Chapter 17
Too Happy
One week passed. Ilang linggo palang akong nagtratrabaho dito sa office ni Dad pero triple yata ng trabaho ko noon ang ginagawa ko ngayon. Dapat talaga hindi ako pumayag na dito magtrabaho eh.
Buti pa si Dad pa vacation vacation nalang kasama si Mommy. Samantalang ako, naghihirap dito.
Napabuntong-hininga ako at sandaling sumandal sa inuupuan ko. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari last week.
Buong byahe na tulog si Chanyeol noon at hinatid ko siya sa bahay nila. Medyo gulat din ang ibang member ng EXO dahil nagkalagnat daw si Chanyeol.
Humingi ako ng tawad sa kanila, maging sa manger nila. I still feel guilty tungkol doon. Kung sana hindi na niya ako sinamahan doon ay hindi siya makakasakit.
Buong week ding walang EXO na umuubos ng laman ng pantry ko. Balita ko ay nagsisimula na silang magpractice para sa upcoming concert nila dito.
Biglang nag ring ang phone ko at napataas ulit ang kilay ko nang makita na si Ellico ang tumatawag.
Hindi ko sinagot ang unang tawag, sanay na naman siya doon. Nang tumunog ulit ang phone ko ay sinagot na iyon.
“What’s your problem?” inis kong bungad sa kanya.
“Ang arte mo talaga.” Sabi niya lang kaya napasinghap nalang ako at naghahanda na sa pagkakagalit namin.
“Wow, ako pa ang maarte? Oh bakit ka tumatawag sakin kung ganon? Aba Ellico, mas matanda parin ako sa iyo ng isang taon, don’t forget that.” Sabi ko sa kanya.
Ayokong-ayoko na tinatawag na Ate bukod sa kapatid ko. Nakakatanda lang masyado.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. “Fine, Ate Karina.” Sabi niya sa kabilang linya kaya lalo akong nainis sa kanya.
“You’re so annoying! Why did you call ba?” inis kong tanong sa kanya.
“Don’t do something for Baekhyun and Kathria.”
“And why would I let you? I’m just cleaning your mess, Ellico.” Sabi ko sa kanya at tumayo para magtimpla ng kape sa Pantry.
Ibinaba ko ang phone at ni loud speaker nalang iyon.
“Just please, don’t do anything.” Sabi niya sa akin kaya lalo akong nagtaka sa kanya.
“Bakit nga?” pangkukulit ko sa kanya.
“Basta, wag ka ng makulit.” Sabi niya sa akin.
“Kapag hindi mo sinabi sa akin, sasabihin ko sa asawa mo na hiwalayan ka, sige!” pagbabanta ko sa kanya. Pero joke lang iyon, as if naman na sirain ko ang buhay ng pinsan ko.
“What the fuck, Karina?” inis na sabi sa akin ni Ellico kaya napatawa nalang ako. Galit na siya.
“I’m just kidding, okay? Ayaw mo kasing sabihin eh.” Sabi ko.
“Fine, Ako na ang bahala na mag clean ng mess ko, okay?” sabi niya kaya napatigil ako sa paghalo sa tinimpla kong kape at napatingin sandali sa phone ko.
“Ikaw ba talaga si Ellico? You’re not in your normal self.” Sabi ko at nakatitig parin sa phone ko.
“I just regret everything that I’ve done, okay? But except from loving her.” sabi niya at pinatay na ang tawag.
Napabuntong-hininga nalang ako at ininom na ang kape na tinimpla ko pero agad kong napahinto ng maramdaman kong mainit nga pala iyon.
God, Karina, lutang na naman ako.
…
Isang araw bago mag concert ang EXO. Rinig na rinig ko na ang kabi-kabilang balita tungkol sa kanila.
Naalala ko na naging trending si Chanyeol kasama ang isang mystery girl, which is ako. Mabuti nalang at pinaalis ni Dad iyon. Alam niya kasing magiging uncomfortable ako kung mangyari man iyon.
General practice ng EXO ngayon kaya pumunta din ako sa place kung saan gaganapin ang concert nila.
Tinignan ko sandali ang buong paligid. Bukas ay magiging puno ito. Naalala ko na wala pang isang minuto ay sold out na agad ang tickets para sa concert nila, mas mabilis sa inaasahan ko. Medyo nagulantang din ako dahil sobrang bilis.
Nakita ko ang buong EXO na mukhang nagpapahinga pa. Hindi muna ako nagpakita at umupo sa may malayong upuan.
Hawak hawak ko ang phone ko para icheck ang lahat, kung nakaayos na ba ang stage. Pinakikinggan ko din ang background music kung satisfied ba ang pandinig ko.
Nakita kong tumayo ang buong EXO, mukhang magsisimula na naman silang magpractice. Napaayos ako ng upo at tumingin sa kanila.
“Hey..”
Napatingin ako sa tumabi sa akin at sandaling naigilan nang makilala ko kung sino iyon.
“Jungkook?”
Tumango naman siya at ngumiti sa akin. “It’s nice too see you again.” Sabi niya sa akin.
Nakangiti ako at niyakap siya.
“Why are you here?” gulat parin na tanong ko sa kanya.
Hindi ko naman kasi inaasahan ang pagpunta niya sa akin. He’s so busy person para gawin yun.
Nakilala ko si Jungkook dahil ako ang nagproduce ng concert ng group nila sa Hong Kong two years ago. Hindi ko na ulit sila nahuli dahil sobrang daming producer ang nag-aagawan sa kanila. Ganon sila kasikat ngayon.
“I’m here to visit you, Kar.” Sabi niya sa akin.
Napatawa naman ako at ginulo ang buhok niya na nakaayos ng sobra.
“Ya, stop it!” sabi niya sa akin.
“My baby become famous now. I thought that you already forget me.” Masaya kong sabi sa kanya habang inaayos ang ginulo kong buhok na sana ay hindi ko nalang ginawa pa dahil aayusin ko din naman sa huli.
Knowing Jungkook ayaw na ayaw niya na magulo ang buhok niya.
Actually he’s really my baby, parang baby brother dahil super cute niya at bata parin naman talaga siya.
“Why would I forget you? I missed you, really.” Sabi niya sa akin.
Naayos ko na ang buhok niya kaya nakangiti akong tumingin sa kanya. “I missed you too, my baby jungkook.” Sabi ko sa kanya at pinindot ang magkabilang pisngi niya.
Nakita ko kung paano siya masaktan sa ginawa ko kaya napatawa nalang ako ang binitawan na siya.
Hinimas himas niyang ang pisngi niya at galit na tumingin sa akin kaya lalo akong napatawa.
“You’re too happy.”
Nawala bigla ang ngiti ko at hinanap kung saan nagmula ang boses na iyon. Dahil rinig na rinig iyon sa buong dome.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Chanyeol na kasama ang ibang EXO na nasa harapan ko at nakatingin sa amin.
Napalitan ng pagkunot ng noo ko ang gulat kanina dahil ang sama sama ng tingin sa akin ni Chanyeol.
Ano ba ang problema niya?
BINABASA MO ANG
Love, Basher
Fanfiction[EXO SERIES #1 Chanyeol] THE WATTY AWARDS 2019 WINNER |Completed| Karina Aledia De Montel is a producer. She will produce the concert of EXO in the Philippines. Happened that she really hate EXO so much especially Park Chanyeol who's the main rapper...