Chapter 4

1.6K 47 0
                                    

Chapter 4

Rent

Halos isang oras at kalahati ang naging byahe naming. Mabuti nalang at walang traffic kanina.

“We’re here.” He announced and look at Kiara.

Tumingin din ako sa kanya at lumingon din ako sa likod. Nakita kong natutulog na si Kiara.

Napangiti ako at lumabas na sa kotse para puntahan doon sa likod ang kapatid ko.

“Baby..” bulong ko sa kanya at mahinang tinapik ang pisngi niya.

Nagising naman agad siya at tumingin sa paligid. Bigla siyang ngumiti sa akin. “Nandito na po ba tayo?” tanong niya sa akin.

Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. Inalis ko ang seatbelt niya at sandali siyang inayusan.

Inakay ko siya palabas at nakita naming si Chanyeol na nagsusuot ng itim na cap.

Tumingin siya sa amin at ngumiti. “Are you ready my babies?" tanong niya sa amin.

Napasibangot naman ako at tumingin nalang sa paligid. May naalala ako bigla sa lugar na ito.

Dito umamin si Kladin kay Plea na may gusto siya dito. Akala ko dati na sa akin siya may gusto, pero nagulat nalang ako nang sa bestfriend ko siya nagtapat.

Umasa ako, dun naman kasi ako magaling eh.

May biglang lumapit sa amin at may inabot na kung ano kay Chanyeol. Pagkaalis ay bigla siyang tumingin sa amin at ipinakita sa amin ang tickets na hawak niya.

“Yey!” sigaw ng kapatid ko at umalis sa pagkakahawak ko pagkatapos ay lumapit kay Chanyeol. Napailing nalang ako dahil mas naging close pa siya kay Chanyeol.

Magkahawak sila ng kamay at ako ay nasa likod lang nila at nakasibangot dahil mukha lang talaga akong baby sitter nilang dalawa.

Napahinto ako ng bigla noong huminto sila. Nagkatinginan sila at sabay silang tuimingin sa akin. Napataas naman ang isa kong kilay at mas lumpit sa kanila.

“What?” tanong ko sa kanila.

Napayuko ako at napatingin sa kapatid ko na hinawakan ang isa kong kamay. “Let’s go na po.”  Sabi niya kay Chanyeol na hawak hawak na din ang kamay nito.

Nakapasok kami sa loob, napangiti ako habang tinitignan ang buong paligid. Pero bigla akong nagtaka dahil bakit walang tao dito. Alam ko naman na gabi na pero diba dapat mas madaming tao dito lalo na kapag gabi?

Agad akong napatingin kay Chanyeol. “Bakit walang tao?” kunot-noong tanong ko sa kanya.

Nakita ko ang pagtawa niya ng mahina. “I rented this.” Sabi niya sa akin kaya nanlaki ang mata ko sa sobrang gulat.

Because, WHAT THE HELL? Ganito na ba kalakas ang trip niya? Nirentahan ang buong enchanted kingdom?

“Are you freaking serious?” gulat parin na tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at kinausap na ang kapatid ko kung saan niya gustong pumunta.

Napatulala nalang ako sa kawalan. Damn, ganoon ba siya kayaman masyado para magsayang ng pera? Magkano kaya ‘to?

Sinundan ko sila at nakita kong gustong sumakay ng kapatid ko sa isang pambatang ferriswheel. Mukha naman iyong safe kaya pinayagan ko siya.

Napapangiti ako kapag nakikita kong tumatawa ng malakas ang kapatid ko tuwing nappupunta siya sa itaas.

Narinig ko naman ang malakas na paalala ni Chanyeol na humawak ng mabuti ng kapatid ko at baka mahulog daw.

Sobrang OA.

“Excuse me.” Tawag ko sa kanya. Kahit na kasama ko siya, naiinis parin ako kaya hindi ko siya matawag tawag sa pangalan niya.

Tumingin naman siya sa akin.

“How much did you rented this? Hati nalang tayo or ako nalang ang magbabayad.” Sabi ko sa kanya.

Fuck, magkano kaya ito baka maubos yung pera kong dala dito ha. Naiwan ko pa naman yung atm cards ko.

“One million.” Sabi niya sa akin at tumingin sandali sa kaptid ko.

Nanlaki naman ang mata ko napanganga sa sinabi niya.

“What the hell?” naibulalas ko nalang kaya agad siyang napatingin sa akin.

Ganoon ba siya kayaman at gumasta siya basta basta ng ganoong kalaking halaga?

“You don’t need to curse, okay? I already paid it.” Sabi niya sa akin at hindi niya maiwasan na tignan ang kapatid ko. Ganoon ba siya kaalaga sa mga bata?

“Pero ang mahal masyado!” sabi ko sa kanya.

“It’s fine.” Sabi niya lang at sinalubong ang kapatid ko na bumababa na.

“Did you enjoy?” masayang tanong niya sa kapatid ko. Masayang tumango naman ang kapatid ko pagkatapos ay tumingin sa akin.

Pinangko niya ang si Kiara at tinanong kung saan pa niya gustong sumakay.

“Don’t worry okay? I rented this place until tomorrow. May mga pupunta ditong mga bata tomorrow, they’re from a bahay ampunan. This is under my charity. I just want to enjoy first.” Sabi niya sa akin at umalis na sa harapan ko habang pangko pangko ang kapatid ko.

I’m speechless.

Love, BasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon