Chapter 19

15K 440 48
                                    

NAKATANAW lang si magenta sa karagatan habang naka busangot ang mukha dahil naiinis siya sa pag mumukha ng mga taong nakikita niya sa paligid lalo na sa lalakeng dahilan ng pananakit ng buong katawan niya kaya mas pinili na lang niya ang tumambay sa balcony habang nakapangalingumbaba.

Hindi rin mabilang kung ilang beses siyang bumuntong hininga dahil sa pagkabagot samantalang dalawang araw pa lamang silang nanatili dito sa boracay pero pakiramdam niya ay parang nag sasawa na siya sa mga nakikita niya sa paligid.

Marahan siyang tumayo at paika ikang bumalik sa kama para humiga ulit dahil pakiramdam niya ay parang ang bigat ng katawan niya at gusto na lang mag pahinga.

"Kainis talaga ang lalakeng iyon hindi talaga ako tinantanan hanggat hindi napapagod." Reklamo niya habang napapangiwi sa bawat hakbang niya.

Dinampot niya ang cellphone na nasa table ng mag ring ito saka siya umupo sa kama bago sinagot ang tawag.

"Magenta." Biglang sabi ng nilalang na nasa kabilang linya na ikina kunot noo niya dahil hindi familiar ang boses lalo na't tila bumubulong lang ito.

"Sino to?" Tanong niya habang nag sasalubong parin ang kilay.

"Magenta si Carl ito."

"Carl? " gulat niyang sabi. "Tika, bakit iba ang number na gamit mo? nasaan ka? Mahigit isang buwan ka ng hindi nag papakita ah, kahit tawag man lang wala, nakaka tampo ka tuloy." Pag dadrama niya.

"Nasa america ako, biglaan kasi kaming pinatawag ng big boss namin kaya hindi na ako nakapag palam, sorry." sabi nito sabay buntong hininga.

"Ano kaba ayus lang no, kamusta naman dyan? Tika nga kailan kapa dyan? Ang alam ko kasi nasa palawan ka lang dahil may ipinapaayus ulit ang may ari ng bahay doon."

"Yon na nga eh, babalik na sana ako dyan after one week kaso nga yung boss ko kailangan niya daw ako dahil may bagong ipapatayong hotel dito at ako daw ang napiling architec na mag didisenyo nun." sabay buntong hininga nito ulit. "Kumusta na pala ang mga bata? Si Cindy kamusta na ang makulit na iyon?"

"Ayun, kasama ang kuya niya at si Aiken, naliligo sa dagat." Sagot niya sabay suklay sa kanyang buhok gamit ang kamay.

"Aiken?"Gulat nitong sabi. "David Aiken Gandy? Wow! Kailan mo pa siya tinawag na Aiken? Ang alam ko sir David ang tawag mo doon." Pang uusisa nito.

"Huwag mo na ngang alamin, umiinit lang ang ulo ko pag naririnig ko ang pangalan ng lalakeng iyon." Naiinis na sabi niya.

"Relax, nag tatanong lang eh ang sungit mo naman, buntis kaba?"

Halos mablangko ang isip niya dahil sa sinabi ni carl kahit alam niyang biro lang iyon feeling niya parang nanlalamig ang buong katawan niya ng may sumagi sa isip niya, her period.

"H-Hindi...a-ano kaba, wala ngang nangyari sa amin eh." Na uutal na sabi niya ngunit kasabay nito ang panginginig ng kanyang boses dahil sa kanyang kasinungalingan.

"Okay...." Mabagal na sabi nito na tila hindi naniniwala saka tumikhim. "Magenta, ano... M-may sasabihin ako." Tila kinakabahan naman nitong sabi kaya bigla siyang na intriga, ayaw pa sana nitong sabihin ngunit napilit rin niya sa huli.

×****

"What the, babe are you okay? Why are you crying? Baby tell me please." Gulat at kinakabahan na sabi ni Aiken ng maabutan siya nitong ngumangawa.

"Ang mga bata?" Tanong niya at hindi pinansin ang ang pag aalala ni aiken.

"Why? may masakit ba sayo?" Nag aalala paring tanong ni aiken at hindi pinansin ang tanong niya sabay lapit sa kanya upang punasan ang kanyang luha.

His Deceiving Way: Aiken GandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon