Chapter 5

1.5K 48 2
                                    

Chapter 5

Birthday

Sumunod ako sa kanila at nakita kong nasa harap na sila ng Vikings. Nang tumingin sa akin si Kiara ay agad akong napailing.

Aba, ang bata bata pa niya sasakay iya dun.

“Please, Ate.” Sabi niya sa akin noong nakalapit na siya.

“No.” matigas kong sabi sa kanya kaya napasibangot siya at maya maya lang ay nakita kong may luha ng pumapatak sa mata niya.

“Baby…” tawag ni Chanyeol.

“Who did you call baby po? Me or Ate?” tanong ni Kiara habang umiiyak.

Sandaling natawa si Chanyeol at tumigin sa akin bago pangkuhin ang kapatid ko.

“Of course, you.” Sagot nya dito at pinisil pa ang pisngi niya.

“You’re Ate is just concerned on you. You know, that ride is very dangerous for you. So, choose another ride na pwede nating masakyan, okay?” sabi niya dito at maya maya lang ay tumango na ito.

“Just stop on crying na huh?” sabi niiya pa habang pinupunasan ang luha niya.

Hindi ko namalayan na nakangiti na ako, at hindi ko din alam kung bakit ako nangingiti. Ewan ko!

Kung saan saan kami sumakay na rides. Hindi ko na mapigilan na tumawa dahil nakita ko kung paano pinagkasya ni Chanyeol ang sarili niya sa isang train na pang bata para lang masamahan ang kapatid ko.

Inabot niya sa akin ang phone niya at nakisuyo na i-video ko silang dalawa.

Natatawa parin ako dahil nang matapos na ang ride ay hindi na makaalis si Chanyeol doon. Tinulungan siya ni Kiara habang tumatawa na din.

Sa huli ay tinulungan na siya ng isang staff dito. Hindi parin ako tumitigil na matawa dahil umaarte parin siya na hindi siya makaalis kahit niluwagan na ng isang staff ang upuan niya.

“Aigoo.” Sabi niya nang makaalis na siya.

Lumapit ako sa kanya at inabot ang phone niya. Naririnig ko parin ang tawa ng kapatid ko at mukhang kakabagan na ito kakatawa.

“Let’s eat first, I’m starving.” Nakangiti niyang sabi sa aming dalawa.

Nakaramdam na din ako ng gutom ng sinabi niya iyon. Naghanap kami ng stall para makabili ng pagkain.

Habang kumakain kami ay pinapanood nila yung video nilang dalawa kanina. Kasalukuyang nakakandong si Kiara kay Chanyeol habang nanonood ng videos sa phone niya.

Pareho silang tumatawa habang pinapanood ang video na iyon. Hindi ko napansin na nakangiti na ako habang pinapanood sila kaya nang umangat ang tingin niya sa akin ay agad akong napaiwas ng tingin.

Matapos naming kumain ay napagpasyahan muna naming magpahinga sandali. Ako ay nakaupo lang sa isang bench habang siilang dalawa ay nagseselfie. Lumapit silang dalawa sa akin.

“What now?” tanong ko sa kanila. Napatingin ako ng biglang itinaas ni Chanyeol ang phone niya at itinapat sa harap namin.

Hindi ako nakaayos nang biglang pinindot niya ang shutter button pagkatapos ay nagtatakbong umalis sila sa harap ko.

“Delete that!” sigaw ko at hinabol na din sila.

Huminto sila sandali at sumakay sa likod niya si Kiara at nagtatakbo.

Nang mapagod ay saktong napahinto kami sa harap ng ferris wheel. Tumingin sa akin ang kapatid ko at pinagsalikop ang kamay at tinignan ang ferrisweel.

Hingal na hingal akong lumapit sa kanila at nakangiting tumango. Narinig ko ang sigaw nilang dalawa at nag apir pa.

Napatawa ako. Sandaling may lumapit sa amin an dalawang staff. Kinausap niya ang mga ito at nang matapos ay tumingin sa aming dalawa.

“Ate, you go first.” Nakangiting sabi ng kapatid. Napangiti nalang ako at sumakay na mauna. Napasigaw ako  nang maramdaman na gumagalaw galaw ito.

“Ikaw naman po, Kuya Chanyeol.” Sabi ng kapatid ko.

Aba siya ba ang staff dito at siya ang nag-aasikaso sa amin?

Sumakay si Chanyeol at tumabi pa sa akin.

Iniintay naming pumasok ang kapatid ko pero bigla siyang umurong at may binulong sa isang staff. Tumango naman ito at nagmamadling isinara ang pintuan ng ferrisweel pagkasara ay umandar kaagad ito.

What the fuck.

“Kiara what’s this?” gulat na tanong ko sa kanya.

“I’m okay here, Ate. Enjoy po!” sigaw niya habang nakangiting kumakaway.

Umangat na kami ng tuluyan. Biglang bumagal ang andar ng ferris wheel.

Napatingin ako sa katabi ko na nakangiti lang na nakatingin sa akin. Inis akong tumingin sa kanya.

“Bumaba na tayo! Call someone para itigil na ang ferriswheel na ito.” Seryoso kong sabi sa kanya.

“Na kay Kiara ang phone ko, you?”

“Hiniram niya kanina…” sabi ko nalang.

Yung bata talagang yun.

Napahinga ako ng malalim at inis na naman na tumingin sa kanya.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

“Why do you hate me? What did I do to you, to hate me like this?” seryosong tanong niya sa akin kaya napalingon ako sa kanya.

Napatulala ako sa kanya at iniisip kung ano ang dapat na isagot sa kaniya. Pero wala akong maisip na matinong dahilan kung bakit ako naiinis sa kaniya.

“Why do you hate me, Karina?” nakatitig niyang tanong sa akin kasabay ng isang malakas na pagputok.

Nagulat ako at agad na napalapit sa kanya dahil sa gulat. Napatitig nalang ako sa langit at napangiti dahil sa ganda ng fireworks.

“I hope that you will not hate me anymore. Happy birthday, Karina.” Sabi niya sa akin kaya nawala ang ngiti ko sa labi ko at unti-unting tumingin sa kanya.

And then I realized that it’s already 12:00 in the morning.

Today is my birthday.

Love, BasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon