Chapter 25

1.3K 33 0
                                    

Chapter 25

Umma

Akala ko ay papakainin nila ako ng breakfast pero hindi! Grabe, iniwan lang nila ako dito sa sala at sandaling nagpaalam sa akin dahil magbibihis lang daw sila.

Dinala lang ata ako dito para paghintayin, kainis.

Nang mainip ako sa pagkakaupo ay tumayo ako para tignan ang kabuan ng sala nila. Nadikit ang tingin ko sa isang cabinet na punong puno ng trophies.

Lumapit ako doon at nakita ko na sobrang dami na nilang nagiging awards. Parang buong deretso ng part ng sala na ito ay punong-puno ng trophies nila.

Tumingin ako sa kabilang part at nakita ko ang pagkakasunod-sunod ng albums nila simula noong 2012 iyon hanggang ngayong kasalukuyan. Kinuha ko ang isa at binuksan iyon.

Nakita ko ang mga litrato nila. Napakagwagwapo talaga.

Binalik ko iyon at naglakad pa kung saan saan hanggang sa makita ko ang naglalakihang portrait picture nila na nakalagay sunod sunod sa may hagdan.

“Wow.” Bulong ko habang tinitignan isa isa iyon. Napahinto ako sa may tapat ng portrait ni Chanyeol.

I never imagined na ganito ka appealing si Chanyeol sa harap ng camera. Sobrang gwapo ng visual niya.

Naramdaman kong may yumakap sa may likuran ko at may humalik sa pisngi ko. “I am too handsome, right?” bulong niya sa tainga ko.

Natawa nalang ako habang naiiling. “You’re so full of yourself.” Sabi ko at humarap sa kanya.

Hawak hawak parin niya ako sa bewang ko. Nagtaas ako ng kilay pero nanatili siyang nakatitig at nakangiti sa akin.

“Tabi nga kayo diyan, nabibitter ako sa inyo!”

Napalingon ako at nakita ko na nakasibangot si Baekhyun habang nakatingin sa amin.

Natawa kami pareho ni Chanyeol. Binitawan na niya ako at sabay na kaming bumaba.

Maya maya lang ay nagsibabaan na ang ibang EXO. Medyo kakaiba ang suot nila para silang mag jojogging lang na ewan.

“Where are we going ba?” I asked them noong nakumpleto na sila.

Nakaupo lang sila, si Sehun ay nakayakap kay D.O at si Kai naman ay nakaupo sa kandungan ni Suho.

Napaiwas nalang ako ng tingin dahil sa kakulitan nila.

“Somewhere.” Sagot lang ni Chanyeol at inaya na ang ibang boys na lumabas na.

Sumakay kami ulit sa van. Napaingay nilang lahat, kailan ba sila tatahimik kapag tulog lang ganon?

“I’m hungry.” Bulong ko sa sarili ko at hinawakan ang tiyan ko na kumukulo na ang tiyan ko.

“Sorry wala na kasi kaming stock ng pagkain sa bahay kaya hindi ka namin napakain.” Sabi ni Suho na katabi ko.

Hindi ko katabi si Chanyeol dahil hinila siya agad ni Baekhyun, maghiwalay muna daw kaming dalawa.

Selos lang siya eh.

“Guys may favorite akong loveteam.” Bigla kong sabi sa kanila kaya halos lahat sila ay napatingin sa gawi ko.

“Team ChanBaek! I’m already part of that fansclub! Actually I got accepted yesterday!” masaya kong sabi sa kanila.

Rinig na rinig ko ang malakas na tawa nila bukod kay Chanyeol at Baekhyun. Mukhang naasar sa sinabi ko.

“I watched videos about them! It’s so funny how our fans observed about them!’ natatawang sabi ni Xiumin.

Love, BasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon