MABILIS na pinatakbo ni Aiken ang kotse papunta sa malapit na coffee shop para e check iyon dahil tatlong taon na rin niyang hindi ito napupuntahan, isa pa nagugutom na rin siya matapos niyang dalawin ang hacienda at iba pang pagaari ng kanyang Ina na namana nito sa Lola niya. Isang lugar na lang ang hindi pa niya napupuntahan ang lugar kung saan ipinatayo ng kanyang ina ang mga skuwelahan para sa mga batang hirap makapag aral sa syudad.
Itinigil niya ang kotse sa parking lot saka inabot ang cellphone na nasa dashboard bago lumabas ng kotse.
Nakatuon ang mata niya sa cellphone dahil tinitext niya si Nicholas habang naglalakad papasok sa coffee shop pagkatapos ay tinawagan niya ito dahil may itatanong siya dito ngunit may bigla na lang na bumanga sa kanya na muntik pang ikahulog ng kanyang cellphone kung hindi lang naging mabilis ang kamay niya upang saluhin ito.
Napamura siya dahil sa inis at akmang sisigawan niya ito ngunit tila na umid ang dila niya ng maamoy ang pamilyar na pabango na dahilan kung bakit biglang nagwala ang dugo sa kanyang mga ugat at bumilis ang tibok ng puso niya.
Alam niyang maraming kapareho ang pamilyar na pabango at maraming gumagamit nito ngunit iisang tao lang ang nagpapabaliw sa kanya ng amoy na iyon kahit pa na naaamoy niya iyon sa iba.
Tila na bato siya sa kinatatayuan habang nakatingin sa babaeng naka yuko na tila pilit tinatago ang mukha habang pinupulot ang mga gamit nitong nagkalat.
"Zup old man!" narinig niyang boses mula sa kabilang linya na nag pabalik sa kanya sa katinuan ngunit kasabay din nito ang pagkawala ng babae sa harapan niiya.
Nagsalubong bahagya ang kilay niya na tila nagtataka sa biglang pagkawala ng babae hanggang sa mabilis niyang inilibot ang tingin sa paligid upang hanapin ang babae ngunit tanging likod na laman niya ang nakita niya habang papalayo ito.
Susundan na sana niya ang babae ngunit sa kasamaang palad ay may naapakan siyang bagay na dahilan ng pagkadulas niya at na una ang pang upo na bumagsak sa sahig.
"Fuck!" Malakas niyang mura habang namimilipit sa sakit ang pang upo niya." Damn it!" Nangigigil niyang mura ulit habang ang mga customer na nakakita sa nangyari ay nagpipigil ng tawa.
Sinamaan niya ng tingin ang mga customer na nakatingin sa kanya bago binalingan ang kung anong bagay na naapakan niya.
"Fuck you too, old man!" Pag mumura din ni Nicholas sa kanya mula sa kabilang linya dahil sa pag-aakala nito ay siya ang minumura niya.
Mabilis niyang dinampot ang cellphone na naka loud speak bigla na marahil ay aksedente niya itong napindot ng madulas siya.
"Shut up Asshole!" inis niyang asik dito bago tinignan ang naapakan na nag dala sa kanya sa kahihiyan ngayong araw. Mas nag salubong pa ang kilay niya ng makitang isang card iyon at ng pulutin niya iyon ay ganun na lamang ang paglawak ng kanyang ngisi ng mabasa ang pangalan ng owner ng card. "Kita mo nga naman ang swerte." Sabi niya habang titig na titig sa mukha ng babae na nasa I'd at pinitik pa iyon. "I will make sure that you will pay twice for what you did to me, Woman."
Lumipas ang oras matapos tignan ang lagay ng coffee shop ay bumeyahe siya ulit ngunit ng nasa kalagitnaan siya ng beyahe ay may biglang sumulpot out of nowhere na batang babae sa gitnan ng daan kaya mabilis niyang inapakan ang break ng kotse
"Tang***!"Nanggigigil na mura niya sa sarili habang puno ng katanungan ang isip kung ilang tao paba ang mababangga niya ngayon araw na ito.
Lumabas siya sa kotse para tignan ang batang babae na biglang tumawid sa daan para pagalitan sana ngunit ganun na lang ang kaba niya ng makitang nasa ilalim ito ng kotse habang hindi gumagalaw.
BINABASA MO ANG
His Deceiving Way: Aiken Gandy
RomanceHOT PRINCE: SERIES 1 September 4 2018 to December 12, 2018 Revision: February 07, 2023