Part 16

10.2K 188 4
                                    

"ANO BA 'yan, ang takaw mo nga pala sa mangga!" buska ni Jacob kay Blaire nang maubos ng dalaga ang mga manggang dinala nila sa terrace ng kanilang bahay sa farm. Sabado niyon. May lakad ang kuya ni Blaire habang ang mga magulang ng dalaga ay nasa taniman at tinitingnan ang ipinaagawang bagong irigasyon. Nahinog na ang mga unang bunga ng manga sa hasyenda, ang sabi ni Megan ay paborito daw ni Blaire ang manga kaya dinalhan niya ang dalaga. True enough, agad nga nitong nilantakan ang manga.

Mabilis na lumipas ang limang linggo mula nang makabalik ang dalaga. She was working hard. Obvious na ginagawang abala ang sarili sa bawat oras. Hindi niya kinonsinte ang gawi ng dalaga. Lagi siyang sumusulpot sa opisina nito para guluhin ito, para makipagkulitan, para dalhan ito ng pagkain. Ang bond na nabuo nila noong nasa Baguio pa ito at nag-uusap lamang sila sa telepono ay nagtuloy-tuloy. Blaire isn't sulking anymore. Puno na uli ito ng buhay.

"Ang sama talaga ng ugali mo," pag-angal ni Blaire sa sinabi niya. Pareho silang nakaupo sa malapad na pasimano ng terrace, parehong nakataas ang mga paa. Nasa magkabilang dulo sila at nakasandal sa poste. Blaire was eating mangoes and he was drinking his coffee. Sa mga pagkakataong hindi nakatingin ang dalaga ay pinagmamasdan niya ito. Isang bagay na parang bisyo, napakahirap pigilin. "Hindi mo ba alam na hindi mo dapat sinasabihan ng matakaw ang isang babae? At saka, paborito ko nga 'di ba? Pa. Bo. Ri. To," pagbibigay diin nito.

Jacob couldn't help but chuckled. Bumaba ng pasimano si Blaire. She was barefoot. Kapag nasa loob ito ng bahay ay hindi ito nagtsetsenelas kahit malamig ang tiles, isang bagay na napansin niya. And he likes it. "Saan ka pupunta?"

"Hindi ko sasabihin sa 'yo. Bleh!" tila batang sagot nito. Kinuha nito ang plato ng mangga, na puro balat at buto na ang laman.

"Alam ko na. Kukuha ka pa ng mangga, ano? Goodness! Baka naman saktan ka na ng tiyan---"

"Hep!" awat nito sa kanya, itinaas pa ang libreng kamay para pahintuin siya. "Walang pakialamanan."

Napapalatak siya. "Dapat pala nagdala ako ng Diatabs, in case."

Ngumisi ito. "Well-stock ang medicine cabinet namin so don't worry," anito bago tila militar na nagmartsa papasok ng bahay.

Tuluyan nang humalakhak si Jacob. Pagkuwa'y patalon na bumaba siya ng pasimano at sinundan ang dalaga. Bahagya itong napaigtad ng akbayan niya nito.

"B-ba...Bakit ka nang-aakbay?" tila natatarantang tanong nito. Hindi nakaligtas sa binata ang paglikot ng mga mata nito.

"Walang pakialamanan," balik niya bago hinapit pa ang pagkakaakbay rito. Ramdam niya ang tensiyon sa katawan ng dalaga. And when he look at her face, he noticed it was scarlet especially her cheeks. She's blushing! "Nananahimik ka," tudyo niya, nakakadama ng kasiyahan. Hindi kailangan na maging genius para malaman na naaapektuhan si Blaire sa pagkakalapit ng mga katawan nila. Kumabog din kaya ang dibdib nito katulad ng pagkalabog ng sa kanya? Natutuliro sa kakaibang pintig na iyon ng puso? "Hey..."

"Ha? Ah..." Tumikhim si Blaire, tila hinahamig ang sarili.

"Ano'ng iniisip mo? Ako, no?" tudyo niya. Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Tila ba nasukol. "Uy...ini---argh!" napaigik siya ng malakas na sikuhin siya ng dalaga bago ito kumawala sa pagkakaakbay niya.

"Beh!"

"Blaire!" Malakas na tawag niya sa pangalan ng dalaga na may babala. Si Blaire ay

agad binitiwan sa ibabaw ng mesa ang plato ng manga bago pumunta sa kabilang panig ng mesa. Ngumisi siya. "Lagot ka sa akin." Sinimulan niyang hulihin ang dalaga.

"JAKE, stop!" Awat niya sa binata nang tinangka nitong hulihin siya.

Five weeks had passed, so quickly Blaire was amazed. Siguro ay dahil itinuon niya ang kanyang buong atensiyon sa trabaho. Hindi niya namamalayan ang paglipas ng mga oras, ng mga araw. Oh well, sinadya naman talaga niyang magpakasubsob sa trabaho. She worked double time like she really needed to work so hard. Ginawa niya iyon para maging ukupado ang isip niya sa lahat ng oras. Para hindi niya maisip si Paul at ang kataksilan nito, para tuluyang makalimutan si Paul. Naging malaki rin ang papel ni Jacob sa pagmomove on niya. Inaaliw siya nito, kinukulit, dinadalhan ng kung ano-anong pagkain at prutas. Tulad nalang sa sandaling iyon na manga naman ang dala nito. She likes Jake's company. Masasabi niyang close na silang dalawa na animo walang asaran na namagitan sa kanila noon. He's a perfect gentleman, if she may say so. Lahat ng miyembro ng kanyang angkan ay malapit sa binata. Siguro dahil ang-e-effort naman talaga ang binata para mapalapit sa mga ito.

"Stop?" Ang masiglang boses ng binata ang nagpabalik sa naglalakbay niyang kamalayan. "Stop? No."

"Sto---Ay!" hindi niya napigilang tumili nang lumigid ito sa tabi niya. Agad din naman siyang nakaiwas.

Tawa naman ng tawa si Jacob. Mukhang aliw na aliw ito sa pagtili niya. "Hayan na ako, Blaire..."

Bagama't alisto siya, mabilis naman si Jacob, agad itong nakakalapit sa kanya kaya naman hindi niya mapigilan ang mga tili niya. Hindi tili ng takot, kundi tili ng kasiyahan at excitement "Ay! Ay!" Kung siya ay tili ng tili, si Jacob ay malulutong naman ang halakhak. Paikot-ikot sila sa bilog na mesa, ang mga silya ay wala na sa puwesto. "Jake, tama na, sumasakit na ang tiyan ko!" awat niya rito. Itinaas niya ang mga kamay bilang pagsuko. Her eyes were watery due to her laughters.

"Tama na?" tanong ni Jacob. There was a predatory gleam in his eyes as he walk toward her. Kaya naman napaikot uli siya sa kabilang panig kasabay ng isang tili.

"Akala ko ba, tama na?" tatawa-tawang tanong nito. And he was beside her in an instant. Iiwas sana uli ang dalaga ngunit naging mabilis si Jake, naipulupot nito ang isang braso sa baywang niya. And then he pulled her closer. On instinct, idinaklot niya ang mga palad sa t-shirt nito. Their eyes were connected solidly. Parang mabibingi si Blaire sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Para siyang natutunaw sa titig na iyon ng binata ngunit hindi niya magawang magbawi ng paningin. She couldn't find the courage to do so. No. The truth is she didn't want to. Parang may kung anong mahika na lumukob sa pagkatao niya.

Lumunok si Blaire. Bumaba naman ang paningin ni Jacob sa kanyang labi which she isn't aware were lightly parted. Dumaan ang emosyon sa mga mata ng binata. Was it hunger? Desire? "Blaire?" usal nito sa paos na boses, gusto niyang kilabutan sa timbre niyon.

"Y-yes?"

Bumalik sa mga mata niya ang paningin ng binata. "Can I kiss you?" Nagpapaalam ito kung puwede siya nitong hagkan, is that it? Pero bakit siya nito gustong hagkan? Unless...unless may gusto ito sa kanya. Is he? "Puwede ba, Blaire? Pwede ba kitang hagkan?"

Yes, yes, yes! "G-gusto mo akong hagkan?" Hindi makapag-isip ng tama si Blaire. Para siyang nahuhulog, nahuhulog sa isang bagay na hindi niya malaman kong ano.

Umabante palapit sa mukha niya ang mukha ng binata. She made no protest. Ang dibdib niya ay puno ng antisipasyon. "Gustong-gusto, Blaire. Gustong-gusto." Blaire almost closed her eyes as his warmth breath hit her face. Humigpit ang pagkakadaklot niya sa damit ng binata. Pakiramdam niya ay namamawis ang mga paa niya sa antisipasyon. She didn't want to break free. Gusto niya ang pagkakalapit nilang iyon, ang intimacy. She like Jacob's body heat, she like him beside her, skin to skin, breath to breath.

"T-then ki---"

Hindi siya pinatapos ni Jacob sa pagsasalita, tuluyan nitong inangkin ang labi niya. And Blaire was stunned at the intensity and urgency of his kisses. Tila matagal na nitong gustong gawin ang bagay na iyon, ang pag-angkin sa labi niya at ngayong nabigyan ito ng pagkakataon ay sinasamantala iyon ng binata. And Blaire realized that she likes it, she likes the way he's kissing her. Lalaking-lalaki. Brusko. She felt like she was beintg adored and wanted. Hindi na nag-isip pa si Blaire. Paano pa siya makakapag-isip kung nalulunod siya sa halik ng binata, in a good, drugging way.

She kissed him back.

Valencia Brood Series Book 8: Jacob Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon