Chapter 27
Cry
Buong byahe pauwi ng Pilipinas ay nakatulala lang ako. Walang pumapasok sa isip ko ngayon.
Nang makalapag ang eroplano sa Airport ay halos ako ang mauna na bumaba. Nakita ko agad ang secretary ko na naghihintay sa akin.
Nagmamadali akong sumakay sa kotse ko at dinala na nila ako kung nasaan si Dad.
Halos magtatakbo ako papasok ng hospital kung nasaan si Dad. Nakita ko si Mommy kasama si Kathria at Ellico na nasa may gilid ng emergency room.
Rinig na rinig ko ang pag-iyak ni Mommy mula sa kinatatayuan ko. Biglang bumagal ang paglalakad ko.
Lumunok ako at pinilit na huwag umiyak sa harap nilang lahat. Kailangan kong maging malakas para kila Mommy.
“Mommy..” tawag ko sa kanya kaya kaya unti-unti siyang tumingala sa akin.
Bigla niya akong niyakap at nag-iiyak. Pinilit kong huwag umiyak kahit gustong gusto ko nang sumabog.
“Your Dad, I don’t know what to do anymore if something happened to him.” Sabi ni Mommy habang umiiyak.
Hinimas ko ang likod niya. “Daddy’s brave. He can do it, okay?” sabi ko sa kanya at iniiwasang pumiyok.
Halos limang oras na kaming naghihintay sa labas ng operating room. Kathria said na heart transplant na daw. It’s only 50 percent of success. But we don’t need any choice, we need to claim that chances.
Nanatili akong nakapikit, at nagdadarasal na maging maayos na ang lahat.
Nakita ko sila Tito Klouis at Tita Dane, Ellico and Kathria’s parents. Lumapit sila kay Mommy at inaya muna na magpahinga.
Kami nalang nila Kathria at Ellico ang natira dito sa labas ng operating room.
Almost six hours na pero wala paring lumalabas na doctor. Lalo akong nag-alala.
Dad, please do it, please.
Naramdaman ko ang paghimas ni Kathria sa likod ko. Huminga ako ng malalim. Biglang may lumabas ng Doctor kaya napatayo kaming lahat.
“Kladin.” Bigla kong nasabi dahil siya talaga ang nakita ko.
“Tito is okay now. We need to run some more test sa mga susunod na araw.” Sabi niya sa amin.
Nawala ang pag-aalala ko at nakahinga ng maluwag kahit papano.
“Thank you, Kladin. Thank you so much for saving my Dad.” Sabi ko sa kanya.
Nagpaalam sandali si Kathria at Ellico para ibalita kila Mommy ang naging result ng operation.
Naiwan kami ni Kladin dito. Inalis niya ang mask niya na nakasabit pa sa leeg niya at ang ang operation gown niya.
Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin at himasin ang likod ko. “You can now cry. You can now cry on my shoulders.” Narinig kong sabi niya.
Noong una ay nanatili akong nakatulala pero bigla nalang tumulo ang luha ko ng sunod sunod hanggang sa marinig ko ang sarili kong paghikbi.
Napakapit ako sa gilid ng white gown niya.
“It’s gonna be alright. Just cry it all loud.” Bulong niya sa akin habang hinihimas ang likod ko.
Sumabog na ang kanina ko pa nararamdaman. Naalala ko ang lahat ng nangyari ngayon.
It’s so painful. I feel that I died two times today.
Lalong sumakit ang dibdib ko.
Kung sino pa ang inaasahan ko na yayakap at dadamay sa akin sa oras na ito, ay wala.
Hindi siya dumating, hindi.
Did I really like him enough?
Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko kay Kladin dahil anytime babagsak na ako sa pagod.
…
Napadilat ako at nakita kong nasa loob na ko ng kwarto ko. Napalingon ako sa paligid at nakitang umaga na pala.
Umupo ako sa kama ko at napahawak nalang sa ulo ko na sumasakit. Siguro dahil sa matindi kong pag-iyak.
Napatulala lang ako at inalala ang mga nangyari kahapon. Naramdaman ko na naman ang pagtutubig ng mata ko.
Kaya pinili ko nalang na tumayo at sandaling mag-ayos, bago bumaba papunta sa kitchen namin.
Pagbaba ko ay nakita ko kaagad si Kathria na nakaupo sa sala. Nakita niya ako kaya bigla siyang lumapit sa akin at bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
Narinig ko ang paghikbi niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko at inalis siya sa pagkakayakap sa akin.
Tinignan ko siya, patuloy ang pa-iyak niya. Ngumiti ako ng tipid at pinunasan ang luha niya. “What’s the matter? Why are you crying?” tanong ko sa kanya.
“W-Why did you do that? Why did you let yourself be with my own problem? W-why?” naiiyak niyang tanong sa akin.
“Because we are family.” Sagot ko sa kanya at pinunasan ulit ang luha niya.
“You sacrificed a lot for our family. Don’t you think that’s so selfless of you?” tanong niya sa akin.
Umiling ako at ngumiti sa kanya. “If our family is on risk, I’ll be selfless again and again. I love my family more than anything else. Even my happiness? Mas gugustuhin ko pang maging malungkot kung kapalit naman noon ang happiness ng family ko. So stop on crying, okay? Fix your mess. I’ved done my part, so you should too.” Sabi ko sa kanya at ngumiti sa kanya.
Tumango siya at ngumiti sa akin. “Don’t forget, I owe you, Karina.” Sabi niya sa akin at nagtatatakbong lumabas sa bahay namin.
Huminga ako ng malalim dahil kanina pa naninikip ang dibdib ko.
I smile bitterly.
This is right. I should choose their happiness first before mine.
BINABASA MO ANG
Love, Basher
Fanfiction[EXO SERIES #1 Chanyeol] THE WATTY AWARDS 2019 WINNER |Completed| Karina Aledia De Montel is a producer. She will produce the concert of EXO in the Philippines. Happened that she really hate EXO so much especially Park Chanyeol who's the main rapper...