Chapter 24

1.2K 33 0
                                        

Chapter 24

ChanBaek

“Yah, are you still mad at me?” bigla niyang tanong sa akin noong nakasakay na kami sa eroplano.

Tumingin ako sa kanya at saka inirapan lang siya.

Psh, grabe siya, akala ata province to Manila lang ang pupuntahan namin kung makaaya siya eh.

Naramdaman ko ang ulo niya na sumandal sa balikat ko. “I’m sorry. I thought that you’ll feel surprised and happy. I didn’t know na magagalit ka pala. Sana sinabi ko nalang sa iyo.” Sabi niya sa akin.

Sinilip ko siya at nakitang nakanguso habang nakatulala. Huminga ako ng malalim.

Bakit ba hindi nagtatagal ang galit ko sa kanya? Bakit ang hirap magalit sa kanya?

Umalis siya sa pagkakasandal sa akin at hinawakan naman niya ang kaliwang kamay ko. Naramdaman kong ang ilang beses na paghalik niya doon kaya tumingin ako sa kanya.

“Stop it.” Sabi ko at pinipigilan na ngumiti.

He smile. “Bati na tayo?” tanong niya sa akin. Para talaga siyang bata, nakakainis.

Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. Ngumiti din siya at sumandal ulit sa balikat ko habang pinaglalaruan ang kamay ko.
Nagbabasa lang ako sa phone ko ng mga data na sinend sa akin ng secretary ko kagabi habang nasa byahe kami. Samantalang ang katabi ko ay natutulog sa balikat ko habang hawak parin ang kamay ko.

Umayos ako ng upo sandali at inayos din ang ulo niya na nasa balikat ko. Mukhang nagising siya pero mas sumiksik pa siya sa akin at naramdaman ko na ang hininga niya sa leeg ko.

Napatingin ako sandali dito. Mas hinigpitan niya din ang hawak niya sa kamay ko. Tatawagin ko dapat siya pero may biglang lumapit na fight attendant sa amin na mukhang tinititigan si Chanyeol.

Mas inusad ko pa siya papalapit sa akin at hinawakan ko siya sa may pisngi niya bago tumingin sa flight attendant na nakatingin na sa akin.

“What’s the matter?” formal kong tanong sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. “Do you need anything, Ma'am. A pillow for him?” tanong niya sa akin.

Napangiti ako. “No but thank you. My boyfriend loves to sleep on my shoulder. Don’t mind it.” Sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya at umalis na sa harapan ko. Nang makaalis na ito ay narinig ko ang mahinang tawa ni Chanyeol. Sinilip ko siya at nakitang nakangiti siyang nakatingin sa akin. “You jelous? My bad, I’m so handsome kasi.” Sabi niya sa akin kaya itinulak ko siya papalayo sa akin.

Napakayabang talaga nito.

Nang mapagod ako ay ako naman ang sumandal sa balikat niya. Naramdaman ko ang kamay niya na hinihimas ang buhok ko. “Sleep first, mahaba pa ang byahe.” Sabi niya sa akin. Hindi na ako sumagot dahil tulluyan na akong nakatulog dahil sa pagod.

“Baby..”

“Baby, wake up.”

Nagising ako at sandaling napatingin sa paligid. Nandito parin nga pala kami sa loob ng airplane.

Umayos ako ng upo at tumingin kay Chanyel. “We’re here.” Sabi niya sa akin at tumayo na. Tumingin ako sa iba at nakita kong nagbababaan na ang mga ito.

Hala, ang haba pala ng naitulog ko.

Pagkababa naming ay may mga security na agad na dumalo sa amin. Hawak hawak niya ang kamay ko habang may katawan siya sa phone. Hindi ko iyon maintindihan dahil hanggul ang gamit niyang language.

Love, BasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon