"What are you doing here? " Mataray niyang tanong sa Binata.
"Sa pag kakaalam ko ako ang may ari ng school na ito at may karapatan akong e check ang meron dito bilang isang owner." Sabi nito bago dahan dahan na pumasok at inilibot ang tingin sa paligid.
Kinuha nito ang English book na pang grade six sa bookshelf bago ito umaatras ng ilang hakbang para makaupo sa isa sa mesa na malapit sa table niya. Binuklat-buklat nito ang libro bago humarap sa kanya ngunit nanatiling nakatutok ang mata sa libro habang siya ay matalim na nakasunod ang tingin sa lalake.
Inirapan niya muna ito bago ipinag patuloy ang ginagawa at hindi na pinansin pa ang lalake na tila hindi ito nag e-excess sa harapan niya pero minsan talaga ay may mga ugali ang mga tao na mahilig manbuwesit kagaya ng ginagawa ng walang hiyang nilalang na nasa harapan niya.
Hindi pa man umaabot ng limang minuto ang pag che-check niya ng mga papers ay nakarinig na siya ng kasukla- suklam na ingay mula sa nagkikiskisan na paa ng bangko sa sahig.
Ang sakit sa taynga dahil bakal ang paa ng bangko na kumikiskis sa sahig habang sinisipa ng gago ang bangko paurong sulong.
Pakiramdam niya ay parang sasabog na ang kanyang eardrums dahil sa pagkikiskis ng paa ng bangko sa sahig gusto niyang batohin ang lalake dahil sa ginagawa nito pero nag pipigil lamang siyang gawin dahil baka sabihin na naman nito na bayolente siyang teacher, kaya kahit gustong gusto niya itong sapakin ay ibinuhos na lamang niya ang panggigigil sa pag hawak ng ballpen na kunti na lang ay mapunit na ang papel na cheni check niya dahil sa higpit ng pakakahawak niya sa ballpen na sinabayan pa ng diin bawat ukit nito.
Kung kanina ay nato-tolerate pa niya ang tinis ng tunog ng paa ng bangko ngayon naman ay tila nakikipag karira na ito sa kaskasan dahil sa ginagawa nito kaya inabot niya ang libro na nasa tabi niya at hindi na napigilan pang ibato ito sa binata na sapol sa mukha.
"Kung tapos kanang mag basa ng libro na naka baliktad sir!" Sabay diin nito sa salitang Sir. "Siguro naman puwede ka ng lumabas dahil nakaka sturbo ka!" Nanggigigil na Asik niya at wala siyang pakialam kung naka mamatay ang tingin na ipinupukol nito sa kanya.
"Bakit ka nambabato?" Asik nito pabalik sa kanya.
"Aba'y nasaktan kaba sir? Masakit? Yan, masakit din sa taynga ang ginagawa mo sira ulo ka! kung hindi ka aalis bahala ka sa buhay mo, magsasarado na ako dito, buwesit!" Inis na inis niyang sabi saka sinimulang ligpitin ang mga test paper ng mga bata kasama ang mga book niya saka ito inilagay sa attache case.
"Di kapa lalabas?" Mataray niyang tanong dito matapos niyang ayusin lahat ng mga gamit niya saka tumingin sa orasan. "Kung hindi ka pa lalabas bahala ka dahil ako uuwi na, wala ng tao dito." Hanggang sa may kalokohan na pumasok sa utak niya. "Nako tamang tama six pm na pala, balita ko pa naman may nag mumulto dito." Sabay pasimple niyang tinitigan ang mukha ni Aiken na matalim na nakatingin sa kanya habang nag tatagis ang bagang.
Isinukbit niya sa balikat ang bag niya at niyakap ang sarili na kunwaring nilalamig habang patingin tingin sa paligid saka siya tumayo at akmang aalis na sana siya at lalampasan ito ng bigla siya nitong haklitin at pinaharap kaya napapagitnaan siya ng mesa niya at nito. Gusto niyang bawiin ang braso niya pero hindi niya magawa dahil sa higpit ng pag kakahawak nito sa kanyang braso. "let me go!" Sigaw niya dito.
Ngumisi ito saka marahan na humakbang papalapit sa kanya kaya wala siyang magawa kundi humakbang din paatras sa bawat hakbang nito paabanti. napakagat labi siya ng maramdaman niyang halos makaupo na siya sa lamesa
"Shit naman." She murmured
"Maniniwala na akong nagbago kana talaga, Halimbawa na lang ang pananakot mo sa akin." Naniningkit na matang sabi nito saka ngumisi. "Ang lakas din ng loob mo miss Ortiz. right, I remember something... hmm..If I'm not mistaken you have a big crush on me before." Sabay gitgit nito sa kanya hanggang napagitnaan na niya ito ng magkabilang hita niya habang naka upo bahagya sa kanyang mesa
BINABASA MO ANG
His Deceiving Way: Aiken Gandy
RomanceHOT PRINCE: SERIES 1 September 4 2018 to December 12, 2018 Revision: February 07, 2023