Chapter 9

15.7K 450 10
                                    

IT'S BEEN THREE WEEKS since their unexpected meet with Aiken, ang malala pa ay sa harap mismo ng kanyang bahay at pakiramdam niya sa mga oras na iyon ay halos malagutan siya ng hininga dahil sa kaba, hindi sa kasalanan niya sa binata noon ang kabang nararamdaman niya kundi kay Arcken at sa kaya nitong gawin.

Puno ng pangamba ang nararamdaman niya dahil sa kanyang Anak, paano kung malaman nito na nag bunga ang gabing nangyari sa kanila? paano kung kukunin nito ang anak nila at ilayo sa kanya? Tiyak na hindi niya iyon kakayanin kung sakali man.

Napasabunot siya sa sariling buhok  dahil sa mga katanungan na maaring mangyari sa kanila ni Arcken.

"Oh god please, don't let him know dahil hindi ko kayang mawala sa akin ang Anak ko." Tahimik niyang dalangin saka huminga ng malalim.

Pasalamat na lang siya noon dahil hindi si Arcken ang lumabas sa bahay kundi si Cindy, naalala pa niya yung araw na iyun kung paano mag salubong ang kilay nito habang nakatitig kay Cindy dahil sa pag tawag ni Cindy sa kanya ng Mommy.

FLASH BACK

"Mommy!" Exited na tawag sa kanya ni Cindy habang tumatakbo ito papalapit sa kanya bago yumakap sa kanyang binti ng makarating ito sa kinatatayuan niya. "Mommy pinaligoan po ako ni Lola para hindi ka raw po magalit." Nakangiti nitong sabi habang nakatingala sa kanya.

Tipid na nginitian niya ito saka hinawi ang bangs nito pataas. "Good girl, pasok ka muna sa loob.." kinakabahan niyang utos dito.

"Opo." Sagot nito saka tumango at pinulot ang isa sa mga plastic bag na may magaan na laman para dalhin sa bahay ngunit natigilan ito ng mapansin ang lalake na nakatayo malapit sa kanila.

Tiningala ito ni Cindy at tinitigan bahagya ngunit kaagad binitawan ang hawak nitong plastic at nagtago sa likod ni Magenta habang nanlalaki ang mata ng makilala ng tuluyan ang lalake

"Mommy siya yung inaway ni kuya kanina dahil sinigawan niya si Lola." Mahinang sumbong ni Cindy.

Natigilan siya at pakiramdam niya ay parang binuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Cindy. Ibig sabihin ay nagkaharap na ang dalawa? Nagkausap? Nagkakilala? Anong gagawin niya?

Natataranta siya dahil hindi niya alam ang isasagot sa mga katanunga sa kanyang isip.

Bahagya niyang nilingon si Cindy sa kanyang likod bago sinulyapan si Aiken saka muling bumaling ulit kay Cindy.

"Pumasok kana sa loob cindy." Her voice is shaking dahil sa takot.

"Okay Mommy, dalhin ko na po yung ibang dala mo Mommy para kunti na lang po yung dadalhin mo." Sabi pa nito saka pinulot ang dalawang plastic bag na may laman na junk food at pizza.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya habang pilit na itinatago ang pangamba sa kanyang boses. Hindi maaaring kunin nito sa kanya basta ang anak niya, magkamatayan muna.

"So you have a daughter huh?" Biglang sabi ni Aiken habang nakasunod ang mata kay Cindy na nag lalakad papasok sa bahay.

"None of your business mr Gandy, Makakaalis kana." Walang imotion niyang sabi.

Tumingin tingin ito sa paligid na tila nag o-observed bago siya nito ulit binaling ng tingin at hindi pinansin ang pagtataboy niya dito.

"So you are Living here."  Saka tumingin sa bahay kung saan pumasok si Cindy." Tssk.. chaos, It's too dangerous." Muli nitong sabi habang pinapasadan ng tingin ang paligid lalo na sa mga lalakeng tambay habang nag iinoman.

Bumuga siya ng hangin dahil sa pag pipigil niya ng inis para sa lalake hindi rin niya  alam kung bakit ito narito at kung ano ang ginagawa nito dito basta ang alam niya ay halos lumabas na ang puso niya dahil sa kaba sa kaisipan na baka alam na nito na may anak sila lalo na't malaki ang pagkakahawig nila ni Arcken.

His Deceiving Way: Aiken GandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon