Chapter 22

1.3K 35 1
                                    

Chapter 22

Plan

Masayang lumabas ang EXO bilang pagtatapos ng concert nila. Kinanta nila ang Monster bilang ending. Nakahinga ako ng maluwag nang natapos iyon ng masaya at maayos.

Tinanggal ko na ang earphones sa kaliwang tainga ko at humarap kila Kathria, Jungkook at Taehyung.

“Thank you for coming, guys. Hindi ko alam yung gagawin ko kanina kung wala kayo.” Nakangiti kong sabi sa kanila at niyakap sila isa isa.

Sandali pa kaming nagkwentuhan bago sila nagpaalam sa akin.

Nakita ko naman na papalapit sa akin ang secretary ko. Kinuha niya ang earphones na hawak ko bago ngumiti sa akin. “Congratulations, Ms. Kathria.” Sabi niya sa akin kaya napangiti naman ako at sandaling nagpasalamat sa kanila.

“Where are they? Nasa dressing room na?” tanong ko sa kanya.

Umiling siya. “Nandoon po kasama ang mga staff. Pinatawag nila po lahat gamit ang earphone, hindi niyo po narinig?” tanong niya sa akin.

“No, tinanggal ko na kasi yan after nilang umalis sa stage.” Sabi ko kaya tumango naman siya.

Sabay kaming pumunta sa backstage at nakita kong nakahilera lahat ang staffs, music directors at iba pa na naging parte ng concert na ito. Ako lang yata ang kulang ha.

“Ayan na pala siya.” Narinig kong sabi ni Kai.

Tumingin lahat sa akin at napatingin nalang ako sa kanila ng may nagtatanong na mata.

Nagulat ako ng marinig ko ang pagpalakpak nilang lahat.

“We are here to thank the producer slash director of this concert for her harwork.” Sabi ni Suho habang nakangiti sa akin.

Napatawa ako ng mahina at napatakip ng mahina dahil sa malaking kahihiyan.

Pag-alis ko ng kamay ko sa mukha ko ay nakita ko na si Chanyeol na may hawak hawak na isang bouquet ng red roses.

Inabot niya sa akin iyon kaya kinuha ko iyon at sandaling yumuko sa kanila. “Thank you din sa hardwork niyong lahat. I really appreciated it. And because of that, we’re going on a vacation tomorrow! That’s your all reward for today’s great work! And pwede niyong dalhin ang family niyo kahit ilan pa yan!” masayang sigaw ko sa kanila at napatawa dahil ang lakas ng sigawan nila.

Nagpasalamat silang lahat sa akin. I just smile. “You all deserve it.” Sabi ko sa kanila.

Bigla akong tinawag ng secretary ko dahil tumatawag daw sila Mom and Dad sa akin. Kinuha ko naman iyon at sandaling sinagot iyon.

“Congrats, anak! I’m so proud of you.” Narinig ko agad ang boses ni Dad.

“Thank you, Dad. Mana lang ako sayo.” Natatawa kong sabi.

“Of course, anak kita eh! By the way, did you give a reward to everyone? Like what I told you?” tanong niya sa akin. “Yes, Dad. I told you, I’ll do your style.” Sabi ko sa kanya.

Iyon kasi ang sekreto na sinabi sa akin ni Dad para tumagal sa industriyang ito, ang pagbibigay ng reward sa goodwork ng mga tumulong sa iyo. That’s the secret.

“Good Job. I’ll give you a bonus when you got home, then.” Sabi niya sa akin kaya napatawa ako.

“I’m fine, I don’t need a cake that baked by you, Dad.” Natatawa kong sabi sa kanya.

“How did you know?” gulat na tanong niya sa akin kaya lalo akong natawa.

Nakita ko si Chanyeol na papalapit sa akin. Nakapagbihis na siya ng casual na damit at mukhang uuwi na din.

Love, BasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon