na siyang makakita ng mga ganoon.
Ngunit kahit malimit na pumunta si Margarette sa mga ganitong pagtitipon ay hindi pa rin talaga siya nasasanay. Lalo na sa mga sayawang katulad nito. Hindi lang dahil sa parehong kaliwa ang paa niya kundi dahil… well, hindi niya lang talaga hilig ang ganoon. Hindi siya komportable. She’d rather sleep here in the couch. Kung hindi lang parang matatanggal ang tainga niya sa lakas ng music ay makakatulog talaga siya dahil sa antok. Mas tolerable na nga ito kung tutuusin kaysa sa pwesto nila kanina na nasa gilid lang ang stereo. Nang magsayawan na ang mga kaibigan ni Margarette ay lumipat sila ni Muse sa dulong bahagi ng garden.
“Bakit hindi ka sumama sa kanila, Muse? Nagsasayaw silang lahat, oh!” Tinuro ni Margarette ang iba nilang kaibigan na naghaharutan lang at nagtatawanan sa dancefloor. Kulang na lang ay gumulong ang eyeballs ng mga lalaking kung makatingin sa mga kaibigan niya ay parang nahihipnotismo. Oh, well, what’s new? Her friends got to attract attention through simple actions or even without doing anything at all.
“Nah! Mahirap na. Baka may espiyang pinadala si Bench dito,” natatawang sabi ni Muse na ang tinutukoy ay ang bestfriend-turned-lover nito.
Kumunot ang noo niya. “Para namang hindi pa siya nasanay sa mga ganito.”
Lalong humalakhak si Muse. “I’m just kidding. Wala lang ako sa mood. Alam mo namang KJ ako pagdating sa ganito.”
Right, they’re on the same page. Tumango na lamang si Margarette at ininom ang strawberry cocktail na nasa kanyang kopita. Nagulat siya nang biglang lumundo ang couch sa biglaang paglipat ni Muse.
“Uy, kung okay lang, pwede ba akong magtanong?” tila excited na tanong ng kaibigan niya.
Ngumiwi siya. “Kahit naman sabihin kong hindi, itatanong mo pa rin.”
Tumawa muli ito at nagkibit-balikat. “At least, nagpaalam pa ako.”
Napailing si Margarette at pinagtaasan ito ng dalawang kilay. “Ano?”“Ikaw saka si DJ Rocco—“
Malakas na napabuntong-hininga si Margarette. “'Wag mo nang ituloy, Muse. Hindi na kaagad ang sagot ko diyan.”Ngumisi ang kaibigan niya. Nabigla na lamang si Margarette nang biglang alugin ni Muse ang braso niya.
“Talaga? Hindi imposibleng magustuhan mo siya?”Napanganga si Margarette. Pakiramdam niya ay umakyat sa kanyang lalamunan ang cocktail na nainom. “What? No! Please!”
“Itatanong ko kasi kung imposible ba talagang magustuhan mo ang partner DJ mo! Excited kang sumagot, ah? Sinasabi ko na nga ba!” panunudyo ni Muse bago nito tinusok-tusok ang kanyang tagiliran.Naipilig ni Margarette ang ulo. “Hindi ganoon! Akala ko kasi itatanong mo rin kung may namamagitan sa amin ni Rocco. Naririndi na kasi ako sa kakatanong sa akin tungkol doon.”
Matagal nang iniintriga si Margarette ng tungkol kay Rocco, sa Happy FM man o sa Rising Star office. Pero mula nang hintayin ni Rocco na matapos ang shoot niya sa studio noong nakaraang linggo ay lalo siyang hindi tinantanan ng mga kaibigan. Baka raw inililihim lamang ni Margarette ang tungkol sa tunay niyang relasyon kay Rocco para ma-preserve ang aso’t-pusang imahe nila nito sa Hotline Love Bling. Seriously? Para nga siyang laging maha-highblood kapag nakikipag-debate rito sa set!“Bakit naman hindi? Single ka, single naman yata si Rocco. You look really good together. Kapag nakikinig ako ng segment niyo, sa halip na mamili ako kung sino ang kakampihan ko, kinikilig lang ako,” napapahagikhik na sabi ni Muse.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 4: The On-Air Affair (To Be Published Under PHR)
RomanceThe 25th Curse. Iyon ang pinaniwalaang dahilan ni Margarette kung bakit puro palpak ang mga relasyong napasukan niya. After her recent fail, she began to accept that maybe, the love she wanted isn't really meant for her. Baka kung hindi nauubusan ay...