Chapter 10

15.8K 460 9
                                    

Now what Magenta? Saad ng isip niya dahil hindi na niya alam kung ano ang gagawin ngayon oh sasabihin sa narinig niya. Ang akala niya ay yun na ang huling pag kikita nila ng lalake but she was wrong, hindi niya aakalain na ito pala ang Anak ng nag mamay-ari ng school kung saan siya nag tuturo ngayon.

"Dep Ed ang nag papasuweldo sayo." Saad ng isip niya.."Pero ito parin ang anak ng may ari ng school na ito." Sabi naman ng kabilang bahagi ng kanyang isip.

"Mabuti na lang at hindi nakamamatay ang talim ng tingin mo miss Ortiz dahil baka kanina pa ako nalagutan ng hininga dito, kung klase ng paghanga ang ipupukol mo sa akin ay baka sakaling may pag asa ka pa." Pag bibiro nito kunwari ngunit ramdam niya ang pagiging hambog at pang-aasar ng walang hiya na sinabayan pa ng kindat.

Tumawa siya bahagya ngunit mapang-asar. Hindi siya papayag na magpatalo dito.

Tinaasan niya ito ng kilay sabay pasadan ng tingin mula ulo hanggang paa. Naiinis siya dahil wala siyang maipipintas dito dahil ang perfect ng physical ng gago at ng ituon niya ang tingin sa mukha nito ay nakita niya ang kayabangan sa mukha nito kahit hindi magsalita.

Ngumisi siya at akmang babarahin ito ngunit biglang sumulpot si carl mula sa likuran niya.

"Funny Joke Mr Gandy." Sabat ni Carl na biglang sumulpot sa kanyang likuran bago siya inakbayan. "Miss Ortiz is already take in." Nakangiting sabi ni Carl. "Anyway I'm Carl Tores, nice to meet you sir." Sabay taas nito ng kamay upang makipag shake hands pero hindi ito pinansin ni Aiken dahil nakatutok parin ang mata nito sa kanya not exactly sa kanya kundi sa braso ni Carl na nakapatong sa balikat niya.

Naramdaman niya ang pagpisil ni Carl sa balikat niya kaya nilingon niya ito at nakitang naka tingin ito sa kanya hanggang sa napansin niya na tila may sine-sinyas ito gamit ang tingin kaya nginitian niya ito pabalik saka iniligay ang kanang braso niya sa baywang ni Carl.

"Carl is right Sir, siguro kung wala kaming anak ni Carl at dalaga pa ako baka siguro magka- crush din ako sayo, but sadly, I'm too old for that." Natatawang sabi niya pero sa totoo lang subrang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa kaba.

"Really..." Naka ngising sabi nito ngunit ramdam niyang parang may binabalak ito dahil sa klase ng ngiti nito.

Sa isang taon niyang pag tatrabaho bilang secretary nito ay alam na alam niya kung ano ang tumatakbo sa utak ng dati niyang amo.

Nakakatakot.

Tumikhim si mr. Sanchez at inaya silang pumasok sa opisina nito kaya nagpaalam na siya kay carl para sumunod sa tatlo.

Halos kalahating oras din ang meeting nila dahil maraming tanong ang dati niyang boss at si mrs romana na head ng dep-ed kaya kahit gusto na niyang lumabas dahil sa klase ng titig ni Aiken ay nag tiis siya.

Ilan pang saglit ay natapos na rin ang meeting kaya agad siyang nag excuse dahil hindi na kaylangan pa ang presensya niya doon kaya lumabas narin siya sa opisina ni mr. Sanchez.

Natanaw niya si carl na naka upo sa isang bench at ng makita siya nito ay agad itong ngumiti saka tumayo at sinalubong siya.

"Hindi kaba sasabay uuwi? " tanong nito ng makalapit ito.

"Hindi na muna Carl, mauna kana may aayusin pa ako sa library, gusto ko na kasing matapos ang mga test paper ng mga studyante ko, nakakatamad din kasing dalhin sa bahay isa pa gusto ko kapag nasa bahay ako iyung oras ko ay para lang sa mga anak ko.

Ngumiti naman ito saka tumango.

"Okay, huwag kang magpapagabi. siya nga pala mag papaalam sana ako sayo." seryuso nitong sabi.

"Mag papaalam para saan?" Nagtataka niyang tanong.

Bumuntong hininga muna ito bago nag salita.

"Pupunta ako ng palawan mamaya dahil nagka problema doon sa dinisenyo kung rest house, may gusto daw papalitan ang owner ng Villa resort." Napapailing na sabi nito. "Nakakainis nga eh, ngayon pa nag bago ang isip samantalang kunti na lang ay matatapos na ang rest house na iyun, Palibhasa mayaman kaya parang baliwala lang sa kanya ang perang nagagastos."

Tumawa naman siya dahil sa sinabi nito.

"Nagtaka kapa, normal na yan sa mga mayayaman, baliwala lang yan sa kanila ang perang winawaldas nila lalo na iyung mga bilyonaryo."

"Mga hambog lang sila kamo." Sabi pa nito.

"Hayaan mo na, pera nila iyun, so gawin mo na lang ang trabaho mo para mas lalo kapang sisikat bilang isang magaling na architect."

"Tssk... uutuin mo pa ako, payakap na lang baka ma-miss kita doon eh." pagbibiro nito

"Sus! nag papalambing ka lang." natatawang sabi niya sabay yakap niya kay Carl. "Mag iingat ang mga babae sayo."

"Gross! sa daan pa nag lalandian, what a shame! akala ko pa naman totoo ang sinabi ni Mr Sanchez na magaling na teacher at good influence para sa mga bata. I think he's wrong.. Tssk." Narinig nilang boses mula sa hindi kalayuan kaya mabilis siyang kumawala sa pagkakayakap kay Carl at nilingon ang nagmamalinis.

"Anong sinabi mo?" Akmang susugurin ito ni Carl pero mabilis niyang inawat ito.

"It's okay Carl, sige na ako na ang bahala dito baka malate kapa." Naka ngiting sabi niya kay Carl.

Gusto pa sana nitong tumutol pero tinanguan niya ito bilang senyalis na okay lang siya.

"Fine, ingat ka dito." Kaya tumango siya.

"Salamat ikaw rin, sige na alis na at baka malilate kapa sa flight mo." Sabi niya.

Tumango naman ito saka humalik sa pisngi niya bago tinungo ang sasakyan nito.

Nilingon pa siya nito bago binuksan ang pinto ng kotse at kumaway bago sumakay at pinasibad. Nang makaalis na si Carl ay saka niya nilingon ang lalakeng walang modo na akala mo kung sinong malinis.

Nginitian niya ito ng ubod ng tamis at kulang na lang umabot sa taynga niya ang ngiti.

"Oh! hi sir! Kayo po pala, akala ko pa naman may ingkanto dito na nag sasalita eh." Sabay tawa niya ng mahina." Oh pa'no po sir, mauuna ako dahil marami pa akong dapat tapusin eh." paalam niya sabay yuko bago umalis at nag tungo sa library para ayusin ang mga book na nag kalat doon at mag check ng test paper.

Lumipas ang ilang minuto ay naginat siya ng katawan dahil naramdaman niyang medyo nangalay ang kanyang likod matapos ang pag liligpit ng mga libro at pag pupunas ng mga lamesa na samahan pa ng mga kalat ng mga bata na tumambay sa library.

Matapos niyang ayusin lahat ng mga kalat ay sinunod niya ang kanyang mesa para ayusin ang mga papel doon bago siya nag hugas ng kamay para sa mga test paper na e che-chek niya.

tumingin muna siya sa orasan bago umupo sa bangko at sinimulang e check isa isa ang mga papel, napangiti siya ng makita ang dalawang test paper ng mga Anak niya at masasabi niyang napaka proud niyang ina para sa dalawa nakakatuwa dahil parihong matalino ang mga anak niya.

Napahagalpak siya ng tawa ng makita ang drawing ni Arcken, hindi niya alam kung isda ba ang drawing nito oh kabebe na may mata at palikpik.

"Pambihira" natatawa parin niyang sabi.  sunod niyang  ene-check ay ang kay Cindy,  hindi niya mapigilan na humanga sa bata dahil napaka bata pa lang nito ay magaling na itong mag drawing kumpara sa drawing ni Arcken." I'm so proud of you baby Cindy at sa kuya mo." Nakangiti niyang sabi ng matapos niyang e check ang dalawang test paper ng mga Anak niya.

Nagsalubong ang kilay niya ng maamoy ang pamilyar na pabango mula sa pinto kaya mabilis lumipad ang tingin niya patungo doon at ng makita ngang tama ang nasa isip niya ay agad nagtaas ang isang kilay niya habang nakatingin sa nilalang na nakatayo sa hambana ng pinro habang naka sandal at naka pamulsa na nakatitig sa kanya.

Anong ginagawa nito dito?" Tanong ng isip niya.

His Deceiving Way: Aiken GandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon