Chapter 15

1.4K 40 3
                                    

Chapter 15

Straightforward

Nanatili kaming nakatayo, mukhang hindi din niya alam ang gagawin.

“So.. let’s sleep.” Bigla siyang nagsalita. Tumingin ako sa kanya at nakita kong naktingin lang siya sa akin. Agaw pansin ang tainga niya na sobrang namumula na.

“W-Where should I sleep?” kinakabahan kong tanong sa kanya. Nakakainis kasi yung situation, bakit iisa lang yung kama. We have no choice naman.

“Bed.” Sabi lang niya.

“Ikaw?” tanong ko sa kanya. Kitang-kita ko ang pagllingon niya sa paligid. Tumingin siya sa akin.

“I-I don’t know.” Sabi lang niya kaya napabuntong-hininga lang ako. Maging ako ay hindi ko din alam kung paano kami matutulog.

Inaantok na talaga ako.

“Tabi nalang tayo. Hindi ka naman pwede sa baba, sobrang lamig.” Sabi ko sa kanya noong wala nang maisip na paraan.

“Is it okay to you?” paninigurado niya kaya tumango nalang ako. Wala naman akong choice.

Sandali akong nagpaalam para pumasok sa CR, maghihilamos lang dahil wala naman akong dalang damit. Nang matapos ay sandali akong bumuntong-hininga at lumabas na.

Nakita ko agad si Chanyeol na hawak hawak ang phone niya habang nakaupo na sa kama. Bigla akong nakaramdam ng panlalamig. Hindi ko alam.

Matutulog lang naman kami ha.

Unti-unti akong lumapit sa kanya. “You’re done?” tanong niya sa akin kaya tumango naman ako sa kanya. Nakita kong ngumiti siya ng tipid at tumingin na ulit sa phone niya.

Mukhang napansin niya ako na nakatayo parin. “Are you not sleeping yet?” tanong niya sa akin kaya agad nanlaki ang mata ko at umupo na din sa tabi niya.

“Yeah. Ikaw?”  I asked.

Umiling siya. “Not yet. Our mananger sent to us the songs that we’ll gonna perform on the concert. We need to practice it individually and then by group.” Sabi niya sa akin kaya napatango naman ako.

“I heard that you’re a rapper in your group plus you can sing and play some instruments.” Sabi ko kaya napalingon siya sa akin a tumango. “Yeah, so you’re stalking me now?” sabi niya sa akin kaya nanlaki ang mata ko at natawa nalang.

“You’re crazy.” Sabi ko nalang at humiga na.

“Crazy for you.”

Napalingon ako sa kanya ng sinabi niya iyon. Fuck, yung puso ko mahuhulog na ata.

Nakatingin parin siya sa akin. He smiled and put his hand on my head. Hinimas himas niya ang buhok ko and it is so comfortable for me.

Napapapikit ako dahil lalo akong inantok sa paghimas niya sa ulo ko. “Goodnight.” Bulong ko sa kanya habang nakangiti.

“Goodnight, Sweet dreams, Karina.” Rinig kong sabi niya at hindi ko na alam ang nangyari dahil nakatulog na ako.

Napadilat ako at nakitang umuulan parin sa labas. Tumingin ako sa orasan at nakitang 7 na ng umaga. Umupo ako at napatingin sa katabi ko na natutulog pa rin hanggang ngayon.

Napangiti ako bigla. Mukha siyang bata kapag natutulog, may yakap yakap pang unan.

Bago tumayo ay kinumutan ko pa siya dahil sobrang lamig talaga ngayon. Tumayo na ako ng tuluyan at sandaling nag-ayos, sinuot ko muna ang jacket na ipinahiram sa akin ni Chanyeol dahil sobrang lamig siguro sa labas.

Love, BasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon