Chapter 6

15.8K 431 14
                                    


"Kumusta ang Bicol Tita? " tanong ni Linda habang nag sasalo salo sila ng pananghalian.

"Ayon bicol parin." Natatawang tugon ng kanyang ina. "Medyo gumanda na kumpara noon kahit papaano, tika nasaan pala ang dalawa mong anak?"

"Nandoon sila kina mama, Na mimiss na daw kasi nila ang mga apo nila kaya doon na muna sila hanggang apat na araw." Tukoy Linda sa biyanan.

"Ganun ba." Sabi ng kanyang ina habang tuamatango bago siya binalingan. " Ikaw naman anak, kumusta naman ang pag tuturo mo dito?"

"Ayos lang naman ma, ganun pa rin walang ipinag bago." Naka ngiting tugon niya sa ina bago bumaling kay Cindy na hindi parin ginagalaw ang pagkain.

"Bakit Cindy? Bakit hindi mo parin ginagalaw ang pagkain mo?" Malambing na tanong niya sa bata pero nanatili itong hindi kumikibo. "Sige na kumain kana, anak."

"Baka nahihiya po Mommy." Sabat ni Arcken. "Hou, loner! hindi kami kumakain ng pangit kaya kainin mo na iyang pagkain mo." Pang-aalaska nito kay Cindy.

"Ikaw Arcken, napaka bully mo talagang bata ka, tumigil ka nga dyan makukurot kita!" Saway ng mama niya kay Arcken.

"Sorry." Hinging paumanhin naman ni Arcken saka muling kumain.

"Sandali nga." Sabi pa ng kanyang ina saka tumayo at nilapitan si Cindy na nasa tabi niya." Halika dito apo, Cindy. si Lola ang mag papakain sayo okay? huwag ka ng mahiya dahil kami na ang bago mong pamilya ngayon, at ako ang Lola mo at siya ang Lolo mo, ang asawa ko. ayos ba iyon ha, apo? Si Arcken naman ay isipin mo na lang na siya ang kakambal mo, tutal naman ay mag kasing edad lang din naman kayo."

"Talaga po? Hindi po kayo galit sa akin? si Arcken ay magiging kakambal ko po?" Tila hindi pa ito makapaniwala.

"No!!" Protista kaagad ni Arcken kaya nagulat sila. "Big brother mo ako!"

"Big brother?" Takang tanong ni Cindy. "Hindi ka naman big eh, kunti lang ang taas mo, ganito." Sabay taas nito sa kamay at ipinakita ang middle finger nito na ikinagulat niya kahit wala naman talagang ibig sabihin ang bata kundi ang tangkad lang ni arcken. Isa pa ay madalas din itong nagkakamali sa tuwing magbibigay ito ng action gamit ang kamay. katulad ng kapag may itinuturo na bago sa panigin nito ay madalas na nagagamit nito sa pagturo ay ang middle finger kaysa sa hintuturo.

Napangiwi siya ng mapansin ang bahagyang natigilan na magulang pati ang pinsan niya at ang asawa nito dahil kay cindy habang ang kanyang ina ay marahan na tumango na tila naintindihan ang ibig sabihin ng bata.

Napakunot noo naman si Arcken habang nakatitig sa daliri ni Cindy na nakataas parin. Kumibot kibot pa ang labi nito na tila may gustong sabihin ngunit bumuntong hininga na lang ito bago nagpatuloy sa pagkain.

Is she cursing me?" Arcken whispered to himself but they heard.

Pinigil nilang huwag matawa dahil sa dalawang bata.

Mr Sanchez faked coughing before speaking but it was obvious in his voice that he was restraining himself from laughing.

"So, gusto mo pang maging kuya ni Cindy, Arcken?" Tanong nito.

Yes!" Arcken responded but he didn't look at them

"Pero ganito lang siya kataas, kunti lang." Paglalarawan parin ni cindy sa tangkad ni Arcken gamit ang middle finger nito na tila pinipilit pa rin nito ang gustong e- punto na magkaidad lamang sila ni Arcken.

Napasapo siya sa kanyang noo na tila nakaramdam siya ng pagkahilo dahil sa dalawang bata habang ang kanyang ama nagkunwaring nau-ubo dahil sa pagpipigil nitong huwag tumawa.

"Ayaw! i'm a bigger than you, and please, could you stop rising your middle finger? Thats rude!" Inis na sabi ni arcken na tila isang matanda kung makapagsalita.

His Deceiving Way: Aiken GandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon