Chapter 15

17.2K 451 25
                                    

"OH ANO NA TEH? Kailan mo balak Ipaalam sa anak mo iyung totoo?"
tanong ni Rosana sa kanya habang nakatambay sila sa canteen para mag meryenda habang ang dalawa niyang anak ay nakikipag laro sa ibang mga bata.

"Di ko pa alam Rosana dahil sa totoo lang natatakot parin ako hanggang ngayon na ipakilala si Aiken sa kanya."

"Ano naman ang kinatatakutan mo? Kawawa naman ang bata dahil sigurado ako na nag hahanap yan ng ama.

"Yon na nga eh, nag sisimula na siyang hanapin ang Tatay niya. minsan nga niyang tanongin si Aiken kung nasaan daw ang tatay niya." Saka siya bumuntong hininga at nilingon ang anak niya na nakikipagtawanan sa mga kalaro nito.

Nanatili namang tahimik si rosana kaya nagpatuloy siya.

"Kahit gaano ko kagusto na sabihin sa kanya na si Aiken ang Tatay niya ay hindi ko parin magawa. paano kung tanungin siya ni Aiken na sumama sa kanya paano naman ako? Tiyak na hindi ko kakayanin na mawala sa akin ang anak ko.

"Masyado ka naman negative mag isip teh, nag se-se* na nga kayo ulit nung ama ng anak mo eh." Natatawa nitong sabi kaya inirapan niya ito. Pambihira naman kasi kung bakit pa nadulas ang madaldal niyang dila ayan tuloy inaasar na siya ng babaeng ito.

"Anong conect?" Nakataas kilay niyang tanong

"Conect? ganito lang kadali pakinggan mo ng mabuti at hindi ko na uulitin pa, isang beses ko lang itong sasabihin at huwag mo ng palampasin dahil-- aray ko!" Reklamo nito ng batukan niya

"Ang dami mo pang sinasabi eh bakit hindi mo na lang dipunto? " na iinis na sabi niya.

"Okay, ito na lang. mukhang nag e enjoy naman ang lalakeng yan na makipag talik sayo eh bakit hindi mo na lang siya akitin ng akitin para tuluyan ng ma inlove sayo at hindi ilayo sayo ang anak mo? In short ibalandra mo ang perlas ng sinilangan sa kanya iyung mag susuot ka ng maikle tapos tutuwad tuwad ka bahagya para medyo sumilip yung diyamante, hindi lang yun, kailangan maganda ka lagi sa paningin niya para hindi na siya tumingin sa ibang babae, you know. sa madaling salita paiinlabin mo siya teh gurl." proud nitong sabi.

Napaisip naman siya sa sinabi ni Rosana.

"Gaga! okay sana yang advice mo kaso hindi naman kami nakatira sa iisang bahay, nandoon ang mga magulang ko at nakakahiya pa." sabay Irap niya dito.

Napakamot naman ito ng ulo

"Oo nga pala paano na yan?" Tila ito pa ang namroblema na ikina irap niya.

"Iwan ko sayo." Sabay tayo niya dahil oras na para pumasok ulit.

Tinawag niya ang dalawang anak kasama ang ibang students niya para pumasok.

"Mommy!" Sabay na sabi ng dalawa. Ngingiti na sana siya ngunit na uwi sa ngiwi ng makita niyang subrang dumi na ng uniform ng dalawa.

"Ang dungis at ang dudumi na mga uniform niyo anak" sabi niya sa dalawa.

"Sorry Mommy." sabay na sabi ng dalawa.

Napabuntong hininga sita at tumango

"Wash your face and hands na para sa next class natin." Tumango naman ang dalawa saka nag tungo sa was room sa loob ng school room nila.

*****

"Napapadalas na yata ang dalaw ng lalakeng iyan anak" Sabi ng Mama niya habang matalim na nakatingin kay Aiken na ngayon ay kausap ang kanyang Ama na tila seriouso ang pinag uusapan dahil ayaw nila itong iparinig sa kanila.

"Ma, alam niyang may anak kami kaya natural lang na dalawin niya ang Anak namin." Dipensa niya para kay Aiken.

"Iwan ko lang, wala ako'ng tiwala dyan sa sinasabi mo." Bago ito umismid.

His Deceiving Way: Aiken GandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon