Part 1

39.5K 361 6
                                    

VALENCIA BROOD: JACOB

CHAPTER 1

NGINGITI-ngiti si Jacob habang pinanunood niya ang pag-uusap ng mga pinsan niya na sina Jillian at Megan sa garden ng Hacienda Catalina. Katatapos lamang magkarera ng mga ito. Natalo si Megan. Tulad ng nakagawian, kailangang ibigay o tuparin ng natalo ang ano mang kahilingan ng nanalo bilang premyo. At ngayon nga ay pinag-uusapan ng dalawang dalaga kung ano ang hihingin ni Jillian.

"What?!" narinig ni Jacob ang hindi makapaniwalang reaksiyon ni Megan sa kahilingan ni Jillian. Jillian must have already spilled the beans. Pigil ang ngiti na tumayo si Jacob mula sa kinauupuang balustre at patay-malisyang papasok na sana sa grand villa.

"Kuya Jacob!"

Natigil sa paghakbang si Jacob dahil sa pagtawag na iyon ni Megan. Nag about face si

Jacob. Nakita niya ang gusot na mukha ni Megan, si Jillian ay nakasimangot din sa kanya. "What?" tanong niya sa seryosong tinig. Animo wala siyang alam sa ipinagkakaganoon ng mga pinsang dalaga.

"What?" Pinamaywangan siya ni Megan. "What? Kung makaakto ka kala mo inosente

ka at wala ka talagang alam? Huh!" Hindi na napigilan ni Jacob ang amusement. A smile appeared on his lips. "Come here. You freak!" sabi pa ni Megan.

Nilapitan na rin niya ang dalawa. "Freak? Ako? Sa guwapo kong ito?" aniya ng makalapit.

"Guwapo nga torpe naman!" buska ni Jillian kay Jacob. Binalingan nito si Megan. "It was all his idea, Meg. Si Kuya Jacob ang may gusto na ang hilingin kong premyo sa 'yo ay ang date nila ni Blaire. Hindi naman ako makatanggi kasi isinusumbat niya sa akin ang mga pabor na hiningi ko sa kanya."

Jacob chuckled. Kinutsaba, o mas tamang sabihin na ginamitan nga niya ng blackmail si Jillian para pumayag ito sa nais niyang mangyari. He wanted to have a date with Blaire Sebastian---Megan's friend. At dahil natalo si Megan sa karera, wala itong magagawa kundi kumbinsihin si Blaire na pumayag sa date.

"Kuya naman," angal ni Megan. "Kung gusto mong i-date si Blaire, why don't you ask herproperly? Wait---Oh no!" Megan exclaimed when she realized something. Natawa si Jacob sa panlalaki ng mga mata nito. "Papaanong nalimutan ko...may boyfriend nga pala si Blaire. And...hindi ba at tinawagan mo ako para tanungin kong boyfriend pa ba ni Blaire si Paul? I said yes, 'di ba? So bakit gusto mong humingi ng date kay Blaire?"

"No, Meg," singit ni Jillian. "Hindi talaga date ang habol niyan kay Blaire. How can we forget the old days na inaasar niyan si Blaire."

Lalong nanlaki ang mga mata ni Megan. Kung nakamamatay lang ang matatalim na titig nito at mga irap ay baka kanina pa siya tumimbuwang. "Gusto mo lang inisin ang kaibigan ko. Kuya! Seriously?"

Ngumisi lang si Jacob bago niya inakbayan ang dalawang dalaga. "Let's make it clear, sweethearts. Hindi romantic date ang hinihiningi ko, okay? May boyfriend si Blaire. I am well aware of that. Ang date na hinihingi ko ay friendly date lang. You hear me? Friendly date lang. Hindi ko siya aasarin. Promise. Just convince her to have a friendly date with me. Okay?

"Hindi papayag si Blaire," agad na tugon ni Megan, sinamahan pa ng pag-iling.

"Exactly. Kaya nga kailangan ng blackmail. At ikaw lang, Meg, ang makakakumbinsi sa kanya," ani ni Jacob.

"Duda pa rin ako sa pakay mo," busangot na tugon ni Megan. Pagkuwa'y binalingan nito si Jillian. "Jill, iba na lang ang hingin mo..." ungot nito. "Huwag kang makinig diyan kay Kuya Jacob. Pang-asar lang 'yan eh."

Jillian shot a glance at him, silently pleading. Pero sinagot lang niya iyon ng kibit-balikat. Dahil doon ay inirapan siya ni Jillian. Napamot ng ulo si Jacob. "I'm sorry, Meg. Naka-oo na ako kay Jacob eh," ani ni Jillian. Alam ni Jacob na dahil sa ginawa niya ngayon ay hindi maaaring hindi siya gagantihan ng dalawa. Oh well, tsaka na niya iyon iisipin. Tulad nga ng sinabi niya, hindi pang-aasar ang pakay niya kay Blaire. In fact, he had something important to tell her. 

Valencia Brood Series Book 8: Jacob Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon