Chapter 14

1.4K 39 2
                                    

Chapter 14

Life is Beautiful

Nanatili akong nakatitig sa may bintana at hindi ko magawang tumingin sa kanya.

Fuck, nababaliw na ba siya?

Napapikit nalang ako habang pilit na inaalis sa isip ko sa sinabi niya kanina.

Dapat talaga hindi ko nalang siya pinagtripan. Ang bilis ng karma eh.

“Why you're not eat? I thought you’re hungry kaya ka nagpababa sa isang fast food chain.” Bigla siyang nagsalita na parang wala siyang sinabi sa akin kanina na ewan.

Tumingin ako sa kanya at napasibangot na naman. Siguro niloloko lang ako nito kanina.

Pero wala siyang sinabi na joke lang.

Wahhh nakakaloka naman. Ganito ba kapag first time na may umamin na may crush sakin?

Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat na maging reaksyon after noon. God, Karina, hindi ka na teenager!

“Hey..”

Napakurap ako at tumikhim bigla. Tinignan ko siya. “I-Ikaw, hindi ka ba nagugutom?” tanong ko at hindi makatingin ng deretso sa kanya.

Bigla ko ding naalala na kinuha niya yung first kiss ko! Jusko, ano na, Karina?

Sumulyap siya sa akin. “Nagugutom. But I can’t eat right now because we’re in the middle of highway.” Sabi niya at nag focus ulit sa harapan.

Kinuha ko ang mga binili ko at binuksan ang mga iyon. Biglang kumalam ang tiyan ko nang maamoy ko ang laman ng binili ko kanina.

Kumuha ako sandali ng fries at tinikman iyon, binalatan ko ang isang chicken burger at kumagat sandali.

God, nagugutom nga ako, ngayon ko lang naramdaman.

Tinignan ko si Chanyeol na sobrang busy sa pagdadrive. Tumingin ako sa kinakain ko at inilapit iyon sa bibig niya.

Sandali siyang sumulyap sa akin at kumagat naman doon. “Fries?” tanong ko sa kanya at tumango naman siya habang nakatingin parin sa harapan.

Kumuha ako at isinubo ko sa kanya iyon. Kumain din ako habang sinusubuan siya ng pagkain.

Nang maabutan kami ng stop light ay bigla siyang tumingin sa akin kaya nalagyan ng ketchup ang pisngi niya dahil balak ko ulit siyang subuan ng fries.

“Hala, I’m sorry.” Sabi ko sa kanya at naghanap ng tissue. Lumapit ako sandali sa kanya at sinimulan na punasan ang pisngi niya.

I suddenly stopped when I felt his hands on mine. Unti-unting umangat ang tingin ko sa kanya at nakita kong nakatitig na pala siya sa akin.

Hindi ko napansin na sobrang lapit ko na pala sa kanya. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na titigan siya ng ganito kalapit.

I don’t know why my heart can’t stop on beating so wild. I just don’t know.

I heard some beep sa likod namin kaya agad akong napalayo sa kanya at tumingin sa harapan at nakitang go na ang traffic light. Tumikhim ako at tumingin sa kanya at nakatingin parin sa akin.

God, ano ba ang trip niya?
Malulusaw ata ako sa titig niya.

“Chanyeol, start driving na, naka go na oh.” Sabi ko sa kanya at napatingin sa kamay namin na magkahawak parin hanggang ngayon.

Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko dahil doon. Tumingin ako sa kanya na nagsisimula na pala na magdrive. Inilayo ko ang kamay ko pero nagulat ako ng sumunod din ang kamay niya.

Love, BasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon