Ang sakit sa ulo mag edit kaysa sa mag sulat nakaka stress ng subra.
Anyway enjoy reading!
HUSSSH... Tahan na Cindy." Pag papatahan niya sa bata dahil hindi parin ito tumitigil sa kakaiyak mula ng hinatid nila si Aling Laling sa huling hantungan nito kanina.
"Na mimiss ko po si Lola Teacher." humahagolgol parin nitong sabi.
"Alam ko, pero baka sumakit na ang ulo mo niyan. Sigurado ako na hindi matutuwa ang Lola at ang Mama mo na nakikita ka ayaw tumigil sa pag iyak."
"Teacher, magkasama na po ba sina Lola at ang Mama ko ngayon?"
"Oo naman Baby, tiyak na pinapanood ka nila ngayon mula sa heaven at sigurado din ako na nalulungkot sila dahil nakikita ka nilang umiiyak kanina pa at ayaw tumigil."
"Kasi po wala na akong Lola, wala ng mag tatangol sa akin ako na lang po mag isa "
"Hindi ka nag iisa, Cindy, nandito ako." Aniya upang e- comfort ito.
"Mananatili ka po ba dito teacher?" Tanong nito.
Bumuntong hininga muna siya bago ngumiti dito saka tumango bilang tugon.
"Cindy, makinig ka. Huwag kang mag alala dahil nandito ako, aalagaan kita dahil ipinangako ko iyon sa Lola mo na mamahalin kita na parang isang tunay na anak ko, hindi kita pababayaan tandaan mo iyan. kung gusto mo, ako na ang magiging bago mong Mommy, ayos ba iyon?"
"Talaga po? Magiging Mommy ko po kayo? Aamponin niyo po ako teacher? " Nanlalaking matang tanong nito habang nagpupunas ng luha at nakatingala sa kanya.
Ngumiti siya saka tumango.
"Syempre, kung iyon ay kung gusto mo na magiging mommy mo ako, gusto ko rin. Gusto ko rin kasi na mag karoon ng anak na baby girl." Malambing niyang sabi sabay suklay sa buhok ni cindy gamit ang kamay niya.
Gusto ko po iyon teacher, dahil wala na po akong Lola at wala na din po akong Mommy, ikaw na lang po ang magiging bago kong Mommy!"
Natawa siya dahil bigla itong naging masiglang bata.
"Gusto ko po teacher dahil wala na po akong Lola at wala din po akong Mommy, ikaw na lang po ang Mommy ko teacher."
"Sige, simula ngayon tawagin mo na akong Mommy okay?" Naka ngiting sabi niya bago ito hinalikan sa noo.
"Opo Mommy!" Masayang sabi ng bata saka siya nito niyakap ng mahigpit.
"Ehem!" Sabay silang napalingon ni Cindy makarinig sila ng pekeng ubo mula sa kanilang likod." Sorry. Paumanhin, ako ay nakikiramay sa pagkawala ng iyong lola, Cindy." Sabi ni Carl habang nakatingin sa bata at tipid na nginitian ito.
"Yes, Mommy!" The boy said happily then hugged him tightly.
"Ahem!" She and Cindy turned at the same time when they heard a fake cough from behind them "Sorry. I'm sorry for the loss of your grandmother, Cindy." Carl said as he looked at the kid and smiled lightly.
"Oh Carl, Ikaw pala iyan, halika at maupo ka." Sabi niya dito saka siya tumayo at nginitian ito ng tipid. "Anong gusto mong inumin? Ipagtitimpla kita."
"Kape na lang." Tugon nito saka umupo sa tabi ni Cindy.
"Oh sige, maiwan ko na muna kayo saglit. pakiusap, pakibantayan lang si Cindy para sa akin, Carl." Aniya.
Tumango si Carl bilang tugon.
Bumaling siya sa bata at kinausap ito.
"Dito ka lang baby, ipagtitimpla ko lang ng kape ang tito carl mo, okay?""Opo."
BINABASA MO ANG
His Deceiving Way: Aiken Gandy
RomanceHOT PRINCE: SERIES 1 September 4 2018 to December 12, 2018 Revision: February 07, 2023