Part 15

9.4K 171 2
                                    


MAAGANG nagising si Blaire kinabukasan. Iyon na kasi ang araw na bababa siya ng Baguio. Uuwi na siya sa Naujan. She was ready to face the world again. Isusubsob niya ang sarili sa trabaho nang sa gayon ay tuluyang gumaling ang puso niya. And if truth be told, excited rin siya na muling makita si Jacob. Well, it's actually a combination of excitement and nervousness. Kung para saan ang nerbiyos ay hindi niya alam. Nararamdaman lang niya iyon sa dibdib niya.

Kinapa niya ang cellphone niya at tiningnan kung may message si Jacob. Nakadama siya ng disappointment ng walang makita. Nagtataka rin siya kung bakit hindi pa ito tumatawag, gayong dati rati ganitong oras ay nag-iingay na ang cellphone niya. Ah, masyado na yata siyang nasanay kaya ngayon ay hinahanap hanap na niya ang mga iyon.

Ipinasya niyang maligo na at maghanda na sa pag-alis. Binitbit niya ang cellphone niya hanggang sa shower. Para kapag tumawag na si Jacob ay masasagot agad niya iyon. Subalit nakapaligo na siya ay wala pa ring tawag na dumating.

"Kung ako nalang kaya ang tumawag?" tanong niya sa sarili niya habang hindi mapalagay sa paroo't paritong paglalakad. Idinayal niya ang numero ni Jacob ngunit tila kidlat na ibinaba rin niya iyon agad. "Baka busy..." bulong niya. Naupo siya sa gilid ng kama at panay ang sulyap sa cellphone niya. Bakit tila hindi siya makapagsimula ng araw niya na wala ang tawag o text mula sa binata? Bakit tila ang masiglang umaga ay nauuwi sa pananamlay? To think na kagabi lang ay magkausap naman sila. Napaungol siya. Hindi niya maunawaan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya.

Nagring ang cellphone. Agad niya iyong dinala sa tainga niya at sinagot nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. "'Morning!" masigla niyang wika. Bigla-bigla ay tila nabuhay ang mga dugo niya. At napagtanto rin niya na nakangiti na siya.

"B-Blaire..." Natigilan si Blaire sa tinig na iyon. It was Paul. Lihim na namura niya ang sarili. She'd been careless. "Blaire please---"

"Listen," putol niya rito. Thank God at nakisama ang boses niya, buo iyon at matatag. "Mag-uusap tayo. Pakikinggan ko ang panig mo. I'll spare myself from wondering and from the what ifs someday. Sasabihin mo sa akin kung bakit nagawa mo iyon sa akin, Paul. Pero hindi muna ngayon. Naiintindihan mo ba? Hindi muna ngayon o sa mga susunod pang araw. Haharapin kita kapag handa na ako. Good bye." Hindi niya hinintay ang sagot nito at agad niyang pinutol ang tawag. Pagkuwa'y pumikit siya at ilang beses na huminga ng malalim. Good job, Blaire. Good job...



ISINUKBIT ni Blaire ang kanyang backpack at binitbit ang isang eco-bag nang tuluyang makadaong ang Supercat sa pantalan ng Calapan. Dahil summer, isinuot muna niya ang shades niya bago siya sumabay sa agos ng mga pasahero na bumababa ng barko. Nag-ring ang cellphone siya. Hawak niya ang cellphone niya dahil kanina pa sila nagpapalitan ng text ni Jacob. Bahagya siyang napangiti ng makita niyang ang binata ang tumatawag.

"Nakikita na kita," agad na wika nito.

"Ows?" hindi siya naniniwala dahil andami niyang kasabay na naglalakad.

"Yeah. Nakasuot ka ng shorts na kulay beige at white, sleeveless shirt na napapatungan ng cardigan—"

She rolled her eyes. "Okay. Show yourself---"

"Hi there," sabi ng tinig mula sa likuran niya. Jake! Sa isang iglap ay nasa tabi na niya ito at kinukuha mula sa palad niya ang bitbit niyang eco-bag na naglalaman ng ilang pasalubong mula Baguio. He's smiling brightly.

"Pinayagan kang makalapit dito sa pantalan?" Tulad niya ay naka-shorts din ito at white shirt. Halos pareho sila ng get up dahil may shades rin ito.

"Of course, I'm a Valencia. What a Valencia wants, Valencia gets," animo nagmamalaking tugon nito.

"'Yabang nito."

"Just kidding."

"I know." Pagkatapos ng tawag ni Paul ay ang tawag naman mula kay Jacob ang natanggap

niya. Ipinaliwanag ng binata na nasa isang general meeting umano ito, general meeting ng angkan nito, kaya hindi agad nakatawag. Hindi na niya binanggit sa binata ang tungkol sa pagtawag ni Paul. "Sinundo mo pa talaga ako. Naabala ka pa. Pwede namang sumakay na lang ako ng van." Tinungo nila ang kinaroroonan ng parking lot.

"Excuse me, hindi talaga ikaw ang sinadya ko, ano. May pinuntahan ako sa Bayan ng Calapan kaya dumeretso narin ako dito," nakangising sabi nito. "Bakit, sino ka nga ba uli?"

Tumigil sa paghakbang si Blaire. "Ah, ganoon?" Lumihis siya ng landas. "Magba-van na lang ako."

Nakakaisang hakbang pa lang siya ay nahawakan na ng binata ang siko niya. "'To naman, hindi na mabiro." Pumunta ito sa harap niya. Ang isang palad ay inilagay sa may tiyan, ang isa ay inilagay sa likod bago yumukod na animo isa itong alipin. Pagkatapos niyon ay imunestra nito ang daan patungo sa parking lot "This way please, your majesty."

Kinagat ni Blaire ang lower lip niya. Nagpupumilit kasing gumuhit ang isang malawak na

ngiti sa labi niya. "Umayos ka nga. Baka kung ano ang isipin ng mga tao dito."

Tumuwid ito ng tayo at binigyan siya ng isang simpatikong ngiti. Ilang sandali pa at binabaybay na nila ang main highway. "Gusto mong tumigil muna tayo sa isang highway restaurant para kumain?"

"Hindi na. Siguradong nagluto si mama. At---" Kinunutan niya ito ng noo. "What's with that Mona Lisa smile of yours?" tanong niya nang mapansin ang pagkakangiti nito. Tila kasi may kaakibat na sekreto ang ngiting iyon ni Jacob, katulad ng pamosong painting na Mona Lisa.

"Mona Lisa smile? I say it's Jacob's smile," anito at ngumiti ng matamis sa kanya bago ibinalik ang paningin sa kalsada. "And mine is a killer smile. A deadly one."

Natawa siya. "Wicked smile, more like," bulong niya.

"What did you say?"

"I didn't say anything," kaila niya. "No."

Jacob just threw her one of that wicked smile she was talking about. Sinagot naman niya iyon ng irap. And then he chuckled. Manaka-naka ay sinusulyapan siya nito. Aware si Blaire sa bawat sandaling iyon. Hindi naman na nagtangka ang binata na magbukas ng usapan. Pagkatapos nitong buksan ang radyo ng sasakyan ay nagkonsentra na ito sa pagmamaneho. Pagkaraan ng mahigit isa at kalahating oras ay nasa farm na sila. Her family welcomed her with a tight hug. Walang nagbanggit ng tungkol kay Paul at sa ginawa nito na ipinagpapasalamat naman niya. Kung sakali, magdudulot sana iyon ng pagkailang. Hindi rin pumayag ang pamilya niya na hindi sumalo sa kanila si Jacob sa hapunan. Sa kabuuan ay masasabi naman niya na naging maayos naman ang lahat. She was truly happy to be home.

"Jake, sandali," paghabol niya sa binata nang tinutungo na nito ang sasakyan matapos magpaalam. Iniabot niya rito ang isang paper bag. "Here. For you. It's just a token of gratitude. Mga souviner items from Baguio."

Tinanggap nito ang paper bag. "Salamat."

"Hindi. Ako dapat ang magpasalamat sa 'yo. You've been a great help. Thank you."

Iniumang ni Jacob ang palad. "So, friends? Officially?" tukso nito. He was all smile. Maging ito ay hindi nagbabanggit ng tungkol kay Paul.

Nakipagkamay siya. "Friends."

"For now," usal nito. Mahina iyon kaya hindi sigurado ang dalaga kung tama ang kanyang narinig.

"Ano?"

"Aalis na ako," tugon nito. "Bye."



SHE seemed all right. Or getting there at least, konklusyon ni Jacob habang nakatitig sa dreamcatcher na nakasabit sa bintana ng kanyang log cottage. Isinasayaw-sayaw iyon ng ihip ng hangin. Isa ang dream catcher sa mga souver items na nasa paper bag.

Ngumingiti si Blaire, tumatawa, nakikipagbiruan. Gayunpaman may munting kislap pa rin ng lungkot at sakit sa mga mata nito. It was all right. It was a kind of pain that time can heals. Isa pa ay sariwa pa naman ang sugat ng dalaga. He will give her time. Sa ngayon ay mananatili muna siyang isang kaibigan para rito.

Valencia Brood Series Book 8: Jacob Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon