"MANG Justo, pakiakyat naman ho nito sa unit ni Blaire," ani ni Jacob sa mga pagkaing binili niya. Alas siyete na ng gabi. Malamang ay hindi pa kumakain ang dalaga. Ni wala ring bukas na ilaw sa tapat ng unit nito.
"Naku, eh, kaaalis lang ni Blaire."
Kumunot ang noo ni Jacob. Mula sa Florida's ay nakabuntot na siya sa dalaga. Naroong tumambay siya sa lobby at makipagkuwentuhan sa guwardiya. Hindi siya umaalis. Gusto niyang siguruhin na ayos lang ang dalaga. Saglit lang siyang umalis para ibili ito ng hapunan. "Umalis si Blaire? Pauwi daw ho ng farm nila?" Pero bakit naroon sa parking area ang kotse nito?
"Aba'y mukhang hindi. Eh, teka, mukhang paluwas. Naulinigan ko na may kausap sa telepono habang palabas dito. Tila nagpapareserve ng ticket sa barko."
Luluwas ng Maynila si Blaire? Pupunta ba ito kay Paul? Shit! "Kanina pa ho ba umalis?"
"Hindi. Aba'y kaaalis-alis lang. Kasasakay lang ng van."
"Ganoon ho ba? Siya sa inyo na ho 'yang pagkain," aniya habang mabilis na tinutungo ang kotse niya. Kung kaaalis-alis lang ni Blaire ay maaabutan pa niya ito sa pier. Isa pa ay hindi naman umaalis agad ang mga barko. Mabilis na naimaniobra niya ang sasakyan sa main highway. Damn it but he felt responsible for Blaire. Kung bakit naman kasi sa dinami-dami ng taong makakakita kay Paul, bakit siya pa? Tuloy siya pa ang naghatid ng balita ng kabiguan rito. Isang bagay na napakahirap gawin.
Panay ang sulyap ni Jacob sa orasan ng sasakyan. Kulang isang oras ang magiging biyahe niya patungong pier ng Calapan. He grinds his teeth. Sa susunod na makita niya ang Paul na iyon ay makakatikim ito ng kamao niya. Bakit nagawa nitong maghanap ng iba? "Blaire is perfect for God's sake! She's lovely form head to toe!" bulalas niya. Pagkuwa'y natigilan si Jacob nang mapagtanto ang sinabi. What? tanong niya sa tila nang-iintriga na bahagi ng isip niya. She's really lovely! Pagkuwa'y nagkibit-balikat siya.
Dahil maluwag ang kalsada at matulin ang naging pagpapatakbo ni Jacob, inabot lamang ng mahigit kalahating oras ang biyahe niya. Ipinarada niya ang sasakyan sa parking space ng pier. He grabbed her jacket and climbed out of the car. Ang wallet at cellphone niya ay nasa kanyang bulsa na. Nagtungo siya sa ticketing booth. Saan kaya sa limang ticketing booth na ito bumili ng ticket si Blaire? Magkakaibang kumpanya ng barko ang mga booth na iyon. Tiningnan niya ang mga oras ng pag-alis. Nang mapagkumpara ay tinungo niya ang booth ng barko na mauunang aalis. Ide-describe sana niya ang hitsura ni Blaire sa clerk nang makita niya ang manifesto. Iyon ang papel na mandatory na sinusulatan ng pangalan ng mga pasahero. He scanned it and saw Blaire's name. "Isang ticket, please," aniya at mabilis na kumuha ng pera sa wallet. Ilang sandali pa at nasa loob na ng terminal ang binata. He scans the waiting area. Iilan-ilan ang pasahero kaya mabilis niyang nakita si Blaire. He knew it was Blaire kahit nakatalikod ito sa kanya.
Inilabas niya ang telepono. "Sean, magpadala ka ng tao sa pier, pakikuha ng kotse ko sa parking area. Luluwas ako ng Maynila," aniya sa pinsan habang hindi niya inaalisan ng tingin si Blaire. Bagsak ang mga balikat nito at hindi mahirap sabihin na may dinaramdam ito. Jacob sighed. Bakit parang napakabigat din ng dibdib niya? Hindi lang iyon. Gusto rin niyang akuin ang problema ng dalaga.
"What?" anang pinsan. "Ibig mong sabihin nasa pier ka ngayon? Bakit?"
"Important matters."
"Important? Bakit hindi mo na lang ginamit ang chopper dito sa hacienda? Wala akong ginagawa, pwedeng ako ang magpiloto," ani ni Sean.
"Er...basta. Tsaka na ako magpapaliwanag. Sige na. Alam mo naman kung saan nakalagay ang duplicate keys ng kotse ko."
"Okay. No prob."
"Thanks."
BINABASA MO ANG
Valencia Brood Series Book 8: Jacob Valencia (Completed)
Любовные романыJacob Valencia's story