Chapter 2

17.8K 504 7
                                    

Nakatitig si Magenta sa kanyang sarili sa harap ng salamin habang sinusuri ang kanyang kasuotan na simpleng bistida na kulay asul na hanggang tuhod ang haba. Nang makuntinto siya sa suot ay saka siya lumabas dahil nag hihintay na sina rosana at ang asawa nitong si alven sa labas ng bahay niya para sabay na silang pumunta sa bahay ng pinsan ng asawa nito.

Kahit hindi siya bahagi ng pamilya nila alven ay inimbitahan parin siya ng mga ito dahil sa pagiging malapit na magkaibigan nila ni alven at rosana, ika nga ni alven ay kapatid na ang turing  sa kanya nito dahil wala naman daw itong kapatid na babae dahil nag iisang anak lang ito at higit sa lahat, gusto siyang amponin ng magulang ni alven.

Nakakatuwa dahil ang babait ng mga magulang ni alvin at masiyahin na kahit hindi sila magkadugo ay itinuring siya ng mga ito na parang isang tunay na anak. May kaya rin sa buhay ang pamilya nila alven, pero ni minsan ay hindi ito nag mataas sa kapwa nila at ni minsan ay hindi rin niya ito nakitaan ng panghuhusga sa mga taong kagaya niyang mahirap.

Medyo kinakabahan siya dahil ngayon lang niya makakasalamuha ang ibang kamag anak nila alven, at higit sa lahat siya lang ang naiiba dito dahil wala naman siyang connection dito maliban lang sa pagiging malapit na magkaibigan nila rosana at alvin.

"Diyos ko, ano ba naman ito?" Kinakabahan na usal niya ng matanaw na niya ang kabilang kanto kung saan magaganap ang pagtitipon ng mga ito para sa party ng pinsan ni alven na kadarating lang mula sa America.

"Hoy Magenta! halika na, baba na dyan girl ano kaba! para kang tanga dyan na nakatunganga lang eh" Tawag sa kanya ni rosana na nakayuko upang silipin siya sa backseat. Napakagat labi siya dahil hindi man lang niya namalayan na nakababa na sa kotse ang mga ito.

"Ha? A..ano.. ano kasi...." Hindi niya masabi ang gustong sabihin dahil kinakabahan siya. Oo nga at mabait ang magulang ni alvin pero hindi siya sigurado sa ibang kamag anak ng mga ito, baka kutyain siya at insultuhin.

"Nahihiya ka?" Pag tutuloy nito sa gusto niyang sabihin kaya tinanguan na lamang niya. "Sus! ang arte mo! ano kaba, hindi naman yan sila nangangain ng tao eh."

Natawa siya dahil sa sinabi nito.

"Sira! Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin, nahihiya ako dahil puro kamag anak niyo ang nandyan tapos ako lang ang naiiba."

"Aba teh, ano ang akala mo sa akin?"Mataray nitong sabi.

"Sige na Magenta, bumaba kana huwag kanang mahiya." sabat ni alvin sa pag tatalo nila ni rosana.

"Kita mo na? pati si mr. pinapababa kana, kaya bumaba kana dyan at mag pakapal face na tayo, huwag kanang mahiya dahil maski ako ay sampid din dito" Tumatawang sabi nito na ikinatawa din nila ni alven dahil sa kalokohan ng asawa nito.

"Gaga! anong sampid? ikaw asawa ka ni kuya alven. eh ako? sino ba ako? wala! Oo nga at gusto akong maging anak ng magulang ni kuya alven, pero hindi ibig sabihin ay sapat na iyon no, nakakahiya parin."

"Hala! Grabi sya oh." Saka tumayo ito ng tuwid at namaywang.

"Rosana, ihja! bakit andyan pa kayo? bakit hindi pa kayo tumuloy sa loob?"sabi ng ginang na biglang sumulpot sa likod ni rosana na dahilan ng ikinaigtad nito dahil sa gulat.

"Diyos ko naman tita! nangugulat kayo eh.."reklamo ni rosana sabay hawak sa dibdib.

"Kasalanan ko pang magugulatin ka? Ako pa ang sisihin mo eh mukha kang may pinoproblrema dyan. tika, sino ba yan sa loob ng kotse? " tanong ng ginang.

"Tita, kaibigan ko po, ayaw bumaba nahihiya daw eh." Sumbong ng bruhang rosana.

"Nako, bakit siya mahihiya, hala sige pababain mo na iyang kaibigan mo at nang makapasok na kayo sa loob." utos nito kay rosana bago sumilip sa backseat."bumaba kana dyan ihja, sige na at huwag kanang mahiya." Saka nito binuksan ang pinto ng kotse at hinila siya palabas. Tila nag ngingning pa ang mata nito ng makita siya ng tuluyan. "Ay, kay gandang babae pala nito eh!" Tila namamanghang sabi nito. "Anong pangalan mo ihja? "Naka ngiting tanong nito.

His Deceiving Way: Aiken GandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon