Naalimpungatan si Magenta ng makaramdaman siya ng malamig na hangin na tila humahaplos sa kanyang mukha habang natutulog siya ng hapon iyon kaya bumangon siya kahit masakit parin ang katawan niya saka siya umupo sa gitna ng kama habang hawak hawak ang dibdib dahil sa kabang hindi niya maipaliwanag tatlong araw na ang nakalipas pakiramdam niya ay nangungulila siya sa hindi malamang kadahilanan.
Muli siyang humiga sa kama dahil medyo masama ang kanyang pakiramdam mula ng bumalik sila sa baguio naiinis siya dahil sa masamang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag.
Gising na gising na ang mga anak niya pero siya hindi parin niya magawang bumangon dahil sa ilang araw na niyang nararamdaman na kakaiba sa katawan niya isama na doon ang pag susuka at kadalasan na pananakit ng kanyang ulo.
"God." Usal niya kasabay ng pag patak ng munting luha sa kanyang pisngi.
Hinawakan din niya ang kanyang dibdib dahil ayaw parin tumigil ng puso niya sa bilis ng tibok nito kasabay ng sakit ng maalala niya ang dahilan kung bakit siya nasasaktan ngayon.
Napaigtad siya ng may biglang kumatok sa pintoan ng kuwarto niya na tila balak gibain dahil sa lakas nito.
"Magenta! Magenta!" Sigaw ng kanyang ina mula sa labas ng kuwarto. "Magenta!" Muling tawag nito sa kanya.
Mabilis siyang napabangon at napaupo sa kama ng marinig ang hagolgol ng ina gusto niyang tumayo ngunit nahihilo parin siya.
"Magenta!" Muling tawag ng kanyang ina.
"Diyos ko!"Kinakabahan niyang usal saka siya pilit na tumayo at tinungo ang pinto upang buksan ito. "Ma, anong nangyayari? Si Papa? Nasaan si Papa may nangyari ba sa kanya?" Natataranta at naiiyak din niyang sabi. "Papa! Papa!"
"Magenta!" Tawag sa kanyang ina.
"Mama si papa? Anong nangyayari bakit ka umiiyak?" Umiiyak narin niyang sabi.
"Hindi anak, Walang nangyari sa papa mo." Pigil naman sa kanya ng kanyang ina ng halos takbohin niya ang kuwarto ng kanyang magulang.
"Eh bakit po kayo umiiyak? " Halos pasigaw niyang tanong dahil parang namatayan ng kaanak kung makaiyak ang kanyang ina. "Nasaan si papa?"
"Nandito ako Anak." Sabat ng kanyang ama na kakapasok lang sa loob ng bahay.
Napahinga siya ng maluwag dahil akala niya kung ano na ang nangyayari.
"Wala naman palang nangyari kay papa na masama eh, bakit po kayo umiiyak ng ganya? tinakot niyo ako akala ko kung ano na ang nagyari kay papa." Reklamo niya sabay sapo sa noo.
"Sino ba kasing may sabing may masamang nangyari sa papa mo?" Mataray na na sabi ng kanyang ina.
Napatanga siya sa ina habang nagsasalubong bahagya ang kanyang kilay.
"Ma, sa hagolgol mo pa lang nakakatakot tapos kung makakatok ka ng pintoan akala mo kung may emergency na sinong hindi kabahan?"
"Kasalanan ko bang tanga ka? hindi mo muna ako pinatapos mag salita bago ka ngumangawa!" Anang ina niya na nakapag pataas ng kilay niya dahil ayaw nitong magpatalo
"Eh bakit po kayo umiiyak?" May halong inis na tanong niya.
"Aiken is in the hospital." Biglang sabat ng lalake mula sa likuran niya.
"Anong sinabi mo?" Tila nabibinging tanong niya kahit napakalinaw sa pandinig niya ang sinabi ng lalake pero ayaw niyang maniwala
"He got accident that night when he found out that you left him. Balak niya sanang surpresahin ka nung pauwi na siya pero sa kasamaang palad ay na accedenti siya at nabangga ng malaking track ang sinasakyan niyang kotse." Paliwanag pa nito.
BINABASA MO ANG
His Deceiving Way: Aiken Gandy
RomantikHOT PRINCE: SERIES 1 September 4 2018 to December 12, 2018 Revision: February 07, 2023