Part 18

8.7K 176 0
                                    

"BLAIRE...?" tawag ni Paul sa atensiyon ni Blaire. Nakaupo na ito sa kaibayo niya at nakaorder na rin ng maiinom.

Gather yourself together, Blaire! Bakit ba distracted ka? Bakit nakakaramdam ka ng guilt? Kastigo ni Blaire sa sarili. Jacob was there. Patuloy itong nakikipag-usap sa kasama nito subalit sa pagkakataong iyon ay halos nagsasalubong ang mga kilay nito. His jaw was rigid. Madilim ang mukha nito. Sigurado siya na kahit sino ay mapapansin ang pagbabago ng mood nito. Pero bakit? Dahil katagpo niya si Paul ngayon?

"Sige na, talk. Explain. Makikinig ako," aniya kay Paul. Bago siya magsimba ay nakatanggap siya ng tawag mula rito. Nagtatanong kung puwede na daw ba itong magpaliwanag. Kung handa na daw ba siya. At kung sakaling hindi pa ay maghihintay ito. Tinimbang niya ang sariling damdamin, inalisa kung handa na ba siyang makita uli si Paul at makinig sa ano mang magiging eksplanasyon nito. She felt she was ready to talk with him so she said yes and told him to meet her at Charlie's at ten o'clock in the morning.

At ngayon ay narito ito sa kanyang harap. Himala ngunit wala yata siyang pagkailang na nararamdaman ngayong kaharap niya ito. It feels as if she was just facing an old friend, no pain, no heartache. Mas inaalala pa niya ang naging reaksiyon ni Jacob at kung papaanong naaapektuhan siya niyon. God! Am I over him already? Tuluyan na ba akong nakapag move on?

"So?" untag ng dalaga nang hindi agad umimik si Paul.

"I...I honestly don't know where to start," anito. His eyes are both weary. "Salamat at pinagbigyan mo ako. You look great." Napaismid siya sa papuri nito. "I mean it. You look so well and strong and---"

"At hindi mukhang brokenhearted?" salo niya bago nagkibit-balikat. "Wala kang ideya kung paano ko iniyakan ang nangyari, Paul."

"Ang nangyari. Iniyakan mo ang nangyari at hindi ako." Tumuwid ang likod ni Blaire pero bago siya makapagkomento ay nagsalita na uli si Paul. "You were always busy, Blaire. Busy ka sa pag-aaral, busy sa pag-o-ojt sa kumpanya ng tita mo. Madalang nga tayong magkita."

"What are you trying to say? Ha!" Hindi makapaniwalang huminga siya. Pakiramdam niya ay umiinit ang ulo niya sa ipinupunto nito. "Gagawin mo bang excuse ang pagiging busy ko sa ginawa mo sa akin? Madalang kamo tayong magkita? Nalimutan mo na ba na ikaw ang may gusto niyon. Sabi mo imbes na lumabas tayo pag linggo ay magpahinga na lang ako."

Malungkot na ngumiti si Paul. "Dahil wala ka naman sa sarili mo kapag magkasama tayo. You look so exhausted, you look like you've missed your bed so much na para bang ipagpapalit mo ang kahit na ano para lamang mailapat ang likod mo sa kama mo. Ilang beses kang nakatulog sa sinehan o sa mga concert na pinupuntahan natin? At ang pamamasyal natin, ni hindi mo ma-enjoy. Sa palagay mo ba ay hindi ko iyon napapansin?"

Hindi makaimik si Blaire. Ang mga sinabi nito ay...totoo. Ngayon lamang niya napagtanto na sa loob ng dalawang taon ay napakakakaunti ng mga alaalang meron sila ni Paul. Napakaunti ng masasayang alaala. Wala silang napag-uusapang plano para sa hinaharap. Suddenly, nakadama ng guilt si Blaire. Napagtanto niya na napakalaki nga pala ng pagkukulang niya kay Paul. Naging malikot ang mga mata niya. Was it the reason why she isn't hurt that bad? Kung bakit ang bilis niyang makabawi sa kabiguan niya? "K-kaya ba naghanap ka ng iba?"

"I swear Blaire. Hindi ko intensiyon na lokohin ka. Totoo at hindi kasinungalingan ng sabihin ko na mahal kita. It just..."

"Ano? You fall out of love?" tanong niya. Grateful that she couldn't find any bitterness inside her. It was barely more than a month ago since she witnessed his betrayal pero wala na siyang ibang makapa sa kanyang dibdib kundi lungkot. Mahirap mang aminin pero marahil ay tama si Jacob. Ang pagmamahal niya kay Paul ay hindi malalim. Paul, not once, did became the meaning of life for her, the center of her universe. He never became her everything...

Valencia Brood Series Book 8: Jacob Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon