Chapter 21

1.3K 36 6
                                        

Chapter 21

We Are One

“What the fuck?” bulalas ko habang gulat na nakatingin sa dalawa.

“Stop cursing.” Sabi ni Taehyung at inakbayan ako bigla.

“We know your hidden talent, we saw you singing before, remember? Ilabas mo na, bahala ka baka kalawangin yan.” Natatawa niyang sabi sa akin.

Inalis ko naman ang pagkakaakbay niya sa akin at umiling. “I will not do it.” Sabi ko sa kanila.

“Miss Karina, ten minutes left.” Sabi sa akin ng secretry ko.

Tumingin ako kila Jungkook at Taehyung nakita kong umiiling na sila. Grabe naman kasi, sobrang sikat sila para mag front act lang para sa isang concert.

Napapikit ako at inis na tumingin sa dalawa. “Fine! Fine! I’ll do it, okay?” inis kong sabi kaya nakita ko ang pagngisi ng dalawa.

Huminga muna ako ng malalim bago hinila papalabas ang dalawa at pumasok sa isa pang dressing room.

“Ano naman yung kakantahin natin?” tanong ko.

“You choose.”

“Pwedeng Bahay Kubo?” I asked at kitang kita ko ang pagsibangot nilang dalawa sa akin.

So, hindi ba sila makaintindi ng joke? Grabe naman itong mga ‘to, masyadong seryoso.

“We don’t talk anymore. Do you know that song?” tanong bigla ni Jungkook kaya napatingin kami sa kanya.

“Yeah! I know it, ano, iyon nalang?” tanong ko sa kanila.

Tumango kaming lahat at nagsimula nang magpractice sa loob ng sampung minuto.

Nasa may backstage na kami at ngayon ko lang naramdaman ang kaba ko. Napahawak ako sa dalawang kamay ko at tumingin sa dalawa na katabi ko, mukhang hindi sila kinakabahan, stage na kasi ang naging bahay nila, sanay na sanay eh.

“One Billion pesos for your talent fee, basta hindi lang ako sumama sa labas, deal?” bigla kong sabi kaya napatingin silang dalawa sa akin.

Sabay silang ngumiti at umiling. “No thanks.” Sabay nilang sabi sa akin kaya napairap nalang ako at umupo muna para magpaalis ng kaba.

Eh di sila na yung mayayaman at hindi kailangan ang isang bilyon! Psh.

Pinatayo na kami ng staff dahil stand by na daw. God, kinakabahan na talaga ako, bakit ba ako napunta sa kalagayan na ‘to?

Pinapunta na nila kami sa stage, habang naglalakad ay may biglang humatak ng kamay ko at naramdaman kong may dumampi na kung ano sa labi ko.

“Goodluck.” Bulong niya sa akin bago niya ako binitawan. Hindi ko siya naaninaw dahil madilim pero kilala ko ang boses na iyon, si Chanyeol.

Hindi na din ako nakapagreact dahil hinila na ako nila jungkook sa gitna nila. Maadilim parin. Ang sabi ng staff ay nakatalikod muna kami at spotlight muna, sa pangalawang chorus kami haharap at liliwanag na ang paligid.

Nagsimula ang tugtog, si Jungkook ang unang kakanta. Nakapikit lang ako at iniintay ang part ko. Grabe talaga.

Hanggang sa dumating na ang pangalawang chorus. Medyo nasilaw ako sa ilaw pero nabawi ko naman agad iyon at ngumiti. Rinig na rinig ko ang malakas na sigawan nang makita nila ang dalawang kasama ko.

Sino ba naman ang mag-aakala na nandito sila, diba? Trending na naman ito kapag nagkataon.

Hinawakan nilang dalawa ang magkabilang kamay ko at sabay sabay kaming nag bow.

Love, BasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon