BAHAGYANG kumabog ang dibdib ni Blaire nang makita niya na may message siya na galing kay Jacob. She opened it. P'wede ba akong mangumusta? anang mensahe. Ibinaba ni Blaire ang telepono, pinag-iisipan kung sasagutin niya ang mensahe o hindi. Kumuha siya ng comforter at binitbit iyon pati na ang telepono at lumabas siya ng terrace ng kanyang silid. Nahiga siya sa divan. Binalot niya ang sarili ng comforter dahil talaga namang malamig ang panahon. She sighed and then type a message. I'm fine.
Napapitlag na lang ang dalaga ng mag-calling na ang telepono. Si Jacob ang tumatawag. Lumunok si Blaire. Should she accept the call? Pero natagpuan na lang niya ang sarili na dinadala sa tainga ang telepono sabay pindot ng accept button niyon.
"Blaire..." anang baritonong tinig ng binata. "How are you?"
"I-I'm fine nga, 'di ba?"
"Pinagsusungitan mo ba ako?" balik nito sa himig nagbibiro. And she couldn't help but lightly smile. "Kumain ka na?"
"Jake, kung iniisip mo na hindi ako kumakain, forget it. Masyadong masarap ang mga luto ni Tiyang. Broken hearted o hindi, hindi ko iyon tatanggihan," aniya. At totoo naman. Hindi siya nagmimitis sa oras ng pagkain.
"Masarap pakinggan ang dalawang iyan," anito.
Kumunot ang kanyang noo. "Dalawa?"
"Ang pagtawag mo sa akin ng Jake at ang kaalamang kumakain ka." Nahaplos ni Blaire ang isang pisngi niya. Pagba-blush ba iyong nararamdaman niya? "Blaire..."
"Hmm?"
"Andami kong nakikitang stars ngayon. Malalaki nila at mabibilog," anito.
"Pardon?" aniyang naguguluhan. "Stars na malalaki at mabibilog?" Tumingin siya sa kalangitan. It was a starry night. Nakatingin din ba ang binata sa kalangitan? Pero bakit mabibilog daw?
"Yeah. Star apples. Narito ako at nakatingala sa puno ng star apple na hitik sa bunga."
Biglang napabulalas ng tawa si Blaire. "Are you kidding me?" natatawa pa rin na tanong niya.
"Yes," masiglang tugon nito at na-imagine ni Blaire na nakangiti rin ang mga mata ng binata. "Effective naman, 'di ba? Natawa ka."
"Loko," usal niya. "Akala ko naman nakatingin ka talaga sa kalangitan."
"Are you? Nasa labas ka ba at tumitingin sa mga stars? Make sure na may suot kang medyas at jacket. Malamig daw ngayon diyan. Lalo na 'pag gabi."
Bahagyang ngumiti si Blaire. Nakakagaan ng pakiramdam na makausap ang binata. He had this ability to calm her and make her smile. "The sky is like a mine of diamonds here. Maliliit nga lang ang mga stars."
"I should know. Narito kasi sa amin ang malalaking stars."
Natawa na naman siya. "Star apples? Ang corny ng mga jokes mo."
He chuckled. "Mabenta naman."
Ngumiti si Blaire. Kung ganito kagaan sa pakiramdam ang hatid ng bawat tawag ni Jacob, she silently make a wish na sana ay mapadalas ang tawag nito.
"HEY, umiiyak ka ba?" tanong ni Jacob.
"H-hindi," sagot niyang pilit ginagawang normal ang tinig. Pinunasan niya ang luhang tumulo sa magkabila niyang pisngi.
"Hindi? Umiiyak ka, eh. Narinig ko ang paghikbi mo. Aminin mo na umiiyak ka nga. Seriously?"
"Okay, umiiyak nga ako! Eh sa nakakaiyak ang eksena eh!" Nakangusong singhal niya sa binata habang hindi inaalis ang kanyang paningin sa screen ng TV. Her silent wish was granted. Napadalas nga ang pagtawag sa kanya ni Jacob. They would talk on hours, sharing funny anecdotes of their lives. They talk about anything under the sun. Minsan nga ay nakatulugan pa niya ito. Sa umaga naman ay halos ito na rin ang nanggigising sa kanya sa pamamagitan ng tawag. Kakatwa ngunit tila bigla silang naging close ni Jacob. Na animo matagal na sila nitong magkaibigan para mapalagay rito ang loob niya ng ganoon nalang. Hindi niya itatatwa na maganda ang boses nito. His voice was deep and baritone and at the same time gentle. Hindi nakakasawang pakinggan. Tulad nalang ng araw na iyon. Kaninang umaga ay dumating na package sa bahay ng Tiya Letty niya na nakapangalan sa kanya. The parcel was from Jacob. Nang buksan niya ay pulos DVD tapes ang laman. May note roon na nagpapaliwanag na nakuha umano nito ang address sa kuya niya at ang mga tapes daw ay panonoorin nila. Na ang ibig pa lang sabihin ay sabay silang magpi-play ng parehong pelikula habang nakabukas din ang kanilang mga telepono para makapagalitan sila ng komento tungkol sa nasabing pelikula. Marahil ay narinig nito ang paghikbi niya kaya nalaman nito na nadadala na siya sa eksena.
"Sus, kayo talagang mga babae, napaka-emosyonal n'yo! Konting drama lang iniiyakan n'yo na. Ano ba yan?" buska nito.
"Tigilan mo ako, Jake. Palibhasa kasi kayong mga lalaki, mga insensitive kayo!"
"Whoa! That's not true."
"Of course it's true!" sigaw niya rito. Tuluyan nang naalis sa pinanonood ang kanyang atensiyon.
"Galit ka na niyan?" panunukso nito na ikinatawa niya. Halos nai-imagine na niya ang hitsura nito. Sigurado siya na bahagyang nakataas ang kilay nito habang sa labi ay nakaguhit ang isang ngiti. "Alam mo, ikaw lang talaga ang nakakagawa niyan akin. Grabe, pinabababa mo ang self steem ko. Bumabawi ka talaga sa panahong asar na asar ka sa akin, ano?"
Umingos siya kahit hindi naman siya nakikita ng binata. "Hindi pa ako galit ng lagay na 'yan."
"Oh? Paano pala kapag galit ka na talaga?" Pumalatak nito. "Okay ka na ba? Do you have water beside you? Inom ka muna ng tubig."
Napangiti siya. Jake is nice, thoughtful, and sweet. Hindi nito natupad ang pangako na hindi na siya aasarin dahil may mga pagkakataon na inaasar pa rin siya nito. Kaibahan nga lang, ngayon ay natatawa na lang siya. Aaminin niya na malaki ang naitulong ng mga pag-uusap nila ni ni Jacob para hindi siya magmukmok. Hindi na siya umiiyak. Pakiramdam nga niya ay kaya na uli niyang harapin ang mundo. As for Paul, well, yes, may sundot pa rin ng sakit. Hindi naman siguro iyon basta-basta mawala. But one thing is for certain, he'll never take Paul back because she believes that once a cheater always a cheater.
BINABASA MO ANG
Valencia Brood Series Book 8: Jacob Valencia (Completed)
RomanceJacob Valencia's story