Chapter 9

1.6K 40 0
                                    

Chapter 9

Fix

Paglabas ko sa bathroom ay napatingin agad ako sa buong kwarto niya. Simple lang at malinis, parang katulad lang ng kwarto ko, ang pinagkaiba lang ay may malalaking litrato niya. Yung tipong pagpasok mo ay alam mo na kung sino ang may-ari.

Bahay nila talaga ito, they bought it when they had their first concert here in the Philippines.

Umupo ako sandali sa kama niya at binuksan ang phone ko para I text sila Dad na okay lang ako. They trust me naman in any aspect kaya hindi na siguro nila ako tatanungin  kung nasaan ako.

Biglang bumukas yung pintuan at nakita kong pumasok si Chanyeol. Nginitian ko siya. “I’ll go to the work. Kayo din?” tanong ko sa kanya.

Kinuha niya yung isang upuan sa gilid at inusad iyon sa harap ko pagkatapos ay umupo doon.

Napatagilid sandali ang ulo ko. “What?” tanong ko sa kanya dahil sobra na siya makatitig, gusto niya yata akong magkaroon ng heart complication eh.

“Last night, you said something..” sabi niya habang nakadekwatro pa. Bigla naman akong nanlaki ang mata ko at pilit nainiisip kung ano ang nagyari noon.

“May ginawa ba akong katangahan?” nag-aalalang tanong ko sa kanya. At napakunot ang noo dahil pilit ko paring iniisip ang nagawa ko pero hindi ko talaga maalala.

“You said that Kathria is cousin.” Sabi niya sa akin kaya napahinto ako sa pag-iisip at tumingin sa kanya.

“I said that?” tanong ko at tumango naman siya. Napabuntong-hininga ako dahil hindi ko talaga maalala.

“I can’t remember why I said that, but it’s true, she’s my cousin.” Sabi ko sa kanya bigla naman lumiwanag ang mukha niya.

“Really?” masaya niyang sabi sa akin kaya bigla akong nagtaka sa kanya. So masaya na siya ngayon.

Wait.

“Do you like my cousin?” tanong ko sa kanya. Napanguso ako dahil agad na gumanda yung mood niya noogn malaman niya na pinsan ko si Kathria.

“What? No way!” mabilis na sabi niya sa akin.

Napatawa ako dahil halata sa mukha niya na uncomfortable siya sa sinabi ko. Biglang may pumasok sa isipan ko at bigla kong naalala ang kinwento sa amin ni Baekhyun kagabi.

Napaisip ako. That’s unfair for Baekhyun. Bakit niya ginawa iyon ng pinsan ko sa kanya?

“Did you remember na?” hula niya. Agad akong tumango at mas lumapit sa kanya.

“Hindi niyo ba talaga alam ang reason? Kahit clue?” tanong ko sa kanya pero umiling siya.

Bigla akong nacurious at napaisip nalang kung ano ang pwedeng maging rason. Huli kong kita kay Kathria ay noong araw bago ang graduation niya. May trabaho kasi ako noon kaya hindi ako nakapunta sa graduation niya. Ibinigay ko lang ang regalo ko sa kanya.

“Do you have an idea?” bigla niyang tanong sa akin. Napatingin ako bigla sa pwesto namin na sobrang lapit kaya agad akong napaurong para malayo sa kanya.

Narinig ko ang pag-ubo niya at nakita ko ang pag-iwas ng tingin niya sa akin.

“I don’t have. I’m curious so we need to know it.” Sabi ko sa kanya. Biglang nag ring ang phone ko at nakita kong secretary ko ang tumatawag.

Nag excuse ako sandali kay Chanyeol para sagutin iyon sa harap niya. Tumango naman agad siya at umiwas agad ng tingin sa akin.

“What’s the matter?” tanong ko sa kanya.

Love, BasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon