Chapter 3

16.4K 445 16
                                    

Good morning ma'am!" agad na bati ng mga batang studyante na nakaka salubong niya sa daan.

"Good morning din, kamusta ang umaga niyo?" Nakangiting tugon niya sa mga bata.

"Ayos lang po ma'am, may baon po akong sampong peso kaya masaya po" sagot ni Lisa sa kanya.

"Sampong peso mabubusog ka na niyan, basta ibili mo ng saging at ube ha, huwag puro junk food." Pangaral niya dito.

"Opo ma'am." Maligalig na tugon ng bata

"Ako ma'am, limang peso lang baon ko kasi sabi ni nanay wala na daw siya pera." Sabat ng isa pang bata

"Talaga? Bakit ilan pala ang baon mo araw araw, kara? "

"Ten din po kaso wala daw pera si nanay, kaya five na lang daw po muna."

Natawa siya dahil doon kahit wala naman nakakatawa. Medyo nahawa lang talaga siya sa ganda ng mga mood ng mga bata.

"Mabuti ka pa nga dahil may baon, iyong iba nga walang pera eh, pasalamat na lang tayo sa diyos " naka ngiti niyang sabi kay Kara.

Maya maya pa ay napansin niya ang pananahimik ni Cindy na isa sa studyante niya habang naka yuko at nag pupunas ng pisngi kaya huminto siya sa pag lalakad at kinausap ito.

"May problema ba Cindy?" Malumanay na tanong niya dito pero nag iwas ito ng tingin kasabay ng pag humagolgol nito ng iyak. "Cindy sabihin mo sa akin may problema ba ha? sabihin mo kay teacher, baka makatulog ako."

"Si.. lola po kasi... "Putol putol na sabi nito dahil sa pag iyak. "Si lola po na ospital dahil... dahil... inataki na naman po ng sakit niya, teacher" saka mas lalo pang lumakas ang iyak nito.

Niyakap niya ito ng mahigpit saka binuhat papunta sa loob ng class room nila at wala siyang pakialam kung madumihan siya ng tshinalas nito na may putik basta sa mga oras na iyon ay awa ang nararamdaman niya sa bata.

Cindy is one of her kindergarten student at alam niya ang buhay ng batang ito, tangin Lola lang nito ang nag papalaki sa kanya na tumayong ina at ama para dito. Ang alam niya ay na buntis ang nanay nito pero namatay din nung ipinanganak siya at ang tatay nito ay hindi nila kilala.

"Kailan na ospital ang Lola mo?" Agad na tanong niya ng makapasok sila sa classroom habang pinupunasan ang luha ng bata.

"Kahapon pa po"

"Sinong kasama ng Lola mo sa hospital?" Nag aalala talaga siya dahil mabait ang matandang iyon at kaibigan din niya.

"Si ate Perla po ang nag babantay kay Lola" tukoy nito sa baklang si perla.

"Eh San ka natulog kagabi?"

"Kina aling Sita po." Naka yukong sagot nito hanggang sa napansin niya ang pasa sa mukha ng bata na hindi niya kaagad napansin kanins dahil natatakpan ito ng buhok nito.

"Cindy saan nangaling ang mga pasa na yan?" Sabay turo niya sa mga pasa nito mula sa mukha at braso meron din sa binti ng e check niya iyon. "Cindy, sabihin mo sa akin bakit may pasa ka?"

Noong una ay walang balak mag salita ito ngunit kalaunan ay sinabi din nito ng maramdaman nito na nagagalit na siya.

"Yung mga anak po ni aling Sita, tinutukso po ako na isa lang akong ampon at pangit, anak din daw po ako ng isang pokpok tapos pinag kukurot nila ako at sinasabunutan, tapos po si Mang Cesar pinalo po ako dahil inaaway ko daw po ang mga anak niya kahit iyong mga anak niya naman po ang na una."

Naghahalong galit at awa ang nararamdaman niya para kay Cindy dahil sa sinabi nito. bumuga siya ng marahas na hangin habang nakakuyom ang mga kamao dahil sa pagpipigil na sugurin ang lalaking iyon dahil sa pagmamaltrato ng mga ito sa bata.

His Deceiving Way: Aiken GandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon