Part 4

11.8K 199 14
                                    

DESIMULADONG napalunok si Jacob. His heart was wildly beating against his chest. Naramdaman din kaya ni Blaire ang kakaibang pakiramdam na iyon nang mag-ugnay ang mga mata nila at magdikit ang mga palad nila? Because he's feeling it.

Two years na pala ang nakakaraan mula ng huli niyang makita si Blaire. Ilang buwan na nakakaraan mula ng marinig niya mula kay Megan na bumalik na umano si Blaire sa bayan nila. May mga pagkakataon na dumadaan siya sa building na ito sa pag-asam na makita ang dalaga. But to no avail she was always nowhere in sight. Hindi naman ganoon katindi ang urge na makita niya ang dalaga para abangan ito o sadyain pa. Maliban kanina. Kaya naman agad siyang nagpaalam kay Flint matapos ang ribbon cutting ng coffee shop nito. Bumili siya ng kape at doughnuts at agad ng dumeretso dito.

Two years had been good to her. Napakaraming pagbabago sa pisikal na hitsura ng dalaga. Oh well, not really on the physical appearance itself. Si Blaire, katulad ng pangalan nito, ay natural na maganda. Ang pagbabagong tinutukoy niya ay ang pananamit at kilos nito. It was so lady-like now, hindi katulad noon.

Ang pagbawi ni Blaire sa palad nito ang nagpabalik sa naglalakbay niyang kamalayan. At marahil hindi nito nakalkula ang aksiyon kaya nasagi nito ang kape. Jacob's reflex was fast. Naagapan niya ang paper cup na may takip naman bago pa iyon tuluyang matumba. Iyon nga lang, may mga likidong natapon at nagmantsa iyon sa ilang papel na nasa mesa.

Blaire shriek in horror when she saw the stained papers. Pero imbes na sigawan siya ay ilang beses na huminga ito ng malalim para kalmahin ang sarili bago siya hinarap. "Makakaalis ka na," nagpipigil ng gigil na wika nito. "Now, I have to do it all over again."

"Okay. I'm sorry." Napansin ni Jacob na puro handwritten ang mga entry na nakasulat sa ilang papel. "Kung gusto mo tutulungan kita. Kaya ko naming i-rewrite ang mga figures na---"

"Kaya ko 'yan. Just leave, okay?" mataray na sabi nito.

Ipinasya ni Jacob na huwag nang mangulit pa dahil tila ano mang sandali ay uusok na sa galit ang bumbunan ng dalaga. He held his hand up as a sign of surrender. "Okay. I better get going. Oh. Siya nga pala, nakausap ka na ba ni Megan?" Pinanlakihan siya ng mga mata ni Blaire. And he finds it cute. Napangiti siya. "About our date...? Friendly date?"

"Date-in mong mukha mo!" anito. Lumigid ang dalaga sa gawi niya. Hinawakan nito ang braso niya at hinila siya palabas ng opisina. "Umalis ka na nga."

Jacob felt playful. Tulad ng dati, kapag nakikita niyang nanggigigil na si Blaire ay lalo niya itong iniinis. Inakbayan niya ang dalaga at hinapit pa sa katawan niya. This time, he wasn't doing it for further fun. Gusto lang niyang gawin iyon. Gusto niyang malaman kung ano ang pakiramdam kapag inakbayan niya ang dalaga. And Jacob smiled at the feeling he felt. Siyempre pa ay hindi nagpatalo si Blaire. Before he knew it. Dumidiin na sa braso niya ang mga ngipin nito. "Aw! That hurts."

Nginisihan siya ni Blaire. "Who do you think you are? Hindi tayo magkaibigan. Wala kang karapatan na akbayan ako." Binuksan nito ang pinto at imuwestra ang labasan.

"Okay, okay," he said. "Susunduin kita sa bahay ninyo bukas." Iyon lang at mabilis na siyang umalis.

"Hoy! Hindi ako pumapayag, ha!" pahabol ng dalaga.

"See you tomorrow," balik niya na hindi lumilingon.




"SERIOUSLY, kuya? Sinabihan mo si Jacob noon na baka type ko si Megan?" Hindi matahimik na tanong ni Blaire sa kanyang Kuya Blake. Nasa apartment na siya noon at hindi siya matahimik kaya naman kinompronta niya ang kapatid sa pamamagitan ng video call.

Blake looks like he was caught off-guard. "Eh..."

"Eh?" gagad niya.

Nagkamot ng ulo si Blake. "Look, I said that out of frustration, you know. Hindi mo nga kinokompirma na tomboy ka, hindi mo rin naman itinatanggi. Sabi mo pa nga 'walang pakialamanan, kuya.'"

Blaire couldn't believe it. Hindi siya makapaniwala na ganoon pala kalaki ang issue na iyon. Ni hindi nga siya nagkaroon o dumanas ng identity crises. Alam niya sa sarili niya na babae siya. Nangyari nga lang na hindi siya pa-girl kung kumilos at manamit. "Lumaki ako na napapaligiran ng mga barako, what do you expect?" balik niya. Ang mga barakong tinutukoy niya ay ang kuya at papa niya. Pareho kasing brusko ang mga ito. Maliit pa siya noon nang nangibang-bansa ang Mama niya para magtrabaho bilang nurse. Thirteen na siya ng bumalik ito at ginamit ang ipon para pasukin nila ang trucking business. Nagsimula sila sa dalawang truck. Their business boomed. Halos kulang isandaan na ang trucks nila. Basically, ang nature ng business nila ay trucks for hire. Sila ang nagluluwas pa-Maynila ng mga kalakal ng Mindoro tulad ng prutas, gulay, niyog, saging, at kung ano-ano pa. Pagbalik naman ng Mindoro ay kung ano-anong kalakal din mula Maynila ang isinasakay nila.

"Imagine our relief nang magkaboyfriend ka," sabi pa ng kuya niya. "Mula sa pagiging boyish, unti-unti kang nagpakababae. Anyway, paano mo nga pala nalaman ang tungkol riyan?"

Humalukipkip siya. "Sinabi ni Jacob."

Lumapit si Blake sa monitor ng laptop. "Si Jacob? Wait. So, you're friends now?"

"No!" mariin niyang tanggi. "Sige na nga. Bye na. Basta may atraso ka sa akin, Kuya, ha."

Nang madiskonekta ang koneksiyon, binuklat ni Blaire ang ilang photo albums na nadala niya sa apartment. Napangiwi siya. Ang jologs nga pala ng porma niya noon. Eh, bakit ba? Eh sa get-up na iyon ako komportable eh, pagtatanggol niya sa sarili. Ang totoo, isa sa mga dahilan kung bakit pinanindigan niya ang jeans at shirts ay para itaboy ang mga manliligaw. Gusto kasi niyang mag-concentrate sa pag-aaral. Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko pero para siyang bulaklak na maraming nectar kaya pinaliligiran ng mga bubuyog. Kaya lang imbes na matuwa sa atensiyon, nabubuwisit siya sa mga ingay na nililikha ng mga bubuyog na iyon.

Valencia Brood Series Book 8: Jacob Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon