Chapter 1

23K 588 29
                                    

"My god! thirty year old kana, pero wala kaparin boyfriend? Hala teh, gusto mo ba na tumandang dalaga? Gusto mo ba na mamatay ng hindi man lang matitikman ang ooh! hmm! aaah! ha? Iyong sige pa, harder and faster?" Over reaction na sabi ng daldalira niyang  kaibigan na si rosana. sa totoo lang hindi na bago sa kanya ang mga sinasabi nito dahil walang araw na hindi siya nito kinukulit na mag boyfriend na. minsan gusto niyang pasakan ng bato ang bunganga nito dahil naririndi na siya sa kadaldalan nito at madalas ay wala itong pakialam kung may makakarinig sa sinasabi nito kahit nakakahiyang topic, ngunit kahit ganun pa man marami naman silang napagkakasunduan na mga bagay dahil mabait din ito. iyon nga lang madali lang itong makahanap ng gulo dahil sa bunganga nitong walang prino.

"Hindi ako intirisado dyan rosana, alam mo naman na marami pa akong kailangan gawin at bigyan ng importansya kaysa dyan sa mga lalake. isa pa, kuntinto na ako sa kung anong meron ako no." Tugon niya

Nalukot naman ang mukha nito na tila hindi nagustohan ang sinabi niya sabay irap pa sa kanya na tinawanan lamang niya.

"Grabe ka teh, tatanda ka talagang dalaga niyan." Pang aasar nito pero inilingan na lamang niya. "Oo nga pala, naalala ko lang na darating pala next week iyong pinsan ng asawa ko galing America, architect yon teh, ipapakilala kita doon." naka ngisi nitong sabi na sinabayan pa ng kindat.

Tumawa lang siya ulit dahil alam niyang na tiyak na ibubugaw na naman siya nito. "Ayaw ko."

"Jusmeyo porsanto! Ang killjoy mo talagang babae ka, sabunutan kita dyan eh!" Asar nitong sabi.

"Bahala ka dyan." Saka siya tumayo at inayos ang mga gamit. "sige na, may pasok pa tayo at nag hihintay na iyong mga studyante." Sabi niya at hindi na pinansin pa ang pagdadabog nito.

"Basta, punta ka sa bahay ah? may party na gaganapin doon next week para doon sa pinsan ng asawa ko, binata pa yon teh, at guwapo din. pero mas guwapo parin ang asawa ko kahit medyo maitim, magaling pa mag paligaya sa kama." sabi pa nito na sinabayan ng tawa."

Naiiling siyang tumawa bago ito inirapan. Minsan talaga nakakahiya itong kasama dahil sa bunganga nitong walang maitago.

"Kaya kung ako sayo teh, mag patusok kana dyan sa vagina mo para maranasan mo yung ika pitong langit." Panunulsol pa nito.

"Demonyeta ka talagang babae ka!" Sabi niya saka ito iniwan sa office dahil sigurado siyang kung saan saan na naman aabot ang kadaldalan nito pag hindi pa siya umalis.

"Hay nako! kung alam mo lang rosana." Mahinang usal niya saka bumuntong hininga upang ibsan ang sakit at kirot sa puso niya ng sumagi sa isip ang nangyari six years ago. "kamusta na kaya sya?"

Ipinikit niya ang mata saka muling huminga ng malalim dahil sa mga katanungan na hindi niya alam ang sagot.

"Stop thinking Magenta, nakuha mo na ang sagot noon." Kausap niya sa sarili kasabay ng pag guhit ng mapait na ngiti sa kanyang labi ng maalala niya ulit ang pag mamakaawa niya noon sa binata para hindi siya nito tanggalin sa trabaho bilang isang secretary, pero hindi siya nito pinakinggan at ang malala pa ay pina hiya siya nito sa harap ng mga ka trabaho niya at tinangalan pa ng karapatan na makapag trabaho sa ibang companya.

Samotsaring mga nigatibo at masasakit na salita ang naririnig niya sa mga ka trabaho niya pero hindi niya magawang ipagtanggol ang sarili dahil pakiramdam niya at nawalan siya ng lakas at tapang pagkatapos ng lahat.

Pokpok, ambsiyosa, makapal ang mukha at kung ano ano pa ang naririnig niya mula sa mapanghusgang tao na katrabaho niya, maski ang mga lalake na noon ay mga manliligaw na hindi niya pinapansin ay pinandidirihan na siya at sinasabing wala parin pala siyang ipinag kaiba sa mga babaeng bayaran at pangkama lang, pa hard to get pa daw siya iyon pala ay may bahong nililihim.

Meron pa iyong minsan niyang sinubukang uma- apply ng trabaho sa ibang companya, pero lahat ng babaeng nag e-interview sa kanya ay iisa lang ang sagot, na may nahanap na sila oh hindi kaya ay tatawagan lang siya but she know the truth. sa klasi pa lang ng tingin nila sa kanya ay halata ng malabo na tatanggapin siya, nakakadiri! Nakakahiya! Iyon ang nakikita niya sa mga tingin ng mga ito, At kapag lalake naman ay parang hinuhubaran na siya sa klasi ng tingin ng mga ito sa kanya.

Minabuti na lang niya na umuwi sa probinsiya nila dahil alam niyang  impossible ng makakahanap siya ng matinong trabaho dito sa maynila dahil maski maliit na companya ay ayaw siyang tanggapin.

Pagdating niya sa probinsiya nila sa bicol ay nagulat ang magulang niya, dahil umuwi siya ng walang pasabi
At bakit hindi man lang daw siya tumawag para sundoin. nginitian niya lang ang magulang at sinabing pinag bakasyon muna siya ng boss niya at syempre, surprise daw ang pag uwi niya. Ayaw man niyang mag sinungaling sa magulang pero wala siyang choice kundi gawin iyon dahil baka masaktan ang magulang niya at atakihin sa puso ang kanyang ama.

Lumipas ang tatlong linggo ng pananatili niya sa probinsiya ay unti unti ng nakakahalata ang kanyang magulang dahil sa situation niya. kaya wala siyang Nagawa kundi ang aminin ang totoong nangyari sa kanya sa maynila

Kitang kita niya ang galit sa mukha ng kanyang Ama at disappointment, pero wala narin itong magawa kung hindi ang tanggapin ang nangyari, at awa naman para sa kanya ang nakikita niya sa ina.

pakiramdam niya sa panahon na iyon ay napaka walang kuwinta at walang silbi niyang anak dahil binigyan niya ng kahihiyan ang magulang, minsan pa ay sinubukan niyang kitilin ang buhay dahil sa depression na nararamdaman, ngunit isang malakas na sampal ang ibinigay sa kanya ng kanyang ama para daw magising siya sa kabaliwan niya.

Humingi siya ng tawad sa magulang dahil sa mga pagkakamaling nagawa niya, at sinimulan ayusin ulit ang sarili sa tulong ng kanyang ina at ama. laking pasasalamat niya ng lubos sa diyos dahil binigyan siya ng magulang na mapagmahal at maunawain.

Makalipas ng tatlong taon na pananatili niya sa bicol ay agad siyang pumunta sa baguio sa tulong ng pinsan niyang may asawa na isang principal na si mr sanchez na syang tumatayong principal ng naturang skuwelahan kung saan siya ngayon nag tuturo. ang totoo dati naman talaga siyang isang guro bago pa siya naging isang secretary ng dating boss niya na si David Aiken Gandy.

Bumalik sa realidad ang isip niya ng marinig ang biglang pag ring ng cellphone niya sa bulsa kaya inabot niya ito at tinignan kung sino ang caller. napangiti siya ng mabasa nito ang pangalan ng kanyang ina.

"Hello, anak?" Agad na sabi ng mama niya sa kabilang linya ng sagotin niya ang tawag.

"Hello, mama." Kangang tugon.

"Kamusta kana anak, okay ka lang ba dyan? nag aalala kami ng papa mo ng malaman namin na nagkasakit ka, sabi ng pinsan mo."

"Ayos lang po ako ma, kunting lagnat lang po iyon dahil naambunan po ako ng ulan kahapon, pero okay na po ako ngayon, alam nyo na naman mas malakas pa ako sa kalabaw natin eh" pag bibiro niya sabay tawa kasabay ng kanyang ina.

"Puro ka talaga kalokohang bata ka, oh sya nga pala, namimis kana ni poging kulit anak, nagalala rin iyon sayo ng malaman na nagkasakit ka dyan." hindi niya maiwasan na hindi mapangiti dahil sa sinabi ng kanyang ina.

"Pakisabi kay pogi ma, na miss na miss ko na rin s'ya at malapit na rin ang uwi ko dyan."

"Sige anak, walang problema, basta mag iingat ka dyan palagi." Paalala nito.

"Sige po ma, may klasi pa po ako eh, paki sabi kay papa na huwag masyadong mag pagod, baka atakihin na naman sya nga sakit nya sa puso"

"Matigas din ang ulo ng matandang iyon eh, mahirap suwayin. Nagagalit pa kapag pagsabihan." Sabay buntong hininga ng kanyang ina na halatang na-e stress sa kanyang ama. "Oh sige anak, ibaba ko na dahil gagawa pa ako ng makakain ng batang sutil na iyon, hindi ko alam kung nagsusuot kasama ang matandang iyon."

Natawa siya dahil sa sinabi ng ina hanggang sa nawala sa kabilang linya.

His Deceiving Way: Aiken GandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon