HALOS mapatalon siya sa gulat ng biglang kumulog at kumidlat habang kumakain sila kasabay din nito ang biglang pagkawala ng ilaw sa buong kabahayan.
"May bagyo pala ngayon." sabi ng kanyang ina saka ito tumayo at binuksan ang emergency light na nasa tabi ng refrigerator.
"Buti na lang pala nakapag laba ako kahapon dahil tiyak na tambak ang lalabahan ko." Natatawang sabi ni Magenta
"Wow! bagyo! so walang pasok tomorrow, right, Mommy?" Excited na tanong ni Arcken.
Pambihira talaga itong batang ito, basta walang pasok napaka-active.
"I'm not sure anak, but it doesn't mean na makakatakas kana sa project at home work mo and-- no ipod." Naka ngiting tugon niya sabay kurot sa matambok nitong pisngi.
"Mommy nag sorry na po ako." Pangagatuwiran nito habang nag babanggaan na ang kilay.
"Yes I forgive you anak, pero hindi mo ako madadala sa pang uuto mo."
Tumawa naman si Cindy habang kinakantyawan si Arcken. "Poor kuya, no ipod"
"Shut up!" inis na sabi ni Arcken kay Cindy kaya pati magulang niya at ni Aiken ay natawa.
"Kunin mo rin ipod ni Cindy Mommy, para fair." pag mamaktol nito dahil hindi nito matanggap na talo.
"Apo, si Cindy ay nag aaral ng foreign language, eh ikaw puro ka YouTube kaya kung ano ano na lang ang lumalabas na bad words dyan sa bunganga mo." Sabat ng ginang
"Lola transformer lang naman pina panood ko eh, at malapit ng matapos yung mother fucker na kalaban."
"Jesus! Magenta! huwag mong ibibigay ang ipod ng batang yan, nako mapapalo ko iyang anak mo eh." Nanggigigil na sabi ng kanyang Ina.
"Pero Lola-"
"Just listen to your Mom and Lola, young man." biglang sabat ni Aiken kaya na tahimik na si Arcken na mag rereklamo pa sana ulit.
Lumipas ang oras at nasa sala sila ngayon habang nagpapahinga matapos ang hapunan nila.
Bumaling sa kanya ang ina saka sinulyapan si Aiken bago siya nito tinanong na pabulong.
"Wala bang balak na umuwi yang lalake na iyan anak?" Kunwaring bulong ng kanyang ina ngunit tiniyak nitong maririnig iyon ni Aiken na ngayon ay tinuturan ang dalawang bata ng kung ano sa ipod ng mga ito.
"Ma, ano ba naman kayo!" Saway niya sa kanyang Ina habang naka upo sila sa Sofa at umiinom ng tea. "Alam nyo naman po na dilikado sa daan dahil sa bagyo isa pa tiyak na baha na naman ngayon sa daan kaya malabong makakadaan siya.
"Eh anong pakialam ko? isa pa pabor na nga yun sayo pag na aksedenti yan." Bulong ulit nito.
Napabuntong hininga siya sabay iling bago bumaling sa tatlo na ngayon ay nagtatawanan na.
"Iwan ko sa inyo ma, umaataki na naman yang kabrutalan mo."
"Bakit ba? baka nakakalimutan mo na siya ang nag palayas sa amin doon sa probinsiya." Inis na sabi ng kanyang ina sabay pinanlakihan pa siya nito ng mata." Tika nga, kanina ko pa napapansin yang pagtatangggol mo sa lalakeng yan magenta. sabihin mo nga sa akin, may gusto ka pa ba dyan sa tatay ng anak mo? May nangyari ulit sa inyo." Medyo napalakas na boses na tanong ng kanyang ina kaya sabay silang napa-ubo ni Aiken na marahil ay nakikichismis lalo na ng makita niyang sumulyap ito sa kanya na may lihim na ngisi.
"Grabe ka naman mag isip mama. Oo may nang yari sa amin doon sa Library pangalawa sa loob ng kotse niya bago kami nakarating dito." sa isip niyang sabi. "Alam niyo ma, itulog mo na lang yan, masyado kang advance mag isip. "Pag kukunwari niya dahil asa pang aamin siya.
BINABASA MO ANG
His Deceiving Way: Aiken Gandy
RomanceHOT PRINCE: SERIES 1 September 4 2018 to December 12, 2018 Revision: February 07, 2023