Chapter 28

1.2K 29 0
                                    

Chapter 28

Forgiveness

Bago pumasok sa trabaho ay dumaan muna ako sa hospital para bisitahin si Daddy.

Si Mom agad ang nakita ko noong pagbukas ko. Nakayuko siya sa gilid habang hawak hawak ang kamay ni Daddy.

Lumapit ako doon at sandaling ginising si Mommy. “Mom, you should go home first. Manang will go here para bantayan si Dad.” Sabi ko sa kanya.

“But your Dad—“

“No buts, Mom. You should rest first. Ilang araw ka ng walang pahinga. Magagalit sa iyo si Dad kapag pinabayaan mo ang sarili mo.” Sabi ko sa kanya.

“I will wait for Manang bago ako pumunta sa office ko. The driver is waiting outside. You should go home, first.” Sabi ko sa kanya.

Narinig ko ang malalim na paghinga niya bago siya pumayag. Hinatid ko siya sa may labas ng room ni Dad kung saan naghihintay ang isa sa guard namin.

Pagkatapos ay bumalik na ulit ako sa loob. Inayos ko sandali ang mga bulaklak na dala ko kanina, nilagay ko ito sa jar na nasa gilid ng kama ni Dad.

Umupo ako sa gilid niya at tinignan siya. “Dad, wake up na. Magsusumbong kaya ako sa’yo.” Sabi ko at napiyok pa.

Pinilit kong huwag tumulo ang luha ko. “Alam mo bang nasaktan na naman ang anak niyo? Childish ba talaga ako? Selfish ba ako, Dad?” tanong ko sa kanya.

Napayuko ako sa may kamay niya at doon umiyak ng mahina.

“Dad wake up, please. I need you right now. I need your jokes to make me feel better.” Sabi ko at narinig ko na ang sarili kong hikbi.

Narinig kong bumukas ang pintuan. Napaangat ako ng tingin at nakita na si Kladin pala iyon kasama ang isang nurse.

Sandali akong umiwas ng tingin at pinunasan ang luha ko sa mata.

“Karina..” tawag niya sa akin kaya napaangat ang tingin ko sa kanya.

Ngumiti ako sa kanya. That’s what I need to do, right? To smile like everything is okay even not.

“I just check Tito about his improvements.” Paalam niya sa akin kaya tumango ako at ngumiti. “Go on.” Sabi ko at lumayo muna sandali sa kanila.

Kinuha ko ang phone ko at tinext ang secretary ko na medyo male late ako at iusad ang schedule ko.

Tinignan ko naman si Kladin na may sinsabi sa kasama niyang nurse. Lumabas ang nurse pagkatapos noon.

Lumapit sa akin si Kladin at umupo sa tabi ko. “Tito is stable. He’ll wake up soon.” Sabi niya sa akin kaya napatango nalang ako.

“Are you okay now?” bigla niyang tanong pagktapos ng mahabang katahimikan.

“I’m not. Who am I to lie, right?” sabi ko at natawa ng mahina.

Biglang dumating si Manang kaya napatayo na din ako. Sinabi ko na bantayan muna niya si Daddy at binilinan ng iba pang bagay na dapat niyang malaman.

Tumingin ako kay Kladin. “Thank you. Please take care of my Father, okay?” sabi ko sa kanya.

Sandali niya akong tinitigan at maya maya lang din ay tumango na.

Tumango din ako bago tuluyang lumabas na ng room ni Dad. Kinuha ko ulit ang phone ko para tawagan ulit ang secretary ko pero may biglang kumuha noon sa kamay ko.

Tumingin ako at nakita ko ng si Kladin iyon. Kumunot ang nook o at nagtatanong na tumingin sa kanya. “Why?” tanong ko sa kanya.

“Can we talk? Like before?” tanong niya sa akin.

Love, BasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon