"TOTOO?!" nanlalaki ang mga matang tanong ni Paul. Hindi maipagkaila ang magkahalong gulat at kasiyahan sa mukha nito.
Nahihiyang tumango si Blaire. "Oo nga. Sinasagot na kita." Blaire smiled. Paul had been courting her for almost two years now. Sa totoo lang ay hindi niya ito feel noong una pero dahil sa tiyaga nito ay unti-unting napalagay ang loob niya sa binata. Magkaklase sila sa kursong accountancy sa Minscat o Mindoro State College of Agriculture And Technology bagama't taga bayan ng Bongabong si Paul. Guwapo ito at masasabing isa sa mga campus crush ng kanilang eskuwelahan. Sabi nila ay pabling daw ito pero wala namang nakikita si Blaire na ibang dinidikitan o nililigawan nito kundi siya. Isa pang espesyal kay Paul na nagustuhan niya ay hindi lamang ito sa eskuwelahan nanliligaw kundi maging sa bahay din nila mismo. Naipangako ni Blaire sa sarili na hindi siya magbo-boyfriend hangga't hindi nakakatapos ng pag-aaral. At natupad naman niya iyon dahil kani-kanina lamang ay umakyat na siya ng entablado at nagtapos.
"Yes, yes, yes!" sigaw nito na ikinatawa niya. Their co-graduates was eyeing them, cheering for them. "Sinagot na ako ni Blaire!" buong pagmamalaking anunsiyo ni Paul.
"Double celebration na 'yan, 'pre. Congrats!" sigaw ng isa at nagsigundahan ang pagbati ng iba pa.
Niyakap siya ni Paul. "Hindi ka magsisisi."
"Dapat lang," aniya at yumakap din dito. Si Paul ang kanyang first boyfriend. And she wishes that hopefully Paul will be the last.
Blaire smiled bitterly at that memory. Obviously hindi magkakaroon ng katuparan ang wish na iyon. Panay ang tawag ni Paul pero hindi niya sinasagot alinman sa mga iyon, maging ang mga messages nito ay binubura niya nang hindi binubuksan. She just needed some time to think. Isa sa mga araw na ito ay haharapin din niya si Paul. Pakikinggan niya ang paliwanag nito pero hanggang doon na lang iyon. There will be no second chances dahil napakasakit ng ginawa nito. He betrayed her. Cheated on her. Na kung wala pang nakakita na kakilala niya ay siguradong magpapatuloy ang panlolokong iyon.
"Blaire, anak, halika na at mukhang aambon," anang malakas na tinig ng kanyang Tiya Letty. Kapatid ito ng kanyang ama. Pagtatanim ng mga repolyo, carrots, cauliflower, at Baguio pechay ang pangunahing ikinabubuhay ng pamilya ng kanyang tiyahin. Bagama't pamamahala na lang ang ginagawa ng mga ito dahil malawak ang farm ng kanyang tiya at may mga inuupahang trabahador ang mga ito. Mag-uumaga na kahapon ng dumating siya. Habang nasa biyahe ay tumawag na siya sa mga ito at ipinagbigay alam ang kanyang biglaang pagdating. "Naglayas po ako. Si mama kasi pinagalitan ako. Magpaaaampon ho muna ako sa inyo ng isang linggo, okay lang po ba?" kunwa ay biro niya sa mga ito. Bagama't hindi nag-uusisa ng tunay na dahilan niya batid niya na nahihimigan ng mga ito na may dinaramdam siya. Why, they became very sensitive and attentive.
Tumingala si Blaire. Mukhang makakakapal na nga ang mga ulap. Hindi maglalaon at babagsak na ang mga iyon. "Susunod na po ako, Tiya," sagot niya. Naroon siya ngayon sa may likod-bahay kung saan may free flowing na poso. Dumadaloy ang tubig niyon sa isang man-made na sapa. Doon kinukuha ang tubig na ginagamit sa farm. Nakaupo ang dalaga sa isang bato at hinayaang nakalublob ang kanyang mga paa sa tubig. Umahon na siya at isinuot ang kanyang tsenelas bago tinungo ang malaking bahay. Pumasok siya ng bahay mula sa back door.
"Blaire, nagluto ako ng ginataang halu-halo. Paborito mo iyon, hindi ba?" anang kanyang tiya. Batid ni Blaire na isa iyon sa mga paraan ng mga ito para aliwin siya. Hindi naman siya nagmumukmok at umiiyak. Umaakto siya ng kaswal at normal. May mga pagkakataon lang na hindi niya maiwasang manahimik at mag-isip tulad ng nangyari sa sapa.
"Wow. Na-miss ko ang ginataang halu-halo ninyo, Tiya Letty. Hinaluan n'yo po ba ng langka?"
"Siyempre."
Nakangiting tinungo niya ang kalan. Naroon ang isang malaking kaserola na umuusok. Nilanghap niya ang aroma. "Hmm. Ambango. Maliligo lang po ako. Lagot sa akin 'yan."
Kuntentong ngumiti ang kanyang tiya. She was even teary eyed. "Sige. Ipagsasandok na kita sa isang malaking mangkok para lumamig na."
Yumakap si Blaire sa kanyang tiyahin. She considered her her second mother. Noong nasa abroad pa ang kanyang ina ay halos ito ang tumayong nanay niya. "Salamat, Tiyang."
"Kuh. Ikaw na bata ka. Wala iyon. Kahit ano gagawin ko basta bumalik ang sigla mo."
Blaire blinked away her tears. Nagpaalam na siya at nagtungo sa kanyang silid. She will
be okay. She will be. Hindi niya ikamamatay ang paghihiwalay nila ni Paul. Sa halip ay patatatagin pa siya niyon. Pero sa ngayon ay hindi niya ipagkakaila na malungkot siya, na mahina siya, at kailangan pa niya ng kaunting oras para mapag-iisa.
BINABASA MO ANG
Valencia Brood Series Book 8: Jacob Valencia (Completed)
RomanceJacob Valencia's story