BLAIRE let out a hefty sigh. Isa sa tatlong bagay na kagabi pa niya ginagawa. She was sighing audibly, staring at nothing, and couldn't stop herself from thinking.
Stop it, Blaire! sita niya sa sarili. Nagmamaneho ka, baka maaksidente ka. Focus!
Pero papaano ba siya makakapag-focus kung ukupado ni Jacob at ang halik na pinagsaluhan nila ang kanyang isipan? Hell. Halos hindi nga siya nakakuha ng tulog kagabi dahil paulit-ulit na umukilkil sa kanyang isipan ang nangyari. Kahit ng bumalik ang reyalidad sa kanya, kahit anong pagkakaila ang gawin niya, lagi siyang dumadating sa konklusyon na nagustuhan talaga niya ang halik ni Jaocb. It was sweet and intoxicating.
Hindi lang niya malaman kung bakit siya nito hinagkan. All right, sinabi nito na gustong-gusto nitong hagkan siya, pero bakit? Blaire, Blaire, Blaire...sabi ng tila napipikon na isip niya. Bakit ba gustong hagkan ng isang lalaki ang isang babae? May gusto siya sa babaeng iyon, for Christ sake! Or attracted, at least! Come on, don't think too hard.
Linggo niyon. Pagkatapos magsimba ay dumeretso siya sa Charlie's---isang highway restaurant, pag-aari iyon ni Charlie Valencia. She was there to meet someone. Pagkatapos maiparada ang kanyang kotse ay pumasok na siya sa Charlie's. Agad umasiste ang isang waitress sa kanya. Pinili ni Blaire ang unang bakanteng mesa na nakita niya.
"Mango shake..." Blaire lightly smiled. Kung kasama niya ngayon si Jacob, siguradong
nakatikim na naman siya ng panunukso. "Mango shake lang muna, please. I'm waiting for my company," aniya sa waitress. "And oh, if someone arrives and ask for Blaire Sebastian's table, kindly direct him to this table. Thank you."
"Sure, Ma'am."
Tumayo si Blaire para sana magtungo sa ladie's room. She's been there a few times kaya alam na niya ang lokasyon ng mga pasilidad roon. Someone caught her attention---the man who was busy invading her mind. Si Jacob. Okupado nito ang isa sa mga mesa kasama ang isa pang lalaki. They look as though they're talking about business. Unaware, muli siyang naupo sa kanyang silya at pinagmasdan ang binata. He was truly a sight to behold. At ang puso niya ay hindi na naman pantay ang pagtibok. Ganoon na iyon simula nang patikimin siya nito ng kamandag ng halik nito. Para siyang...nagayuma. Yes that's how she can describe best her sudden change of feelings.
Nakasuot si Jaocb ng long sleeve polo na nakarolyo hanggang siko ang manggas. Mukha itong seryoso. Nakatikom ang mga labi at bahagyang nakakunot ang noo. Iyong kaseryosohan na taglay ng mga batang negosyante. Iyon marahil ang dahilan kung bakit mababasa agad ang authority sa pagkatao nito. Idagdag pa ang prominenteng hugis ng jaw line nito. Kunsabagay, lahat naman ng mga Valencia ay nagtataglay ng ganoong personalidad. Kaya nga kung hindi mo ito kilala ay iisipin mo na suplado ang mga ito. Pagkuwa'y saglit niyang inilinga ang paningin sa paligid. Lihim na napapalatak siya. Walang duda, malakas talaga ang taglay na presensiya ng binata. Why, she caught some diner especially women glancing at Jacob's direction.
Tila may kung ano na nagbulong sa binata ng presensiya niya, tumingin ito sa kanyang deriksiyon. A hearty smile appeared on his lips in an instant. Pinalambot ng ngiting iyon ang kanina'y seryosong mukha nito. Tila nagkaroon ng mga mumunting ilaw na kumikinang sa mga mata nito. Tila ba nasindihan ang isang madilim na silid sa ngiting iyon. Nataranta si Blaire. Her cheeks flushed. Pagkatapos ng naganap kahapon ay hindi pa niya alam kung papaano pakikiharapan muli ang binata. Pero huli na para umiwas kaya tipid na ngiti ang ibinigay niya sa binata bilang pagbati. She was trembling inside, her stomach was quaking. Bakit hindi, nahuli siya nito na nakatitig rito. May sinabi si Jacob sa kausap, ang sunod na namalayan niya ay humahakbang na ito papunta sa kanya. Tumahip ang dibdib ni Blaire. Napansin lang niya na maging ang paglalakad nito ay nakakatawag ng atensiyon. He has the character. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng x-factor pero tila nagtataglay niyon ang binata.
"Hi," anito ng makalapit, nagniningning ang mga mata. Yumuko ito at dinampian ng halik ang pisngi niya. "Early lunch?"
"N-no. May kakausa---"
"Blaire..."anang tinig na nagpatigil sa pagsasalita ng dalaga. Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niya ang pagsulpot ng isang pigura sa kanyang tabi. It was Paul. Ito ang kakatagpuin niya roon. She looked at Jacob. Tumiim at nagngalit ang mga panga nito. Ang maliwanag na mga mata nito kanina ay tila kumislap sa galit. She could sense danger coming out from him. Nagtatanong ang tingin na ibinato sa kanya ng binata. At siya, bigla siyang nalito. She wanted to calm Jacob and assured him it was nothing. Na naroon lamang siya para kausapin si Paul.
Tumikhim siya. "Ahm, J-Jake, I think hinihintay ka na ng kasama mo." Iyon ang unang pumasok sa isip niya na agad naman niyang binigkas. At gusto niyang tadyakan ang kanyang sarili nang makita niya ang sakit na dumaan sa mga mata ng binata. Pain? Hindi, nagkamali lang siguro ako...
"Dismissing me, I see." Isang matalim na sulyap ang ibinato nito kay Paul bago tumalikod.
![](https://img.wattpad.com/cover/191426308-288-k13709.jpg)
BINABASA MO ANG
Valencia Brood Series Book 8: Jacob Valencia (Completed)
RomanceJacob Valencia's story