Chapter 16

14.9K 407 18
                                    

Hello everyone! Guys marami akong inayos bawat chapter ng story na ito marami akong inalis at binago pero ganun din ang idinagdag kaya worth it din basahin😅 char anyway enjoy reading!

"Wow! Ito po pala ang boracay mommy? ang ganda!" Manghang savi ni Cindy habang nakatanaw sa dagat mula sa balcony ng hotel na tinutuluyan nila.

Nakangiting tumango siya bilang tugon dahil maski siya ay namamangha rin sa mga magagandang tanawin sa labas, isa pa first time din niyang maka punta dito.

Kahapon ang sabi sa kanya ni aiken ay mamasyal sila at inakala niyang sa mall lang sila pupunta oh hindi kaya ay sa amusement park ngunit hindi niya inaasahan na sasakay ulit sila ng helicopter. Nagulat siya noong una dahil bakit sasakay sila ng helicopter at ng tanungin niya ito kung saan sila pupunta ay tanging 'you will see' lang ang tinugon nito hanggang sa nasa himapapawid na sila at dumako dito sa boracay.

Sa totoo lang ay hindi niya ito inaasahan na dadalhin sila dito ni Aiken kaya magpag sa hanggang ngayon ay gulat parin siya ngunit nahahaluan ng tuwa at kilig dahil sa ganda ng lugar.

"Mommy puwede ng maligo?"Tanong ni Cindy dahil excited na itong mag tampisaw sa dagat mula kanina ng dumating sila dito.

"Mamaya na lang anak subrang init pa sa labas baka masunog ang balat mo." Sabay haplos sa buhok ng bata.

Napanguso naman ito ngunit walang sinabi at sa halip ay muling bumaling ang tingin sa labas.

Napangiti siya at muli rin bumaling sa labas. kahit may dala siyang SPF lotion ay ayaw parin niyang umasa doon isa pa ay baka sumakit din ang ulo nila dahil sa init ng araw.

"Mommy! bakit ang daming naka hubad?" takang tanong ni Arcken habang naka tingin sa mga foreigner na naka two piece.

"Ganito talaga dito anak." Tugon niya dito

"Bakit doon sa probinsiya mommy wala naman ganyan?" Saka ito bumaling sa kanya na bahagyang nagsasalubong ang kilay at punong puno ng panguusisang mata.

"Anak, iba ang buhay dito kumpara sa pobinsya, doon sa atin conservative ang mga tao. dito naka sanayan na nila ang mag suot ng ganyan kaya normal na sa kanila ang mga ganyang kasuotan.

"Mommy, mag susuot karin ba ng bikini at bra like them mamaya?" Sabat naman ni Cindy.

"Hell no!" Biglang sabat ni Aiken." Hindi mag susuot ang Mommy mo ng ganyan Young lady, never!"

"Tayo daddy, brief?" Tanong naman ni Arcken.

"Puwede rin Young man, but it's better trunks than brief." Nakangisi pang sabi ni Aiken.

"Okay, how about Mom?" Arcken asked again.

"Pajama ang isusuot ng Mommy niyo." Nakaiinis na ngisi nitong sabi bago nilapitan si Cindy para pa upoin sa bangko.

"Wow! Sino naman ang tanga na maliligo sa dagat na naka pajama? Gusto mo ba na pagtawanan ako ng mga tao dyan?" Naka simangot niyang sabi dahil hindi niya matatanggap na maliligo siya sa dagat na naka pajama.

"Seriously? Andaming naka bikini dito tapos ako mag papajama lang? Ano yun tanga lang?" Anang isip niya habang nakatingin sa mga babaeng naka bikini. "No way!" Sabi niya sabay irap "Kung gusto mo ng naka pajama ikaw na lang"

"Okay, I'll let you wear bikini pero ipapasara ko itong resort na ito para walang makakita sayo." Seriousong saad nito.

"Nasisiraan ka ba ng ulo? andaming turista na nag bayad ng malaking halaga para lang maka punta dito tapos ipapasara mo lang?"

"I don't care." Masungit nitong tugon.

"Bakit, ikaw ba ang may ari ng resort na ito?" Pang hahamon niya ngunit mayabang itong ngumisi.

His Deceiving Way: Aiken GandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon