"EARTH on Blaire..." untag ni Megan kay Blaire, may kasama pang pagpitik sa harap ng mukha niya. Blaire blinked. Tsaka lamang niya napagtanto na naglalakbay na naman ang kanyang isipan. "Anong iniisip mo?"
Ang pinsan mo na si Jacob. Since that encounter in Charlie's, hindi na uli siya nagpakita sa akin. Funny, kung magsalita siya para bang napakatagal nang hindi nagpapakita sa kanya ni Jacob gayong kahapon lang nangyari ang pagkikita nila ni Paul! Eh kasi naman nasanay ako sa mga pangungulit niya, sa mga tawag, sa mga simpleng text...kaya ngayong hindi siya nagpaparamdam parang napakalaki ng nawala sa akin. Kulang ang araw kapag hindi niya naririnig ang tinig ng binata. She was...missing him.
"Hey!" muling untag ni Megan nang hindi siya umimik. "May dinaramdam ka ba?" Nag-aalalang tanong ng kanyang kaibigan. Dumating kahapon ng hapon si Megan. Tumawag ito sa kanya na magtanghalian umano sila sa labas. Pumayag naman siya at sinabing magkita na lang sila sa restaurant.
Umiling siya. "Work."
Umikot ang mga mata ni Megan. Pagkatapos ay umabante ito at tiim na tinitigan siya. "Sigurado kang dahil sa trabaho? I heard, ikaw at si Kuya Jake ay..." ipinakita nito sa kanya ang magkalayong hinlalaki at middle finger tsaka unti-unting pinagdikitin iyon. "Close na daw kayo. How do they call that? Sang...sanggang-dikit. Yeah. Anyway, is it okay to ask about your ex?"
Tumango siya, nagpapasalamat na dinala nito ang usapan kay Paul. Sana lang ay hindi nito napansin ang pamumula ng mga pisngi niya nang banggitin nito ang tungkol kay Jake. Oh yeah, alam niyang namumula ang mga pisngi niya dahil ramdam na ramadam niya ang pag-iinit iyon. Why not? Pumasok na naman sa isip niya ang tungkol sa halik.
Pagkatapos, na tila ba tinutukso siya ng pagkakataon, muntikan na siyang mabulunan nang umalingawngaw ang isang awitin mula sa flatscreen TV na binuksan ng isang staff. Ang halik mo! Nami-miss ko! Ang halik mo! Nami-miss ko! Bakit ini---Inilipat ng staff ang channel at inilagay sa isang cable channel.
Subalit, sa kasamaang palad ay na-LSS yata si Megan at itinuloy nito ang awitin. "Bakit iniwan mo ako, o-oh-oh. O-oh-oh-oh. Ang halik mo, nami-miss ko!" puno ng emosyon na pag-awit nito.
Halos masamid si Blaire dahil doon. Kinuha niya ang baso ng tubig at uminom, lalong nag-iinit ang kanyang mga pisngi.
"Sorry," tatawa-tawang sabi ni Megan. "Kung alam mo lang kung papanong bumirit kami kapag kumakanta ng Aegis song. Ah! Their songs are quite iconic, aren't they? It'll surely live for ages. So back with Paul---Oh no!" nanlaki ang mga mata nito. "M-may alaala bang bumalik dahil sa kantang iyon? I'm so sorry. I've been insensitive."
Yes, yes, damn it! "With Paul? No, no. I'm...I'm over with Paul."
"Really? Thank God!" bulalas nito. "By the way, alam mo ba inaasikaso na ni Kuya Jake ang bago niyang farm ngayon? Oh, of course, alam mo. Pupunta ako doon sa Sabado, sama ka ha."
Nabanggit na sa kanya ni Jacob ang tungkol sa pagbili umano nito ng farm pero hindi niya alam na nakapag-close na pala ito ng deal at nabili na nito ang lupang gusto. And she was never been there. "Ahm, I'm not available on Saturday," kaila niya. Kung gusto siyang papuntahin roon ni Jake dapat ay noon pa siya nito inimbitahan.
Bumakas ang disappointment sa mukha ni Megan. And Blaire did her best para mailiko ang usapan.
BINABASA MO ANG
Valencia Brood Series Book 8: Jacob Valencia (Completed)
RomantizmJacob Valencia's story