Chapter 30

1.7K 38 2
                                    

Chapter 30 (Last Chapter)

Last Song

"You did a great job. You're forgiven." Bulong ko kay Ellico na nakasibangot ngayon.

"Whatever. Remember that we're even now. Wala na akong utang na loob sa iyo." Sabi niya sa akin.

Napatawa naman ako ng mahina at sandaling niyakap siya. "I promise na hindi kita aawayin for one month." Sabi ko sa kanya at tumakbo na papasok ng private jet plane ni Ellico.

Pupunta kami ngayon sa Japan para ituloy ang concert ng EXO doon. Ayokong dumami ang haters at bashers ko kaya gusto kong ituloy nila ang concert nila.

At si Ellico ang nag-ayos ng lahat. Pinahiram niya sa amin ang jetplane niya at siya na ang nag-ayos ng problema sa Japan ng EXO.

Aba, mga loko, hindi nagpaalam na hindi tutuloy sa concert. Ang dami pa namang umaasa sa kanila.

Kasama din naming si Kathria na katabi ngayon si Baekhyun. I think nag-uusap sila. Hindi na ako nakinig, bahala na silang makipag-ayos.

Kinuha ko ang isang roll ng tissue at ibinalibag iyon kay Baekhyun. Inis siyang tumingin sa akin pero nginitian ko lang siya. "Fighting!" I mouthed, pagkatapos ay umayos na ako ng upo ko.

Tumingin ako sa katabi ko na natutulog na. Mukhang pagod na pagod silang lahat.

Kinuha ko ang blanket sa gilid ko at inilagay iyon kay Chanyeol. Inayos ko ang nagulo niyang buhok at hinimas himas iyon.

He look so serious talaga kapag natutulog siya.

Nagising ako dahil nakarinig ako ng ingay. Idinilat ko ang mata ko at tumingin sa paligid. Nakita ko silang nag-iinat na at nakatayo na.

"We're already here." Sabi ni Chanyeol na nakatayo na din.

Tamad na tamad akong pumikit dahil inaantok parin ako. "Baby, stand up. We'll go to our house first." Rinig kong sabi niya.

Nakapikit kong itinaas ang magkabila kong kamay. Naramdam kong hinawakan iyon ni Chanyeol at hinila ako papatayo.

Niyakap ko siya at nanatiling nakapikit. "I'm still sleepy." Nanlalata kong sabi sa kanya.

Totoo naman kasi na inaantok pa ako at hindi nag-iinarte. Ngayon ko lang naramdaman ang isang linggong pagod ko. Halos wala akong tulog nitong mga nakaraang araw.

Niyakap niya din ako at narinig ko na may kinakausap na siyang kung sino. Hindi ko maintindihan kung ano iyon.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan silang lahat na nakatingin sa akin. Maging si Kathria ay nakangiti sa akin.

"You're so clingy, couz." Sabi niya lang sa akin. Napanguso lang ako at tumingin ulit kay Chanyeol.

"You still sleepy?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya. Niyakap niya ulit ako at naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko.

"Let's go, lakas makapamukha na single ako eh." Rinig kong sabi ni D.O.

Sabay sabay kaming bumaba ng private jet plane. Medyo lutang pa ako noong bumaba kaya nilagyan nalang ako ng shade at cap ni Chanyeol dahil sabay sabay daw kaming lalabas ng airport.

Medyo nagising ang diwa ko noong nakita kong sobrang dami ang reporters na naghihintay sa amin sa may labas ng airport.

Nagitgit kami at ramdam na ramdam ko ang higpit ng yakap sa akin ni Chanyeol habang papalabas kami.

Nang makapasok kami ng van ay doon palang ako nakahinga ng maluwag. Kinuha ko agad ang phone ko at tatawagan sana ang secretary ko para ayusin nila ang magging headline na naman na may kasamang mga babae ang EXO pero kinuha ni Chanyeol ang phone ko at inilagay iyon sa bulsa ng jacket niya.

Love, BasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon