"Sino iyong kausap mo?" Tanong niya kay Aiken ng umupo ito sa tabi niya natapos ibaba ang cell phone.
"Wala." Tipid nitong tugon saka inihilig ang ulo sa balikat niya.
"Wala? Eh bakit kailangan mo pang lumayo para lang doon sa kausap mo?" Pang iintriga niya bahala na kung mag mukha siyang pakialamera basta gusto niyang malaman kung ano ang pinag usapan ng mga ito.
"Wala nga, trabaho lang yon." Sabi nito ulit pero ayaw niyang maniwala dahil mula ng makabalik sila sa manila limang araw na ang nakalipas ay tila naging kakaiba na ang mga kinikilos nito, parang may tinatago.
"Anong trabaho yon?" Pangungulit niya
"Magenta please, I'm tired gusto ko munang matulog okay?" may bahid na inis nitong sabi.
Kinagat niya ang ibabang labi at hindi na muling nag tanong pa kahit gusto niya itong kulitin para alamin kung sino ang kausap nito pero mas pinili na lang niya ang manahimik dahil ayaw niyang mauwi na naman sila sa pagaaway gaya ng nangyari sa kanila noong bago sila bumalik dito sa manila.
Bumuntong hininga siya dahil hindi siya mapalagay sa nararamdaman niya ngayon, iwan niya pero malakas ang kutob niya na may itinatago itong lihim sa kanya pero ayaw nitong amenin.
"Titignan ko lang ang mga bata." Basag niya sa katahimikan saka siya tumayo at tiningo ang kuwarto ng mga bata, medyo nabawasan ang bigat na nararamdaman niya ng maabutan niya ang dalawa na nag tuturuan ng english dahil may mga salitang english na hindi kayang sabihin ni cindy na alam ni Arcken.
"Anong meron? May maiitulong ba ako?" Malambing na tanong niya sa dalawa bago siya umupo sa gilid ng kama at sinuklay ang buhok ni Arcken gamit ang kamay niya.
"Nag papaturo po ako kay kuya Mommy." sagot ni Cindy.
"Very good." Naka ngiting sabi niya saka niya hinalikan sa tuktok ng ulo si Cindy.
"Sige lang ipag patuloy niyo lang yan anak." Humihikab niyang sabi saka siya humiga sa kama at pinanood ang dalawa na nag tuturuan.
Titig na titig siya sa mukha ni Arcken na seryusong seryuso habang nag tuturo na akala mo kung sinong matanda, minsan naman ay napapangiti siya sa tuwing nag sasalubong ang kilay nito dahil sa pag kakabulol ni cindy sa ilang salitang english. Parang gusto niya tuloy abutin ang mukha ni Arcken upang kurotin dahil nanggigigil talaga siya sa itsura ng anak sa tuwing nag sasalubong ang kilay nito, minsan naman ang ay naka poker face pa kapag hindi makuha ni cindy ang tamang Pronunciation, minsan naman ay napapangiwi ito sabay kamot sa ulo.
"Sorry." Nahihiyang sabi ni Cindy sa kuya niya.
"Okay lang yan masasanay karin." Pag papagaan naman ng loob dito ni Arcken.
Nakangiting inabot niya ang ulo ni Cindy at hinaplos ito.
"Kaya mo yan nak, magaling ang teacher mo."Naka ngiting tukoy niya kay Arcken habang proud na proud dahil napaka bata pa lang nito ngunit ang talino na palibhasa mana sa ama, ang nakakatuwa pa ay nakakayanan nitong pasensyahan si cindy kahit napaka bugnotin nito at maikli lang ang pasinsiya. "I'm so proud of you baby." Sabi nito kay arcken saka hinalikan sa ulo. "Sayo din baby cindy. Fast learner ka kya ipag patuloy mo yan para maabot mo ang pangarap mo."
"Opo Mommy!" Nakangiti namang sabi ni Cindy.
Tumango siya at muling hinalikan sa ulo ang dalawa hanggang sa sumagi sa isip niya yung araw na nananatili sila sa Boracay.
FLASH BACK.
Tatlong araw na silang nanatili sa boracay at doon lang naisipan ni aiken na dalhin sila sa gitna ng dagat at doon panoorin ang sunset gamit ang yacht, Noong una ay nagulat siya dahil ang alam niya lang ay tanging mga owner lang ng resort ang meron nito dito sa boracay ngunit kalaunan ay na realise niya na isa sa mga kaibigan ni Aiken ang nag mamay ari ng isa sa mga Hotel and resort dito.
BINABASA MO ANG
His Deceiving Way: Aiken Gandy
RomanceHOT PRINCE: SERIES 1 September 4 2018 to December 12, 2018 Revision: February 07, 2023