Chapter 2

2.3K 53 3
                                    

Chapter 2

Tagalog

“Where should I sign?” rinig kong tanong ni Chanyeol habang nagmemeeting kami dito sa sala.

Well, hindi ganitong klaseng meeting ang inaasahan ko. Nandito kasi kami sa sala at nagmemeeting kasama ang kapatid ko. In short, nilalaro nilang lahat ang kapatid ko habang nag-uusap kami.

“Ang laki laki ng tenga hindi naman nakikinig.” Inis na bulong ko. Napatingin naman si Chanyeol sa akin at ngumiti lang pagkatapos na pumirma ay bumalik na ulit sa pakikipaglaro sa kapatid ko.

Napangiti nalang ako ng hilaw at nakinig na ulit sa manager nila na may nirerequest pa.

Kanina ay tinanong ko na sa manager nila kung ano talaga yung totoong age nila. Kasi, bigla akong nacurious, sobrang childish nila! Nasasabayan nila yung kakulitan ng kapatid ko.

Natawa ang manager nila nang tinanong ko iyon. Nagulat ako na kasing edad ko na sila at ang iba ay mas matanda pa sa akin! Sobrang na amuse ako dahil sobrang isip bata nila.

Saglit ko silang tinignan at nakita ko na kumakanta si Baekhyun at Chanyeol at sumasayaw naman ang iba pa. Ang kapatid ko naman ay tuwang tuwa at napapapalakpak pa sa tuwa.

Hindi ko maiwasan na mapailing at mapangiti habang pinapanood ko ang kapatid ko na masaya at nakangiti.

“Ms. Karina, are you still listening?” rinig kong sabi sa akin ng  manager nila.

Agad naman akong napatingin sa kausap ko. “Yes, I’m listening.” Sabi ko at napatingin saglit sa pwesto nila at nakita kong natatawang nakatingin sa akin si Chanyeol.

That monkey. Napairap nalang ako at nakinig nalang sa sinasabi pa ng manager nila. Sana hindi nalang siya sumama dito, naiinis talaga ako sa kanya.

“You just need to sign here and after that, the meeting is already done.” Sabi sa akin ng secretary ni Dad.

Agad ko iyong pinirmahan at pagkatapos ay kinamayan ang manager nila. Sabay naming pinuntahan ang EXO at kapatid ko sa sala. Napailing nalang ako ng makita kong nakasakay sa likod ni Chanyeol ang kapatid ko habang hinahabol nila Chen at Xiumin sa likod.

Kaya ko sila nakilala ay isa-isa silang ipinakilala ng manager nila sa akin. Wala namang naging problema dahil madali namang kabisaduhin.

“Kiara, you should say goodbye to them. Our meeting is already done. They need to go home and rest.” Sabi ko sa kapatid ko kaya napahinto sila sa paglalaro.

Umalis naman sa pagkakasakay sa likod ni Chanyeol ang kapatid ko at tinignan silang lahat.

Nanlaki ang mata ko ng makita siyang umiiyak ng walang boses. Agad akong lumapit pero naunahan ako ni Chanyeol, pinangko niya ang kapatid ko at pinunasan ang luha nito.

“What’s wrong, baby?” tanong niya dito habang inaayos ang buhok ng kapatid ko na nakakalat sa mukha nito.

Napatingin nalang ako sa kilos niya. Parang nawala lahat ng galit ko sa kanya nang makita ko kung paano siya mag-alala sa kapatid ko.

“I don’t want you all to go home pa. I want to play with you for a little longer po.” Naiiyak na sabi ng kapatid ko.

“Oh, but we need to go home because we have a work tomorrow.” Sabi niya dito at parang bata din kung magsalita.

Nakisali na din sa pag-alo ang iba pang member ng EXO. Napansin ko lang na sobrang lapit nila sa mga bata, na parang kabisado na nila kung paano mg-alaga ng mga bata.

Well, truthfully, they all gonna be a good father someday.

“Then, if you all have a work tomorrow. Can you stay for a little time and eat with us for dinner? Ate will cook po! She’s very good in cooking po!” sabi ni Kiara at bumaba sa pagkakapangko kay Chanyeol at lumapit sa akin.

Love, BasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon