Chapter 7

15.2K 457 4
                                    

Inaya siya ni Carl na kumain sa labas matapos ang meeting kanina sa school dahil dumating ang assistant ng anak ng dating may ari ng paaralan.

Sumama din si Carl sa meeting kanina kahit hindi naman siya kaylangan doon. Ang rason nito ay para daw hindi siya mainip at titigan na lang daw niya ang guwapong mukha nito kaisa sa titigan ang mga panget na mukha ng bisita.

Lokong lalake.

"What is your order ma'am? "Panggagaya ni carl sa isang waiter na tinanong ang Amerikanong customer na katabi ng kanilang mesa.

"Puro ka talaga kalokohan Carl, umupo ka na nga dito!" Saway niya sa kaibigan ngunit natatawa din dahil sa kalakohan nito. "Basta ikaw mag-babayad ah, kaylangan ko magtipid ngayon eh.

"Grabi ka naman, ang sakit nun sa puso! may nangaaya ba na papabayarin yung niyaya niya ng date? Wala pa ako'ng nakitang ganun!" Naka-ingos nitong sabi.

"Date ka dyan, date your face ugok! And yes, meron nang-aaya na kumain pero ang pinapabayad ay yung niyaya niyang kumain."

Tumaas naman ang kilay nito." Sino naman yun?"

"Si Ryan Bang!" Kibit balikat na sagot niya.

Nalukot naman ang mukha nito saka siya sinamaan ng tingin." Si Ryan bang yun, hindi ako!"

"Okay, fine! Basta iyun na yun. ikaw na ang mabait dahil ililibre mo naman ako ng food kaya okay na." biro niya sabay tawa pero inirapan lang siya nito saka tinawag ang isa sa mga waitress.

"Uuwi ka na ba after natin kumain?" Tanong nito pagkalipas ng sandali.

"Iwan, baka kina Rosana muna ako pupunta bago mag mall para mamili or baka bukas na lang ako pupunta doon para may pasalubong ako sa inaanak ko."

"Ganun ba, ihahatid na kita papunta doon pero hindi na kita maihahatid pa uwi dahil may pupuntahan pa ako, sorry." Sabi ni Carl

"Ano ka ba, okay lang iyon no! isa pa hindi mo naman ako responsibilidad na kaylangan mo pang ihatid sundo." Sabi niya.

"I mean... hindi kita matutulungan sa pag bubuhat ng mga bibilihin mo."

"No worries, hindi naman galon na may laman ng gasolina ang bibilihin ko, ano kaba." She said to lessen his worry.

"Kahit na." Giit pa nito.

"Tssk.. hayaan mo na ayus lang yun no."

Matapos nilang magmeryenda ay agad din nag bayad si Carl at naunang lumabas dahil may tumawag dito na mukhang importante at naiwan siya habang hinihintay ang sukli ng kinain nila bago sumunod kay Carl ngunit bago pa man siya makalabas ng tuluyan sa coffee shop ay may naka banggaan siya at nahulog ang dala niyang tote bag at nagkalat ang mga laman nito.

Mabilis siyang yumuko para hindi makita ang mukha niya ng kung sino man ang nakabanggaan niya dahil baka mapahiya na naman siya kagaya nung una siyang dinala dito ni Carl.

Agad niyang pinulot ang mga nagkalat niyang gamit habang pilit na iniiwas ang mukha sa taong naka banga sa kanya at tumayo din kaagad matapos maibalik sa bag ang mga nahulog niyang gamit.

Dali-dali siyang umalis dahil baka mamaya ay mag iskandalo pa doon ang nakabanggan niya lalo na ng marinig niya ang pagmumura nito kagaya ng babaeng aksedente niyang nabangga sa loob ng coffee shop noon.

Nakakainis ang bunganga ng babaeng iyon pero hindi na lang niya iyon pinatulan dahil ayaw niyang lumaki pa ang gulo.

"Anong nangyari sayo?" Nagtatakang tanong ni carl sa kanya ng mapansin ang medyo namumutla niyang mukha at halos hindi mapalagay ng makalapit siya dito.

His Deceiving Way: Aiken GandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon