Chapter 23

1.3K 30 0
                                    

Chapter 23

Tanan

Napatingin ako sa katambak na gawain na nakalagay sa lamesa ko. Lahat ito ay trabaho na iniwan sa akin ni Dad. Mukhang alam ko na kung bakit siya madalas na nagkakasakit dahil sa tambak na work! Dinaig ko pa ang isang prosecutor sa dami ng papeles sa paligid ko. About Dad, Aba, nag extend ng bakasyon at tinakot pa ako na hindi na siya ulit babalik sa trabaho niya.

Napailing ako nang maalala ko ang kakulitan ng Daddy ko.

Napatingin ako sandali sa phone ko at biglang nagtaka kung bakit parang walang text ngayon ang lalaking malaki ang tenga.

Two months ko na siyang hindi nakikita. Expected ko na naman na ganoon ang mangyayari. Hindi naman pwede na dito lang siya sa tabi ko.

Hello, isang Kpop Idol ang nanliligaw sa akin. Sobrang busy nun kaya naiintindihan ko naman siya.

Nasanay na ako sa text, calls at video calls lang. Long distance relationship lang ang peg.

Kala niya, sasagutin ko siya ng ganon ganon lang. Miss ko na kaya siya. Sarap paglaruan ng malaki niyang tainga.

Noong mga nakakaraang buwan ay madalas tumambay dito si Chanyeol, minsan ang ibang EXO din ay nandito para mangulit at ubusin ang laman ng pantry ko.

Sanay na ako. Pero si Kathria, hindi. Noong nasa isa akong meeting sa ibang bansa ay bigla siyang tumawag sa akin dahil siya naman daw ang mga kinukulit nito. Bukod sa inuubos din ang laman ng pantry niya ay hindi siya makapag concentrate sa work niya dahil sa mga kakulitan nito.

Natatawa ako sa tuwing naaalala koi yon. Mangiyak-ngiyak na siya, at mukhang susuko na sa pagiging isang fan ng EXO.

Biglang bumukas ang pintuan at napatingin agad ako. Nakita ko na secretary ko pala.

Akala ko siya na.

“Miss Karina, you’re schedule after lunch is here. Iwan ko nalang po muna dito.” Sabi ng secretary ko at umalis na.

Tumayo ako para kumuha ng tubig sandali sa pantry pagkatapos ay umupo ulit. Kinuha ko ang IPad niya at tinignan ang magiging schedule.

Binitawan ko sandali ang cup na hawak ko at tinignang mabuti iyon.

1pm- 10pm: Chanyeol’s Time.

Iyon lang ang nakasulat doon at wala ng iba. Napakunot naman ang noo ko at pinindot ang button na kung saan naka connect sa secretary ko natutunog kapag tinatawag ko siya.

Naramdaman kong bumukas ang pintuan. Nanatili akong nakatingin sa schedule ko at uminom ng tubig sandali.

“What’s this schedule means?” tanong ko sa kanya at inangat ang tingin ko.

“I want your time, so I bought it.”

Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya. Tumayo ako ng wala sa oras at napaupo din.

“Are you crazy?” iyon nalang ang nasabi ko sa kanya habang gulat parin na nakitingin sa kanya.

He’s here! Pero what the fuck? Ganoon ba siya kayaman para bilhin yung ten hours ng working hours ko?

Itinayo niya ako at niyakap. “I’m fine now. But it feels that I’m still sick because I can’t see you. You don’t know how I feel so lonely for two months without you.” Malungkot niya sa aking sabi habang nakayakap sa akin.

Napangiti ako ng wala sa oras. God, this is what a longing to do. To hug him.

Umalis ako sa pagkakayakap niya at tinignan siya. “So you came here and bought my time? You spent a million for me?” natatawa kong sabi sa kanya. Tumango naman siya kaya lalo akong natawa.

Love, BasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon